Chapter 9

77 8 4
                                    

Lumipas ang halos dalawang buwan nang ganoon pa rin ang nangyayari. Araw- araw akong nakakatanggap ng masasamang tingin mula kina Celine. Mabuti na lang at ang grupo lang nila ang medyo agrisibo, yung talagang magtatanong tungkol kay Xenon tuwing lumalapit ito sa akin. Yung iba naman, hanggang tingin lang. Nasanay na lang ako, ilang taon na rin namang ganoon. Basta hindi nila ako sasaktan physically, ayos na sa akin.

"Nandyan na si Miss!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking kaklase.

Dali- daling nagsibalikan ang ilan sa kani- kanilang pwesto talaga. Natatarantang nag- ayos naman ang ibang nanggulo at nanahimik ang lahat.

Naiiling na lang ako habang binabalik ang libro sa loob ng bag ko.

Nadatnan ni Miss Sison na maayos ang klase.

Handa ng tumayo at bumati ang lahat nang may pumasok pa kasunod ni Miss. She seems to be a transferee. Nakasuot ito ng uniform na kagaya ng sa amin pero bago sya. Kahit naman hindi ako nakiki- interact sa mga batchmates ko, familiar naman ako sa mukha nila. Hindi ko man kilala ang mga pangalan nila, kahit papaano ay naaalala ko.

"Maganda umaga," bati ng class adviser namin, walang bakas ng ngiti sa nangungulubot na nyang mukha.

Sabay- sabay na tumayo ang lahat at bumati.

Binalingan naman ng atensyon ng guro ang kasama nya. Inutusan nya itong magpakilala.

"Hello! I'm Gwennette Perales. You can all call me Gwen, for short. I am from Saudi, but now we are settling here so I hope we can be friends!" Masayang pagpapakilala nya. Mahinhin sya pero palangiti naman.

Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase. Malamang ay nagagandahan ang mga lalaki, nagbabalak na siguro ang mga ito na pormahan itong si Gwen. Samantalang ang mga babae, hindi ko alam kung ano ang pinagbubulungan.

Binaling ko muli ang tingin kay Gwen. Matangkad sya, mas matangkad pa nga sa akin. Maputi at payat. Maganda sya. Kapansin- pansin ang mahabang tuwid na buhok nito na kulay brown. Chinita pa sya.

Napasimangot ako. Hindi ko maiwasang mainggit sa mga mata nya. Simula pa noon ay gusto ko ang magkaroon ng singkit na mata, hindi gaya ng mata ko na bilog na bilog. Hindi naman ito malaki, pero hindi rin naman maliit para matawag na singkit.

Sinenyasan sya ni Miss Sison na pumili na ng upuan para makapagsimula na.

I sighed.

Hindi ko na sya sinundan ng tingin. Kinuha ko na lang ang librong pinapakuha ni Miss Sison na gagamitin para sa unang subject sa umaga– Mathematics. Ang saya lang.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa tabi ko.

"Hi, pwedeng makiupo sa tabi mo?"

Napangiwi ako. Hindi ako sanay na may katabi. Pero may magagawa ba ako dahil dito nya gustong maupo?

"Ah, sige," sagot ko.

"Okay, salamat," sagot nya ng nakangiti pa rin. Hindi ba saya napapagod sa kakangiti?

Natahimik na lang ako tsaka sya hinayaan. Kapag naman nakipag- interact sya sa mga kaklase ko, na di naman imposibleng mangyari dahil paniguradong gusto sya agad ng mga ito baka nga sila pa ang lalapit sa kanya, iiwasan na ko nyan dahil malalaman na nya ang mga iniisip nila patungkol sa akin.

Nasa kalagitnaan na kami ng discussion nang magsalita syang muli.

"Uh, hi, ako pala si Gwen. Ikaw si?"

Nilingon ko sya at ang kamay nyang nakalahad.

Ayaw ko sanang magpakilala pero baka akala nya pa bastos ako.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon