Epilogue

181 4 15
                                    

This is for all the sacrifices you think were not worth it. This is for all the chances you think were wasted.

Ionic love you, Xenon! <3

---

If you stop seeing a person, will that lessen his worth to you? Will the person's physical presence measures his worth?

Kung hindi mo na ba nakikita ang isang tao, hindi mo na nararamdaman ang kanyang presensya, titigil ka na rin ba sa pagmahahal sa kanya?

Huminga ako ng malalim.

Sinubukan kong humanap ng pamilyar na mga mukha sa dagat ng mga tao. Kahit mukhang natataranta ay lahat ay kita na masaya sila. Everybody's smiling but it seems that I can not do the same. Idagdag pa na nangangati na ako sa suot na puting bistida. I'm on an alien heels, too. Sanay naman ako sa pagsusuot ng takong pero parang ngayon hindi. Plus, my hair is in a perfect braid. Pakiramdam ko tuloy hindi ko pwedeng igalaw ang ulo ko dahil baka masira iyong ayos. Isa pa ang make up ko. Gustong- gusto ko ng tumakbo sa banyo para alisin 'to.

But I don't wanna ruin this perfect day.

Yes, this is perfect.

Napangiti ako ng may maalala. Pagkatapos naman nito, uuwi na ako.

Uuwi na ako sa kanya.

"Okay! Everyone, be ready! We'll start in a minute!" Sigaw ng wedding coordinator.

Natataranta naman ang mga babaeng nauuna sa akin sa pagbalik sa linya. Agad din nilang itinago ang mga cellphone na kanina pa gamit sa pagkuha ng litrato.

I sighed. Good thing, I'm already done taking pictures.

"Mrs. Andrada," tawag sa akin ng wedding coordinator. "I mean, Ms. Ancheta," natatawang pagtatama nito.

"Malapit na rin namang mapalitan," dagdag nya pa tsaka ako pinausad ng kaunti.
Nginitian ko na lang.

Pagkaalis nito ay saktong lumingon sa banda ko ang babaeng nasa harapan ko. She's cute with her red hair. Agaw pansin sya ng dahil dito.

"Congratulations!" Maligayang bati nya tsaka humagikhik.

Tipid na lang akong nangiti.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko lalo na ng bumukas na ang pinto ng simbahan. Bumungad ang loob nito na biglang natahimik at napunta sa amin ang tingin ng mga taong bihis na bihis.

My heart skipped a beat.

Isa- isa ng naglakad ang mga nasa linya. Sinimulan ng mga batang lalaki na bible bearer, coin bearer, ring bearer at mga flower girls kasama ang mga cute na partner nila. Hindi ko mapigiling mapangiti ng may isang umiiyak habang naglalakad palapit sa altar. Pagkatapos nila ay mga kami na. Namasa ang kamay ko ng si red hair na ang lumakad.

I gulped.

It's my turn. Now, walk!

Itinaas ko ang ulo pagkatapos ay dahan- dahan naglakad. Tinitignan ko ang mga nadadaan at isa- isa silang nginingitian.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng aisle nang mapatingin ako sa mga tatlong lalaking nasa may altar.

Napangiti ako nang magtama ang tingin namin.

No.

Kailanman ay hindi titigil ang pagmamahal ko sa kanya malayo man kami sa isa't- isa. It's not love if everything you feel– everything you see– is superficial. It's love when in just a mere thought of that person, the feelings are overflowing. Hindi ito pagmamahal kung may mararamdaman ka lang sa tuwing makikita mo sya.  Because love is not shallow. Love is beyond what the eyes can see. Love is more than what the mind can understand.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon