Chapter 10

99 7 17
                                    

"Xen, gusto mo ng carrots?" Alok ni Gwen kay Xenon.

Nasa canteen kami ngayon, lunch time na. Niyaya kasi ako ni Xen na kumain tapos syempre sumama na si Gwen.

"Hindi mo kinakain 'yan?" Seryosong tanong nya. Tumigil ito saglit sa pagkain para tignan si Gwen.

Menudo naman ang ulam. Carrots at patatas lang naman ang nandoon.

Bahagyang nagulat si Gwen. Naku, mukhang wrong move. Eh sa hindi naman talaga kumakain ng gulay si Gwen. Nilingunan ako ng kaibigan para humingi ng tulong. Palihim akong tumango.

"Ako! Gusto ko! Favorite ko ang carrots!" Anunsyo ko.

Nagpalipat- lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa, pareho ng nasa akin ang atensyon nila. Mabilis ko na lang na kinuha iyong carrots sa plato ni Gwen.

Pumalatak si Xenon.

"Rabbit," bulong nya pa.

Tinignan ko lang sya ng masama bago nagpatuloy sa pagkain.

Linagay nya na rin yung mga carrots mula sa kanyang plato papunta sa akin.

Ako naman ang lumingon kay Gwen. Nakatingin lang ito sa plato kong linalagyan ng carrots ni Xenon.

I sighed.

Ang hirap pala ng ganito. Hindi ko alam kung ako lang ba pero sobra akong naa- awkward- an sa sitwasyon namin kapag kaming tatlo ang magkakasama. Sa malamang ay ako nga lang, ako lang naman kasi ang may alam na crush ko rin si Xen.

Uminom ako ng tubig ng patapos na ako. Sinulyapan ko pa sina Gwen at Xenon habang umiinom. Nasaktuhan kong nakamasid ang kaibigan kay Xenon habang ang huli naman ay tahimik lang na kumakain. Hindi nya pansin ang obvious na titig ng lahat kahit pa ang kay Gwen.

Isinubo ko na ang natitirang pagkain nang makitang kinuha ni Xenon ang baso kong may lamang tubig atsaka sya doon din mismo uminom!

Nahampas ko sya sa braso dahil sa pagkakabigla kahit pa kasalukuyan syang umiinom pa rin. Muntik pa nga itong matapunan ng tubig.

"Ano?" He asked. Nakakunot ang noo nito. He looks mad.

"Baso ko 'yon!" Halos padabog kong sabi.

Tinaasan nya naman ako ng kilay. Mukhang hindi maintindihan ang ipinaglalaban ko.

"Ba't ka doon uminom?" I asked hysterically.

Nawala ang kunot sa noo nya, napalitan iyon ng maliit na ngiti. Tinignan ko sya sa mga mata. His eyes held amusement and fondness.

Sinamaan ko sya ng tingin. Natatawa naman itong umiling.

"Ibibili na lang kita. You want buko juice?"

"Hindi iyon! Ininuman ko yung baso, bakit ka pa doon uminom?"

Instead of supplying an answer for my question, he tapped my head while a smile is plastered on his face. Agad kong inialis ang kamay nya sa ulo ko. Naiinis ako kapag ginagawa niya iyon. Noon ay kinikilig pa ako pero ngayon ay hindi na. That gesture constantly reminds me that I will just be his younger sister. I find it sweet and it speaks familiarity but I don't want it anymore. Lalo na ngayon at nandito na si Gwen. I mean, na nandito si Gwen na may gusto sa kanya. I don't know how she interprets it, same with others. I am seriously torn. Kapag nakita ng iba ang gesture na iyon, they'll think na may something na namamagitan sa amin– something that we are more than just being friends. Pwede rin na maisip nila na close kami pero hanggang pagiging close bilang magkaibigan at magkababata lang.

And why am I even making this a big deal?

Ganoon ba talaga iyon? Ginagawang malaking bagay kahit ang mga simple at maliliit na detalye basta tungkol iyon sa taong mahal mo?

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon