Isang linggo.
Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ni Xenon. It happened so fast. Pero parang hindi. I've been unconciously waiting for this to happen since I was seven. And that was a long time ago. So technically, hindi mabilis ang mga pangyayari.
I picked up my phone, bumungad sa akin ang stolen shot ni Xenon na kuha ko sa office nya. He was busy reading papers and I was just watching him do his thing. He looks so seriously hot that I can't resist the urge to take a picture. With the good lighting in his office, he seems like a freaking model. Without even putting much effort! And so I did took a picture. He's my boyfriend, anyways. Kung sa ibang pagkakataon iyon sa nakaraan nangyari baka ni hindi ko man lang syang magawang lantarang panoorin doon. Lalo pa iyong kuhanan sya ng litrato.
"What are you doing?"
I giggled wholeheartedly. He is soooo handsome! Eksakto pang bahagyang nakakunot ang noo nya.
"Who is that?" Mas seryoso nyang tanong ngayon kaya nakuha na nya ang atensyon ko.
"Wala," I answered.
I am so proud with my shot!
"Sandy," tawag nya.
Umirap ako nang matantong nagsisimula na naman sya nyang magselos kaya linapitan ko na sya. Tumayo ako sa gilid ng upuan nya.
"Look," sabi ko tsaka ipinakita sa kanya ang cellphone.
Humarap sya sa akin. He motioned me to come closer. His legs are spread wide apart. Pumwesto ako sa espasyo roon.
Pagkakuha nya sa cellphone ay hinawakan nya ang kamay ko. Hinila nya pa ako ng mas malapit sa kanya. Muntik na akong maupo sa hita nya.
Nang tumagal na sya sa pagtingin sa cellphone ko, sinilip ko na sya at kung anong tinitignan nya.
"Ano ba 'yan!" Pagsita ko nang makitang tinitignan na nya halos lahat ng nakasave na pictures sa gallery ko.
Saglit nya akong inangatan ng tingin. He smirked then smirked when he saw my reaction. Mas lalong namula ang pisngi ko. Andami ko kayang stolen shots sa kanya!
"You like taking photos?" He asked. Inilayo sa akin ang cellphone ng sinubukan kong agawin.
"Hindi!" Sagot ko habang pilit pa ring inaagaw ang telepono sa kanya. "Akin na, Xen!"
"Let me rephrase that," seryosong sabi nya habang nakangisi. Nasa akin ang tingin habang itinatago nya sa bulsa ang phone ko. "You like taking candid shots... of me?"
He swayed our hands together. Nakatingala sya sa akin habang prenteng nakasandala sa swivel chair.
"Eh, ano ngayon!" Taas noong sabi ko kahit na pulang- pula pa ang pisngi ko. "May reklamo ka?"
Tumawa lang ito. Bahagya inilapit nya ang magkalayong binti kaya halos maipit ako sa pagitan ng mga iyon. Hinampas ko ang isang hita nya ng tuluyan na akong malock.
"You know what, pwede mo naman akong tanungin kung gusto mo ng picture. I would gladly have a picture with my girl. That will be better, what you think?"
Inirapan ko sya tsaka ko inagaw ang kamay na hawak nya.
"I'm fine with your candid shots."
Tumawa ito. Nang hindi na sya nagsalita pa ay bahagya akong yumuko para kuhanin na iyong cellphone ko na nasa bulsa nya.
"Give me my phone!" Reklamo ko.
"Get it," hamon nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. Nakipagtitigan naman sya. I am not letting myself be fully intimidated because of our distance. Dahil nga yumuko ako, magkalebel na lang ang mga mata namin. I can see mischief in his eyes.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...