Chapter 19

98 8 4
                                    

The next days, I acted more "normal" around Xenon. Kung normal nga bang matatawag iyon. I don't know if he noticed or what, but that shouldn't be my problem anymore.

"Uh, you want coffee, Xen?"

Tanong ko, isang umaga. Nasa may bakuran sya nina Lola. Kanina ay kasama nya si Joshua, nagkukwentuhan ang dalawa, kaso sinundo ng mga kaibigan nya kaya naiwan ng mag- isa si Xenon dito.

Dahan- dahan itong nag- angat ng tingin. Saglit nya akong tinaasan ng kilay bago tumango.

"Sure, thanks."

Nahihiya akong tumango bago dumiretso sa kusina. Nakasalubong ko pa nga si Papa na palabas naman at may dalang kape rin. Seems like everyone's in love with coffee, huh.

Pagkatapos kong timplahan ng kape si Xenon, base sa alam kong gusto nyang timpla, ay dinala ko na ito sa labas. Nagdalawang isip pa ako kung iaabot ko pa ba nang makitang kasama nya na si Papa sa labas. Paniguradong kasing aasarin na naman ako no'n!

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas. Naririnig ko na naman ang malalakas na tambol ng puso ko. Feeling ko anytime madadapa ako dito! Masyadong okyupado ng maiingay kong heartbeats ang isip ko. Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakatagilid silang dalawa sa akin kaya nakikita kong seryoso lang na nakikinig si Xenon sa kwento ng nakangiting si Papa. Una akong napansin ng ama na nahihiwagaang nakatingin sa akin habang papunta ako sa mesa nilang dalawa. Nanatili pa sa akin ang tingin nya kaya pati si Xenon ay napabaling na rin.

"Uhmmm..."

Sa nanginginig na kamay ay ibinaba ko ang tasa ng kape.

"Thank you," mahinang sabi ni Xen pagkasulyap ko sa kanya. Hindi ko pa rin talaga matagalan ang mga paminsan- minsang pagtitig nya.

"Sige."

Saglit pa akong tumayo sa gilid nila bago napagdesisyunang umalis na. Napabuga pa ako ng hangin pagkatalikod ko! Dumiretso ako sa kwarto ko. Muntikan pa nga akong madapa noong paakyat ako. Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong pumwesto sa may bintana. There I had a full view of Xenon while seriously drinking his coffee. Kinuha ko pa ang cellphone ko at walang hiya- hiyang pinicturan sya.

With that, I spend my day smiling like an idiot.

Ilang araw mula roon na ang lumipas pagkatapos maikasal uli nina Tita Monica at Tito Gab. Naging simple lamang ito. Kaunti lang din kasi ang imbitado, mga malalapit na kaibigan lang at kakilala. May salo- salong naganap pagkatapos ng kasal sa isang kilalang restaurant. Dahil bagong kasala lang sina Tito, nag- out of the country sila as their honeymoon.

It's another ordinary day when I decided to search some sample designs for Mrs. Lopes's cake. Nakausap ko sya kagabi at kahit papaano'y napahapyaw nya ang theme sa reception at ilan pang bagay na dapat ikonsidera para bumagay sa cake na gagawin ko.

Napadiretso ako ng upo nang biglang nagbeep ang telepono. Saglit ko itong sinulyapan bago tuluyang kinuha.

From: Matti
Hi. You busy?

Napatingin ako sa screen ng laptop kung saan naroon lahat ng iba't- ibang klase ng designs ng cakes.

To: Matti
Hindi naman. Bakit?

Nang hindi agad nakatanggap ng sagot mula sa kanya ay pinagpapatuloy ko na lamang ang ginagawa. Ilang minuto na ng pagreresearch ang nakalipas kaya napagdesisyunan ko na lang na magbukas ng mga social media accounts. I even took a picture of the trees outside my room so that I have something to post on instagram, for the sake of updating my account. Naging abala na ako sa pagchecheck sa mga accounts ng ilang kakilala nang magbeep uli ang cellphone, na mabilis ko namang kinuha.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon