(J-Hope's POV)Nang matapos ang lahat nang participants ay mabilis akong umalis sa pwesto ko at nagtungo sa backstage para hanapin siya ngunit di ko siya nakita.
"You're looking for Necyval?," rinig kong tanong sa akin kaya napalingon ako.
"Did you see her?," tanong ko din kay Sam.
"Umalis na siya. I told her everything about who really J is. Sinabi ko naman sayo na pigilan mo siyang mag audition ngayon yet you didn't listen to me. Just wait and I will tell Mr. President about your mistake," sabi niya sa akin.
"Bakit mo ginawa yun Sam?"
"I just don't want her to be in BHDS. I don't want anyone steal my place," pagalit niyang sagot.
"So kaya mong manakit nang iba para makuha mo lang ang gusto mo?"
"Of course. No one can stop me even you. Hintayin mo na lang kung kailan ka tatawagin ni Mr. President," sagot niya at tumalikod na.
"You're selfish Sam. Sarili mo lang iniisip mo. I hope naging masaya ka sa ginawa mo," sabi ko lang at iniwan siya.
Mabilis akong sumakay sa kotse ni Manager, hindi na ako nagpaalam. Kailangan kong puntahan si Necy. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Mabilis akong nagpunta nang studio pero wala siya doon dahil nakalock ito. Nagpunta naman ako sa kanila. Nakita ko sa labas ang kapatid niya.
"Excuse me."
"Hmmm? OMG!"
"Nanjan ba si Necy?," tanong ko sa kapatid niya na gulat na gulat. Hindi kasi ako nakamask at hindi rin ako nakacap kaya nakilala niya siguro ako.
"Nandito ba si Necyval?," ulit kong tanong.
"Wala siya dito. Hindi pa siya umuuwi," sagot naman nung kapatid niya.
"Thank you. And pwede mo ba akong itext o tawagan if ever magsabi siya kung nasaan siya o kung umuwi na ba siya. Here is my number."
"Ok and ask ko lang, ikaw ba talaga si J-Hope?," tanong naman niya kaya umuo ako. Napatakip naman siya sa bibig niya.
"Sige alis na ako," sabi ko lang at sumakay ulit nang kotse. Necy nasaan ka ba? Bumalik naman ako sa studio, baka nandoon na siya pero si Daiki ang nakasalubong ko.
"Daiki alam mo ba kung nasaan si Necy?," agad kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam. Hinahanap ko din siya."
"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko."
"Pero kanino niya nalaman ang tungkol sayo. May iba bang nakaalam na ikaw si J?," tanong naman niya sa akin.
"Si Sam. Siya ang nagsabi kay Necy. Nakita niya tayong tatlo."
"What? Paano kung sabihin niya din sa president ng BHDS ang nangyari, anong mangyayari sayo?"
"I will face the consequences of my mistake. Kasalanan ko din naman talaga."
Naghiwalay naman kami ni Daiki sa paghahanap. Pinuntahan ko na ang mga lugar na pwede niyang puntahan pero wala siya don. Nakatanggap naman ako nang text mula sa kapatid niya.
(Necyval's POV)
Ring lang nang ring ang phone ko. Lagi siyang tumatawag pero ayokong sagutin. Ayoko munang kausapin siya o makita man lang. Nakatanggap naman ako nang text mula sa kapatid ko.
"Unnie nasaan ka ba? Hinahanap ka ni mama. Bakit di ka pa umuwi?"
Nireplayan ko naman siya at sinabing wag sabihin kahit kanino o kahit kay Daiki kung nasaan ako. Ayoko lang na mag alala si mama. Umiyak naman ulit ako nang maalala ang mga nangyari.
"Necy," rinig kong tawag sa akin at kahit di ko siya lingunin, alam kong si J ang nagsalita. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko.
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?," agad kong tanong sa kanya kahit di ko siya hinaharap.
"I need to talk to you Necy. Magpapaliwanag ako," sagot naman niya.
"Wala ka nang dapat ipaliwanag pa J or should I say J-Hope. Alam ko na ang lahat."
"Sorry for everything Necy pero gusto kong malaman mo na-," sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos at humarap sa kanya.
"Na ano? Na ako ang dahilan kung bakit nasuspend ka sa pagtuturo? Na ako ang dahilan kung bakit hindi ka makalabas nang BHDS dahil grounded ka? Nang dahil sa akin di mo na nagagawang magturo sa kanila. Nang dahil sa akin mapaparusahan ka at mga kamember mo. Nang dahil sa kagustuhan kong matuto pwedeng mawala ang pangarap mo. Ano pa J, may kulang pa ba? Sige isumbat mo na sa akin," sabi ko naman sa kanya habang umiiyak na.
"Pinanindigan kong manatiling maging trainor mo dahil yun ang gusto ko at pinili ko yun para sayo dahil yun ang pangarap mo. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko Necy."
"Pero alam mo ba J kung anong pinagsisihan ko, yun ay ang pinayagan kitang pumasok sa mundo ko. Hinayaan kitang makilala ako kahit ni mukha mo hindi ko nakikita pero pinagkatiwalaan kita. Sana man lang kahit konti pinagkatiwalaan mo ko," sabi ko at aalis na sana nang pigilan niya ako.
"Necy, I am really sorry. I am really sorry for hurting you," sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.
"Bitawan mo ko J-Hope. Ayaw na kitang makita so please let me go," sabi ko at unti-unti naman niyang pinakawalan ang kamay ko at tuluyan na akong umalis habang umiiyak pa din.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...