Chapter 7

103 8 3
                                    

"Sinong kasama nyo sa café? Weekends pa naman! Maraming customers!"

"Papupuntahin ko yung pinsan ko para substitute mo para sa ilang linggong pagkawala mo!" Sagot ni Trisha.

Umirap ako.

"Hindi pwede!" OA kong pagtutol.

"Fine! Bahala kang malugi 'tong business mo!" Naiiritang sagot ni France.

Wala na ba talaga akong kawala?

Huminga ako ng malalim. I really need to think of a good excuse.

"Guys, kailangan ko ng problemang gagawin kong rason para di makapunta sa probinsya! Di ko sinabing bigyan nyo ako ng solusyon sa bawat problemang ginagawa ko!" Iritado kong sabi.

"Aba! Pumunta ka na kasi para matahimik ang lahat at di mamroblema."

"Kung sanang ilang araw lang iyon! Pero hindi eh! Weeks! Ilang weeks din yon!" Hinanakit ko pa, hindi pinapansin ang sinasabi nila.

Pumayag na naman kasi ako noong una kasi balak ko doon lang ako magweweekends tapos uuwi rin ako kina- Lunes- an non. Pero napag- alaman ko kay Thea na hindi lang pala isang araw ang pananatili namin doon. Nagbabalak pa sila Auntie Jen na magfafamily outing daw kami kasi uuwi nga sina Mama na galing pang ibang bansa eh hindi naman daw 'yon madalas kaya balak nilang lubus- lubusin. Pati ang kaganapan sa pamilya namin, nilubos na. Sunod- sunod ang celebration. Tapos isa pa itong si Thea, buo na ang loob na magpunta! Desidido talaga sya! Makikitulog nga iyon sa akin ngayon para sabay na kaming magcommute bukas.

"Pumunta ka na nga!" Inis na ring pilit ni Trisha.

"Ayaw ko nga! Teka, pinapalayas nyo ba ako?!" Kunwari ay galit kong tanong.

Inirapan nila ako ng sabay as if saying na "You can't fool me."

"Oo! Pinapalayas ka na namin!" Sigaw ni Trisha.

"Bakit ba kasi ayaw mo?" Si Trisha.

Natigil ako. Bakit nga ba ayaw ko?

"Alam mo, Sandy. Magbabakasyon ka na nga, diba? Ayaw mo iyon? Chill ka lang doon! Bakasyon! At, sa probinsya pa ninyo! Kasama ang mga kamag- anak mo. Di ko talaga kung bakit ayaw mo," mahabang sabi ni Trisha.

Napapikit ako ng mariin. Maybe, I should really go there. I mean, stay there longer. Wala namang mawawala kung babalik ako don. Gaya nga ng sabi ni Trisha, pupunta naman ako doon para magbakasyon. Para magrelax. Tsaka para sa birthday ni Lola Rosita. At wala ng iba. There's no harm in revisiting that place. Nandoon sina Lola pati mga pinsan ko. Doon ako nagkaisip at lumaki. So, yeah, no harm.

"Sandy! Ano na? Mag- impake ka na!" Padabog na sabi ni Thea.

"Ayaw ko," I answered in a childish way. Niyakap ko pa ng mas mahigpit ang unan sa kandungan ko tsaka ako sumiksik sa pinakadulo ng sofa kung saan ako nakaupo ngayon.

"What! Bukas na tayo ng umaga aalis! Kailan mo balak mag- impake?" Nakapamaywang na tanong na. Pumwesto sya sa harapan ko, clearly blocking my view of the television.

"Eh, ayaw ko nga."

Nasa unit ko na sya ngayon. Katatapos lang naming kumain ng hapunan kaya nakatambay na kami sa sala para magpalipas ng oras bago matulog.

Bigla nyang hinila ang palapulsuhan ko patayo. Dahil di ko inaasahan iyon, nagawa nga nya akong mahila.

"Thea!" Pigil ko sa kanya.

Bakit ba lagi na lang ako nakakaladlad?!

"Oo na, okay?! Eto na mag- iimpake na ako," walang ganang sabi ko nang paakyat na kami sa hagdan.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon