"We're here," narinig kong sabi nya.
Saglit pa akong napatulala nang huminto ang sinasakyan. Nang makabawi ay mabilis naming kinuha ang mga gamit at bumaba na kami ng sasakyan.
Ilang minuto pa kaming naghintay sa waiting shed bago nakakita ng tricycle na walang laman na agad din naming pinara.
Naunang pumasok si Thea sa sasakyan atsaka ako sumunod.
"Saan kayo, ineng?" Tanong ng driver sa amin.
Sinabi namin ni Thea ang address.
Agad nang umandar ang tricycle na sinasakyan namin matapos sabihin ni Thea ang address ng bahay nina Lola.
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas.
Nilingon ko ang mga tanawing nadaraanan.
I missed the tall grasses swaying with the wind. I missed the trees that are proudly standing, align beside the road.
Then I realized, I really did missed this province. It held bitter- sweet memories. Dito unang namulat ang mga mata ko. This is where I experience most of my firsts.
Pinikit ko ang mga mata para maramdaman ang lamig ng hangin dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng tricycle. Malamig pa rin ang simoy ng hangin kahit na magtatanghali na.
"Dyan na lang po, manong," narinig kong sabi ni Thea na nagpamulat sa akin.
Natanaw ko na ang bakuran nina Lola. Nangiti ako.
Kaagad na akong bumaba nang huminto ang tricycle. Hindi ko na hinintay pa si Thea, dumiretso agad ako sa may gate at kumatok.
"Auntie Jen! Lola!" Tawag ko pa kasabay ang malakas na pagkatok.
Una kong nakita na natataranta lumabas si Auntie Jen at dumiretso sa labas para mapagbuksan kami ni Thea ng gate.
"Hello, Auntie Jen!" Excited namang salubong ni Thea na nasa tabi ko na pala.
Pumasok na kami pagkabukas ng gate. Nagmano kami bagk yumakap at humalik sa pisngi ng Auntie.
"Thea! Sandy!" Rinig ko naman ang masiglang tawag ni Lola mula sa loob ng bahay.
Si Thea ang unang nakalapit sa kanya.
"Althea! Dalagang- dalaga ka na, apo ko! Namiss kita!" Sabi ni lola na ikinatawa naman ng pinsan ko.
Parang hindi man lang tumanda si Lola. Malakas pa rin sya. Ganoon pa rin kagaya nang sa huli kong pagkakaalala. Mas dumami nga lang ang kulubot nya sa mukha.
Pagkakalas nang yakap nila ay lumipat naman ang tingin nya sa akin. She spread her arms, waiting for a hug.
Natatawa ko syang nilapitan para sa yakap.
"Naku, Sandy! Ang laki mo na pala talaga! Dalagang- dalaga ka na!" Masayang sabi nya at humagikgik nang malakas.
"Oo nga po," natatawa ring sabi ko.
Nagmano ako atsaka sinundan ang naunang sinabi.
"Namiss ko po kayo. Ang tagal na noong huli akong nakabisita. Pasensya na po," I awkwardly said.
"Ang ganda ng dalawa kong apo," maligayang sabi nya.
"Kayo rin po, 'la. Medyo, ano, dumamami lang ang kulubot sa mukha kaya lamang na lang po kayo ng kaunti sa amin sa kagandahan," biro pa ni Thea na mas ikinatawa ng Lola.
"Oh, hali na kayo sa loob ng bahay. Mainit na. Tanghalian na rin, kumain na kayo?" Sabi ni Auntie Jen na nauna ng pumasok sa loob na sinundan naman namin.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...