Naiilang kong inilapag ang pizza at lasagna sa lamesa sa sala, kung nasaan nakaupo ang dalawang bisita.
"Oh, kumain na kayong dalawa," alok ni Lola.
Nasa sala sila kasama ni Lola na nanonood sa tv. Si Lola ay nakaupo sa pang- isahang sofa habang si Xenon at Matti ay nasa mahabang sofa, kaso nasa magkabilang dulo nakaupo.
"Ikuha mo sila ng maiinom, apo," utos pa ni Lola sa akin. Tumango naman ako.
"Matti?" Tawag ko sa kaibigan.
"Malamig na tubig na lang," nakangiting sabi nito. Tipid ko rin syang nginitian.
"Xenon?"
Napalunok ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Kanina ko pa nararamdaman na nakatingin sya sa akin– pinapanood ang bawat kilos ko.
"Coffee," he said.
Nangunot ang noo ko. Wala ba syang panahon na palalampasin para hindi uminom ng kape?
Umirap ako nang makatalikod na. Dumiretso ako sa kusina para kuhanan sila ng maiinom. Mula rito ang naririnig ko si Lola na nagkukwento. Tahimik lang naman ang dalawang lalaki na nakikinig at minsan ay sumasagot.
"Pahingi akong pizza."
Dumiretso si Thea sa ref at kumuha roon nang makakain. Nagpasubo pa ako sa kanya.
"Kumusta ang mga gwapong bisita?" Natatawang sabi nya. Halos pabulong iyon.
Sinamangutan ko lang sya. Mabuti pa sya nakapagbihis na, samantalang ako hindi pa. Pagkatapos kong maihatid to, magbibihis na ako.
Inabala ko na lang ang sarili sa pagtimpla sa kape ni Xenon. Gumawa na rin ako ng juice para kay Lola.
Bitbit ang tray ay pumunta uli ako sa sala para maibigay ang inumin nila. Inuna ko ang kay Lola, pagkatapos ay kay Matti, huli ang kay Xenon.
"Uh, ano, magbibihis lang ako," nahihiyang pagbasag ko sa katahimikan.
"Mamaya na, samahan mo na muna itong mga bisita mo," sabi naman ni Lola. Lihim akong napangiwi.
Lola naman eh.
"Uh, hindi na po ako magtatagal, Lola, Sandy," sabi naman ni Matti na tumayo na.
"Uuwi ka na, hijo?" Tanong ni Lola.
Nakangiti itong tumango. "May mga gagawin pa po ako eh. Pasensya na po. And advance happy birthdy po."
Nangiti naman ng malaki si Lola. "Naku, salamat. Pumunta ka rito bukas, may handaan. Ang apo kong si Sandy ang magluluto," pag- iimbita nya rito.
Binalingan ako ni Matti, nagtatanong ang mga mata. I smiled then nodded curtly.
"Sure po, thank you," nakangiting sabi nito at isang beses pang nagpaalam. Inihatid ko sya sa labas.
"Uh, thank you sa paghatid, Matti."
"Walang problema," sabi nito. Nakatayo pa rin sa gilid ng kotse nya, ako naman ay sa may gate. "I'll just text you?" Di siguradong sabi nya.
Napakagat labi ako. "Sige ba."
He looked at me, as if expecting something. Saglit na kumunot ang noo ko bago naalalang wala nga pala sya ng number ko, at ganoon rin ako sa kanya.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, hinihingi ang cellphone nya. Natatawa nyang iniabot iyong sa akin. Agad ko namang tinipa ang number ko roon, tsaka na rin sinave.
"Text mo na lang ako, nasa loob kasi yung phone ko," sabi ko sa kanya pagkatapos maibigay ang phone nya.
"Sige," patango- tango nyang sabi. "So... see you soon?"
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomansaIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...