Chapter 28

114 6 26
                                    

Marahas kong nilingon ang parte kung saan naroroon ang banyo.

I saw Xenon coming out of the bathroom. Tanging tuwalya lang ang nakatabing sa katawan. Na naman!

Mabilis kong ibinalik sa picture frame ang tingin. Mahirap ng matukso lalo pa't nasa harapan ko lang iyon. Pero ang tukso ay tukso. Wala itong ibang gagawin kung hindi ang tuksuhin ka hanggang sa bumigay ka na lang.

Napaubo ako ng mapunta sa whole body mirror ang tingin ko. Gamit iyon ay kahit na nakatalikod ako kay Xenon, kitang- kita ko pa rin sya.

Jusko naman.

Napapikit ako para huminga ng malalim. Why do I have to be in this situation again?

Pagkabukas ng mga mata ay nakita kong pinasadahan ako ng tingin ni Xenon mula ulo hanggang paa.

"Hindi pa dumarating iyong secretary ko?" He asked.

Nagkatinginan kami sa salamin.

I swallowed hard.

"Hindi pa," pabulong kong sagot.

"Just wait a little more," sabi nya pa, bahagyang hingal sa di ko malamang dahilan. Pinutol nya naman ang titigan tsaka nya biglang inalis iyong tuwalyang nakakapit sa baywang nya.

Mariin akong napapikit. I hissed.

Wala man lang pasabi!

I heard him chuckle. "I'm already wearing my boxers, Sandy. I just need to put my pants on," paliwanag nya.

Namula ang pisngi ko. I swear! Hindi na ako titingin sa salamin.

Ibinaling ko na lang muli ang tingin sa picture frame. Nakuha nito ang atensyon ko dahil ito lang ang frame na nakita ko sa kwarto nya. Kahit sa sala ay wala ni isa sa estante, maliban na lang doon sa family picture nila na kasabit sa dingding. Gusto kong malaman kung ano itong napakaespesyal na litrato. Kinuha ko ito tsaka tinignan.

My forehead creased when I saw the younger version of Xenon with a very familiar little girl.

Ang mga braso ni Xenon ay nasa balikat ng batang babae.  Mahigpit ang hawak nito sa bitbit na berdeng regalo. She looked really shocked and at awed with the boy beside her. Halatang hindi nito inaasahan ang kung ano mang biglaang ginawa ng lalaki sa larawan. Habang ang batang lalaki naman ay nakangiti habang nakadungaw sa kanya.

I bit my lower lip. The little girl is me! The scene is so familiar.
How can I even forget that!

Abala pa ako sa pagtitig sa lumang larawan when a familiar scent suddenly evaded my nose.

"Hmmm. That's us almost 20 years ago," Bulong ng boses na kilalang- kilala ko ang nagmamay- ari.

"You have a copy," bulong ko. Saglit ko syang nilingon. From the back, I can feel that he is already properly dressed.

Thanks goodness!

"Yes. Binigay ni tito," sabi nya. Naramdaman ko ang pagpalupot ng mga braso nya sa baywang ko. Hinila nya pa ako palapit sa kanya.

Now tell me, who's fond of back hugs?

"Si Papa?" Kunot- noo kong tanong. Hindi ko na pinansin pa ang lapit namin.

Ipinatong nya ang baba sa balikat ko.

"Uh, hmmm..."

"Pero ang sabi nya blur daw iyong pangalawang shot kaya nya binura! Nanghingi kaya ang ng kopya no'n. Alam ko kasing dalawang shot iyong nakuhanan nya," I said then I pouted.

Andaya naman ni Papa!

Tumawa ito. He, then, kissed my cheek.

"Poor, baby," natatawang sabi nya pa.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon