Nagising ako bigla ng makarinig ng malakas na pagtunog ng telepono. Kinapa ko ang cellphone sa buong kama para matigil na iyon sa pagtunog.
Hirap na hirap pa akong imulat ang mga namumugtong mata para makita kung sino ang tumatawag sa kalagitnaan ng gabi. Alam ko namang magmamadaling araw pa lang, at literal na katutulog ko pa lang. Ilang oras din ang ginugol ko sa pag- iyak dahil sa di pagsagot ni Xenon sa mga tawag ko. Most of those hours were also spend overthinking. Kaya pagod ang buong katawan ko, physically and emotionally.
Gusto ko na lang ibato ang telepono ng makitang unregistered number ang tumatawag. Mukhang malakas ang trip ng kung sino mang lapastangan na iyon. Padabog kong pinatay ang tawag tsaka ako nagtalukbong ng kumot dahil sa inis. Mariin ko na lang na pinikit ang mga mata para muling makatulog. Makakatulog na sana ako nang mapatayo ako sa gulat dahil sa biglaang pagtunog na naman ng cellphone ko! Saktong nasa tapat iyon ng tainga ko kaya gising na gising na ang buong pagkatao ko.
Iyong unregistered number na naman ang tumatawag! With grittered teeth, I answered the call.
"What?!" I spat angrily.
"Hi, Sandy! Chill," alanganin pang tumawa ang nasa kabilang linya.
Napakurap ako nang matantong kilala nya ako. But I don't even recognize the voice!
If he is someone I know from before at gustong makipagcatch paniguradong di naman siguro sya tatawag ng ganitong oras para roon diba?
"Sorry, I called. Alam kong late na at baka tulog ka na," sabi pa nya.
"Yeah. Sino ka ba?" I asked. This time, mas kalmado na kaysa sa unang pagsagot ko.
"Gallium. You remember?" He asked. A hint of delight on his voice.
"No. That was one heck of a weird name, I'll probably remember if I know you," sarcastic ko pang sagot. He must deal with me. I'm broken right now. At inaantok. I feel so deprived of the things I deserved.
"Oh, no." Tumawa pa ito. "You just love a person with one heck of a weird name, too. That, I know, you remember."
Umirap ako kahit hindi naman nya nakikita. I didn't think much of his riddle. Mukha pa naman syang masaya, ako halata namang hindi. I don't have time for that. It's midnight for the weird's name sake! I want sleep. And sleep alone.
Pumikit ako at hinayaang bumagsak muli ang pagod na katawan sa kama.
"Sorry, Mister Gallium. It's midnight, you remember? Humanap ka na lang ng ibang mabibiro mo. I'm broken and sleepless. Please spare me this night, just for this once," litanya ko. "Thank you and have a great night or day or whatever," pagpapaalam ko. Akmang papatayin ko na ang tawag ng marinig syang tumawa.
What?
"Oh, the feeling's mutual! He's also broken, I guess. I would really like to let you rest, but for tonight it would be of great help if you come here to rescue my poor drunk cousin. His name is Xenon, I really hope you remember?" Natatawang sabi nito.
Napabangon ako bigla dahil sa pangalang binanggit nya. Medyo nahihilo pa ako nang sinagot ko syang muli.
"Ano?"
"Xenon," pangalan lang ang inulit nya. He was about to say something more, when I heard another voice probably talking to him on his background. Hindi ko nga lang maintindihan ang sinabi ng isa pang kausap nya.
"Yes, man! I'm talking to her! Chill!" Rinig kong sabi nya sa background. May ilang kaluskos pa akong narinig. Ngayon ko lang natanto na medyo maingay sa background ng kausap. There's loud music and faded shouts. Does that mean they are in a bar?
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...