"Kasi... mahal mo ako?"
"Kasi... mahal mo ako?"
"Kasi... mahal mo ako?"
Parang napapapaso kong inagaw ang kamay kong hawak ni Xenon, saka ko sya hinampas ng malakas sa dibdib!
"A-anong mahal?! Hindi a-ah! Ano ba yang pinagsa- sabi mo!" Nauutal kong pagtanggi sa kanya.
Namumula ang pisngi na tinignan ko ang mga taong nakapalibot sa amin. Naabutan kong masama ang tingin ng mga high school girls na kanina ay naghahagikhikan pa lang.
He tsk-ed. Liningon ko uli sya. I saw him smirking.
"Let's go?"
Inirapan ko sya. "Ayaw ko."
Ibinalik ko ang atensyon sa pila. Tatlo pa ang nasa unahan ko. Kaunting kembot na lang at makakasakay na ako.
Biglang may humablot sa bag ko. Sisigawan ko na sana at titirahin ang kung sino mang 'yon ng nakita ko si Xenon ang may hawak ng black na backpack ko at diretso ang lakad nya papunta sa kotse nya. Arrrrghhhh! Nandoon yung wallet at phone ko!
"Xenon!" Sigaw ko. Ang init na nga ng panahon tapos paiinitin nya pa ang ulo ko.
Kung hindi lang ako nanghihinayang sa kintab ng kotse nya, sa malamang ay ginasgasan ko na sana yon!
"Buksan mo 'to! Yung bag ko!" Naiiyak kong sabi. Halos kalampagin ko na yung pinto ng driver's seat.
Napapikit ako. Hindi nya talaga iyon bubuksan.
Naiinis akong naglakad papunta sa passenger's seat at padabog kong binuksan ang pinto ng kotse nya tsaka ako sumakay.
Tinignan ko sya ng masama. Nakakainis talaga 'to! Lagi na lang akong naiisahan!
"Akin na yung bag ko!" Sumigaw pa rin ako kahit na halos magkatabi lang kami.
"Put your seatbelt," utos nya.
"Yung bag ko muna," demand ko.
"Seatbelt," nakangiti nyang sabi.
Padabog kong inilagay ang seatbelt ko.
"Ayan na po! Akin na yung bag ko!" Galit kong sabi.
Nasa tabi nya kasi yung bag ko kaya di ko maabot- abot.
"Let's go," nangingiting sabi nya at ini- start na nga ang engine ng sasakyan.
Bwisit! Ngiting- ngiti sya dyan habang inis na inis naman ako sa kanya!
Isang beses ko pa syang tinignan ng masama bago tuluyang ibinaling ang atensyon sa labas. Medyo may kalayuan pa naman ang mall mula sa café.
"Hello, Caye?"
Nakuha niyon ang atensyon ko. Mukhang may kausap sa phone si Xenon.
Sino si Caye?
Nahuli ako ni Xenon na kuryosong nakatingin sa kanya kaya mabilis kong ibinalik ang tingin sa labas, baka kung ano pa ang isipin nya.
"Yes, sir?"
Nagulat na lang ako ng marinig ang boses ng kausap nya. Nilingon ko ang phone na ngayon ay nasa dashboard nya at nakaloudspeaker. He put it there, why would he?
"Cancel all my next appointments until I come back," utos nito.
"Can I know po why?" Magalang na tanong ng malamang ay sekretarya nya.
Through my peripheral vision, nakita kong nilingon ako ni Xenon.
"I am doing something important," sagot nya.

BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...