Dumiretso na sya papuntang second floor, malamang ay sa kwarto ni Xenon. Mabilis na lang akong sumunod sa kanya.
Nadatnan ko si Gallium na pinapaayos ng higa ang nakatihayang si Xenon.
"Pakuha na lang ng damit," utos nito na mabilis ko namang sinunod.
I am amazed with how his clothes are neatly arranged in his large closet. Pinasadahan ko ng tingin ang iba't- ibang klase at kulay ng mga longsleeves polo na malamang ay gamit nya sa trabaho. Marami ring tshirt na nakatupi sa may ibabang parte kasama ang iilang pambahay na shorts. Kumuha ako ng puting tshirt tsaka ng cotton shorts. Pagkaabot ko ay nagpaalam na ako na lalabas na.
Naghintay na lang ako sa labas ng kwarto hanggang sa matapos sya sa pagpapalit ng damit ng pinsan.
"Dito ka ba matutulog?" Tanong nya pagkalabas na pagkalabas.
Napahinto ako ng dahil doon. Oo nga no? Dito ba ako matutulog?
I opened my mouth to say something pero naunahan na ako ni Gallium.
"You stay. Mag- usap kayo nyan pagkagising nya," he said, bago saglit na sinulyapan ang tulog na tulog na pinsan.
May pakiramdam ako na iyong gusto nyang pag- usapan namin ni Xenon ay iyong bagay na gusto ko ring sabihin at ipaliwanag sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung paano nya nalaman. Hindi na rin naman iyon mahalaga.
Hindi na nagpahatid pa si Gallium sa may pintuan kaya naiwan akong tulala sa tapat ng pinto ng kwarto ni Xenon. What should I do next?
Inilibot ko naman ng tingin ang buong unit nya. Kahit ilang linggo syang nawala ay malinis pa rin ito. I have a feeling din na kauuwi nya lang.
Maglilinis ba ako? Malamang, hindi. Bukod sa wala akong lilinisin, paniguradong mag- uumaga na. I'm tired and sleepy. Kaya anf dapat kong gawin ay matulog na. Pero saan naman?
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Xenon. Without thinking any more, I enter his room.
Nadatnan ko syang mahimbing na natutulog sa ilalim ng makapal nyang kumot. Pinili kong maupo sa may table sa gilid ng kama nya. Ipinatong ko ang dalang shoulder bag roon. Infairness, pati lamesa nya ay malinis. There were papers and folders on one side. Magkakapatong ang mga ito. Iyong ballpen din na nakikita kong pinampipirma ay nasa isang lalagyanan. Mayroon laptop sa kabilang gilid naman.
Napahikab ako sa antok. Sinulyapan kong muli si Xenon na natutulog sa kama nya. Mukhang sobrang sarap humiga sa kama nya. Parang sobrang lambot non. Tumayo ako at nag- inat. Naramdaman ko ang uhaw ng likuran sa malambot na kama. Nagpasya akong maghahanap na lang ng bakanteng kwarto rito at doon na lang ako matutulog. Bukas na lang kami mag- uusap ni Xenon. Bukod kasi sa pagod at antok ko, mukhang wala rin syang balak gumising sa ngayon. Akmang hahakbang na ako nang halos mapatili ako nang biglang mamatay ang ilaw. Binalot ng dilim ang buong kwarto! Pati ang buong unit! Sa pagkagulat ay napatalon na lang ako at mabilis na nagpunta sa kama. Pumailalim ako sa makapal na kumot.
I can't see anything! Literally!
I, then, felt something moved. Titili na sana talaga ako lalo na ng makaramdam ng mabigat na bagay sa bandang tiyan ko nang matantong kamay pala ni Xenon iyon!
I heard a low growl from him. Napangiwi ako. Mukhang naistorbo ko sya sa tulog nya. Dahil doon, sinubukan kong huwag gumawa ng kahit anong ingay o gumalaw ng sobra. I even calculated my breathing. Ramdam ko sa tiyan ko ang braso nya, at kada hihinga ako ay sabay iyong tataas at bababa.
Nakarinig ako ng weird na tunog malapit sa akin kaya napagalaw ako bigla at napasiksik sa kanya. Napakapit pa ako ng wala sa oras sa mga braso nya.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...