Chapter 30

133 6 26
                                    

The lunch was a hot seat for me. Imbes na mamayang gabi pa iyong pagkukwento ko sana kina Lola, nangyari na kaninang nagtatanghalian kami. Grabe iyong hawak ko sa hita ni Xenon. Pakiramdam ko nga mamumula iyon kasi halos lamutakin ko na kahit pa nakapantalon sya. Gigil na gigil kasi ako kay Joshua na ang lakas mang- asar. Parang mas matanda pa sya sa akin. Sinabayan pa ng mga tingin din nina Mama, Papa tsaka Auntie! Si Lola at Lolo Gio naman ay patawa- tawa lang. Mabuti na lang si Xenon, bahagayang nangigiti lang. Pero ramdam ko na tuwang- tuwa sya deep inside dahil sobra na akong namumula sa kakatanong nila na kapag sinagot mo naman ay susundan ng kantyaw. Kainis!

Pero mabuti na lang din at natapos na. At nakumpirma ko na. Pagkatapos kumain ay nagkanya- kanya na sila roon sa sala. Kasama ni Papa si Xenon, may pag- uusapan daw na di ko naman pwedeng marinig. Syempre, alam ko na agad na tungkol 'yon sa akin. Hindi naman ako nag- aalala ng sobra sa kung ano mang pag- uusapan nila. Kilala na naman ni Papa si Xenon, at ganoon din si Xenon sa ama. Matagal na ring alam ni Papa na may gusto ako kay Xenon. Pati feelings ng boyfriend ko para sa akin ay matagal na rin pala nyang alam. Kaya di ko maintindihan kung ano pang pag- uusapan nila. Kaunting kwentuhan lang siguro. Man talk, ganun. Kaya lumabas na lang ako sa may bakuran. Mas presko pa rito kaysa sa loob sa may sala kung saan nanonood sina Mama.

"Sandy, apo!"

Napalingon ako sa tumawag. Napangiti ako ng makitang si Lolo Gio iyon kaya agad ko namang linapitan. He's busy reading a men's magazine. Napangisi naman ako.

"Sa inyo po pinakanagmana si Gallium, no Lolo?" Pabiro kong bungad sa kanya.

Saglit na kumunot ang noo nito bago malakas na tumawa.

"Naku, hindi kaya. Pilyo masyado iyong apo kong iyon, eh sa hindi naman ako gano'n," pakikisakay pa nito na tinawanan ko naman.

Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Lolo. Napatitig tuloy ako sa mukha nya. Despite the age, you could still see a bit of ruthlessness in Lolo's aristocratic face. Although being ruthless doesn't suit his personality well. He is like Gallium, the happy go- lucky type of guy. Madalas syang ngumiti at tumawa. Kung pagbabasehan ang mga lolo at lola nila, mas kamukha ni Lolo si Nic. Ruthlessness to the second power nga lang itong si Nic. Sa pagkakaalala ko naman na sinabi ni Lola, mas kumuha raw features si Xenon sa Lola nila. He is like the boy version of Lola Susana raw. Meanwhile, Gallium is like Lola Susana plus Lolo Gio. Of course, wag nating kakalimutan ang parents nila. Ang gagwapo rin ng tatlong anak nina Lolo, tapos ang gaganda pa ng mga napangasawa kaya it's a win- win situation sa kahit na kanino pa sila nagmana.

"Alam mo ba," panimula ni Lolo kaya bumalik na sa mga sinasabi nya ang atensyon ko. "Akala ko noong una, si Gallium itong may gusto sa 'yo kahit pa alam halos ng lahat na si Xenon ang gusto mo."

Gulat naman ako sa sinabi nya habang sya ay patawa- tawa lang. Si Gallium?!

"Hala, Lolo naman! Paano nyo po nasabi?" I asked, genuinely curious with his reasons.

"Eh sa lagi ka kasing inaasar no'n. Akala ko nagpapapansin sa iyo kasi lagi kang sa pinsan nya nakatingin."

Naalala ko pa. Nagsimula iyang pang- aasar ni Gallium sa akin noong 6 years old pa lang ako habang 8 years old naman sila noon. Ewan ko nga ba kung paano nagsimula pero sa tuwing nakikita nya ako, lagi na lang syang may masasabi tungkol sa akin na alam na alam nyang kaiinisan ko. May isang pagkakataon pa nga na umiyak na ako sa harap nilang magpipinsan kasi sobrang napuno na ako kay Gallium noon. Si Nic pa ang nagpatahan sa akin nyan ha! Hiyang- hiya naman ako pagkatapos non kasi nandoon si Xenon. At naiyak ako sa harapan nya! Ang pangit ko kaya kapag umiiyak. Halos hindi na ako magpakita sa kanina noon. Lagi pa naman silang magkasamang tatlo non.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon