Chapter 2

190 10 2
                                    

Pabagsak kong isinara ang pinto ng locker room dahilan ng pagkabigla ni France.

"Oh my palaka kang bakla ka!" Tili nito sabay takip sa katawan nya. Kasalukuyan kasi itong nagpapalit ng damit pang- itaas ng pasukin ko sya dito.

Inirapan ko sya.

"Heh! Aanhin ko yan!" Pagtataray ko sa kanya.

Inirapan nya rin ako at mabilis na isinuot ang t- shirt na uniform para dito sa café.

"Ano ba, girl! Babae ka pa rin at kahit ayaw ko man, lalaki pa rin ako! Pero mas sexy pa rin ako sa iyo no!"

Linapitan nya ako. Pumwesto sya sa harapan ko habang ako naman ay nakaupo sa sahig kaya nakatingala akong nakatingin sa kanya.

"Teka nga! Sinong bantay sa labas?!" Nagsisimula ng mataranta nyang tanong.

"Wala," prente kong sagot.

"Bakla ka talaga!" Tuluyan na nga syang nataranta. "Ikalulugi mo 'to eh!" Sabi nya pa at hinila- hila ako patayo.

"Halika na! Sandy! Wag ka na ngang magpabigat!"

"Ayaw kong lumabas!" Sigaw ko na parang sobrang layo nya mula sa akin.

Padarag nyang ibinagsak ang braso kong hinihila- hila nya kanina para makatayo ako.

Pinanliitan nya ako ng mata. Nag- iwas ako ng tingin sa kanya. Panigurado kasing mababasa nya kung ano mang iniisip o nararamdaman ko kapag nakipagtitigan pa ako sa kanya. I am too transparent for my own good.

Kaya nga nya nagawa 'yon diba?

Inirapan ko ang makulit na bahagi ng utak ko na pilit ipinapasok sa isip ko ang bagay na iyon. Kainis!

"Parang alam ko na..." Pabitin nyang sabi.

"May dalawang rason ka lang naman kung bakit ka papasok sa locker room eh," panimula nya. Nabaling uli ang atensyon ko sa kanya. "Una, magpapalit ka ng damit or kaya naman yung pangalawang rason..."

"Ano?"

"Nandyan si Xen!" Pabulong nyang sabi.

Tinignan ko sya ng masama!

"And as far as I can see, yung pangalawang rason yan."

Lalo ko lang syang sinamaan ng tingin dahil sa pagngiti nya ng nakakaloko. Asar!

"Tumayo ka na nga dyan!" Hinila- hila nya uli ako pero patuloy pa rin ako sa pagtanggi. "Bubuhatin kita, sige!" This time, seryoso na sya sa pagbanbanta nya. Tinaasan nya pa ako ng kilay.

Inirapan ko na lang sya at nagpatinaod na lang sa hila nya.

Sabay kaming lumabas sa locker room.

Unang nakita ko pagkalabas ay si Xen na nakatingin ng masama sa kamay namin ni France na magkahawak.

I heave a sigh. Ano na naman kayang problema ng isang 'to?

Pumwesto kaagad ako sa counter habang si France ay dumiretso sa isang table ng customer na kaaalis lang para linisin yung pinagkainan nito.

Hindi ko na lang sya papansinin.

Ngunit taliwas sa sinabi ko, bumaling muli ang tingin ko kay Xen na seryosong nakatingin parin sa akin habang sumisimsim sa tasang naglalaman ng kape. Nakipagtitigan rin ako sa kanya sa parehong intensidad. I can sense the anger mixed with longingness in his eyes. Hindi nga lang ako siguro kung tama nga ang nakikita ko sa tunay nyang nararamdaman. Kasi kung gaano katransparent ang mga mata ko sa aking nararamdaman, ganoon naman kamisteryoso ang kanya. And what could he possibly longing for? The anger is for what?

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon