The next day, I woke up late. Ending late rin nyan akong makakaalis ng bahay at syempre late rin ang bukas ng café.
It's already 6:18 in the morning at nasa bahay pa ako! Usually kasi bago magalas sais bukas na ang shop.
Arghhh!
Patakbo akong lumabas ng condominium building para agad makarating sa parking lot kung nasaan nakapark ang kotse ko. Nakakahiya man ang pagtakbo ko, wala na akong pakialam.
Natataranta kong hinanap ang susi ng kotse ko sa dalang backpack. Nang makita, agad kong inistart ang engine. Pero ilang beses ko ng sinusubukan ng paulit- ulit, ayaw pa ring magstart!
Nang makita sa pambisig na relo na 6:24 na, padabog akong lumabas ng kotse ko. Mukhang magcocommute pa ako!
Mabuti na lang at saktong may jeep na dadaanan ang shop ang nagbaba ng pasahero sa building kaya agad na akong sumakay.
Umagang- umaga pero mukhang pagod na pagod na ako.
I heard my phone beeped signaling that a message was received.
Kinuha ko muna ang wallet ko para makapagbayad bago ko kinuha ang cellphone.
From: The Death of Me
Where are you?Magtitipa na sana ako ng reply nang biglang nagring ang cellphone ko. He's calling me!
Kaagad ko naman iyong sinagot.
"Hello?" I heard him say.
"Hello!" Medyo malakas kong sabi.
"Where are you? Bat ang ingay?" He asked impatiently.
"I'm on a jeepney," sagot ko, not fully giving my attention. Baka malagpasan ko pa ang café.
Teka nga, bat ko nga ba sya kinakausap?
"What?!" Iritado nyang tanong.
Imbes na sagutin sya at mag-explain, abala ako sa pagtingin ng nadadaanan.
"Para po!" I shouted. The call still on.
Huminto naman itong sakto sa café. Mabilis akong bumaba at nakita kaagad si Xenon na madramang nakasandal sa kotse nya habang kunot ang noo na may kausap sa phone. I check mine, on- going pa rin ang call kaya pinatay ko na.
Akmang magdadial ito uli nang mahagip nya ako ng tingin. Bigla na lang nawala ang gatla sa noo nito tsaka sya napapikit.
Sinalubong nya ako at bigla na lang hinablot ang backpack na dala- dala ko na lang imbes na isuot.
"Saan ka galing?" Bungad nito.
"Bahay," maiksing sagot ko, diretso pa rin ang lakad papunta sa café. Naramdaman kong nakasunod lang si Xen sa likuran ko.
Pagkatapat sa pintuan, hinarap ko syang muli para kuhanin ang bag kong dala- dala nya. I need to open the café.
Seryoso itong nakatingin sa akin, waiting for an explanation.
I sighed.
"I woke up late. Tapos nasira ata yung kotse ko or what kasi ayaw nyang gumana so I decided na magcommute na lang thus me ending up riding a jeepney. Okay na po?" Mabilis kong paliwanag at inilahad na ang kamay para sa bag.
Pero imbes na iabot sa akin ang bag, pinatabi nya ako at sya ang pumwesto sa tapat ng pinto. Binuksan nya pa ang bag ko!
"Ano ba 'yan, Xenon!"
Pilit kong inaagaw ang bag ko sa kanya pero inilalayo nya lang.
"Stay still," he commanded.
Hinampas ko ang braso nya, "Akin na sabi eh!"

BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...