Chapter 15

119 7 3
                                    

Puno ng tao ngayon ang bahay ni Lola. Present ang lahat mula sa mga anak hanggang sa mga apo. Sabay- sabay din kaming nagsimba kaninang umaga. Pinili na namin ang pinakamaagang misa para may maraming oras pa para magluto.

Kasama ko sina Mama at Winna sa pagluluto. Nanonood naman si Ate Nica, ate ni Thea, sa amin. Gusto raw kasing matutong magluto. Sya ang pinakamatanda sa aming magpipinsan. Kaming tatlo naman kasi nina Winna ay halos magkakasing edad lang naman. Nauna lang talagang mag- asawa si Winna.

"O, hatiran nyo nga ng pagkain iyong mga nasa labas," utos ni Mama.

Nasa labas sina Tita Monica, ang mama nina Thea, kasama iyong mga kalalakihan na nag- aayos sa may bakuran. Nandoon sina Papa kasama sina Tito Niño at Tito Gab. Pati si Jace, na asawa ni Winna, si Drake, na asawa naman ni Ate Nica, at si Xenon.

"Wala ba si Joshua dyan?" Biglang sulpot ni Tito Niño, ang papa ni Winna.

"Inutusan kong magpunta sa palengke, Pa. Kinulangan kami ng ipansasahog," sagot ni Winna sa ama.

"Osya. Papuntahin nyo sa labas pagkahatid dito sa loob nung mga pinabili nyo," sabi nito bago lumabas uli.

Dalawang putahe na lang ang lulutuin namin at tapos na kami.

"Pahinga ka na muna, anak," sabi naman ni Mama. Tumango ako at naupo na sa lamesa katabi ni Ate Nica.

Hindi pa nag- iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nang sumulpot naman si Thea sa kusina. Galing ito sa taas, sa kwarto ni Lola, kasama si Tita Myra at Auntie Jen.

"May kahihintong sasakyan lang doon sa labas, Sandy. Parang kotse ni Matti," sabi nito.

Napapikit ako. Naiwan ko kasi pala sa taas iyong phone ko, baka nagtext iyon!

Tumango ako. "Sige, wait. Lalabas ako."

Pagkalabas ay nadaanan ko ang mga lalaking abala sa ginagawa nila sa bakuran. Agad na nahanap ng mata ko si Xen na katulong sina Jace at Drake sa pag- aayos noong bakod. Oo, ngayon pa lang inaayos iyon. Hindi pa lahat naiayos lahat ni Xenon ang mga iyon kahapon.

"Sandy!" Tawag ni Tita Monica. Mabilis kong binaling ang tingin sa kanya. Naramdaman ko kasing lilingon din si Xenon sa banda ko.

"Po?"

Huminto muna ako sa harap nya. Sinisilip ang kotseng nasa labas. May kulay asul na kotseng nakaparada sa di kalayuan. Mukhang si Matti nga iyon.

"Kilala mo iyon?" Tanong ni Tita. Nginuso pa iyong kotse roon.

I nod. "Baka po iyong kaibigan ko," I answered. "Tignan ko lang po," paalam ko na tinanguan lang ni Tita. Tinakbo ko iyong distanya mula sa gate hanggang doon sa pinaradahan ni Matti. Nang huminto ako sa may harap nya, lumabas ito. May nahihiyang ngiti sa mga labi.

"Napaaga ata ako?" Natatawang sabi nito. Inalis ang suot na shades at sinulyapan ang bahay.

"Medyo," nakangiting sagot ko. Yinaya ko na syang magpunta sa bahay ni Lola.

"Aba, may bisita na," nakangiting bungad ni Tita Monica pagkapasok namin.

Mahinang tumawa si Matti. "Oo nga po eh. Napaaga ako."

Pinakilala ko naman si Matti kay Tita.

"Boyfriend mo ba ito, Sandy?" Nakangiting tanong ni Tita.

"Hindi po," nakatawang sagot ko.

Pinakilala ko rin si Matti sa iba pang kalalakihan doon.

"Ano pong maitutulong ko?" Tanong nito nang makitang may ginagawa ang lahat.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon