Chapter 23

98 5 7
                                    

Naging payapa ang tulog ko. Otomatikong may ngiting nakapinta sa labi ko pagkagising.

Unang rumehistro sa akin ang kakaibang kwarto kung nasaan ako ngayon. Napatayo pa ako sa gulat dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar. Ilang sandali pa ang nagdaan bago ko napagtanto na nasa bahay nga pala ako nina Jace. Dito ako sa isa sa mga bakanteng kwarto nila nanatili, hindi kasi ako nakasabay sa pag- uwi kina Mama kagabi.

Tinignan ko ang relong nakasabit sa dingding ng kwarto.

It is still minutes before four in the morning!

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Kumunot ang noo ko sa napansin. Sobrang aga pa para bumangon lalo na kung nalasing ka kagabi pero dalawa na lang kami ni Karen na natira dito sa kwarto. Karen is sleeping so soundly. So, where's Thea and... Gwen? Hindi ba sila dito natulog? There's the fixed bed and one which is left unfixed.

Tahimik din ang paligid kaya mas lalo akong nag- alala. Where are they?

Dahan- dahan akong bumangon sa hinigaang kama. Kahit kulang pa sa tulog dahil paniguradong late na rin kaming pumasok ni Xenon sa bahay noong nag- usap kami kahit di ko na natignan ang oras noon, pakiramdam ko kumpleto pa rin ang tulog ko ngayon. I feel so energize today!

Pagkatayo ay sinuklayan ko muna ang magulong buhok gamit ang mga kamay. Napansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa closet na pinagkuhanan ni Xenon ng towel kagabi.

Good morning, Sandy! I prepared breakfast for you. Maaga kasi kaming umalis, nagpatulong si Jace. Business stuff. Text me when you see this.

PS: I really hope you're the first person to see this. Please wake up earlier than the others! Love you.

The handwriting is very familiar that I didn't even need to have a second guess of who wrote the note. He woke up so early. And also, he remembered to write me a note. Kinilig ako. Lalo pa't pwede namang magtext na lang pero mas pinili nya ang sumulat. Napangiti ako dahil doon lalo na yung 'Love you' nya. Sooooo, he's the sticky note type of guy, huh.

Saglit kong nakalimutan ang talagang balak na gawin ng dahil doon. Paalis na ako ng kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Binalikan ko iyon.

From: Thea
Hey. I just got in to the first trip of the bus back to Manila. My presence is needed in the office as soon as possible, hays. Mamaya pa sana akong hapon. Sooooo, hindi lang talaga ako makapaghintay na sabihan ka na nakita ko iyong note hehe omg is that from Xenon? Yes, right? I'm so kiligs! Please tell him that I'm sorry hahaha hindi ikaw iyong unang nakakita. Congrats! #SanaAkoRinMayLoveLife

I giddly typed my reply for her.

To: Thea
Omg! Panira ka! Btw, be safe! Ingat ka.

Nakangiti ako ng sinend ko iyon. Nagulat pa ako sa bilis ng reply nya.

From: Thea
Ohhhhh! Ang aga ng gising natin ah? Huwag ka sanang matunawan kapag kinain mo iyong breakfast na hinanda nya :>

Imbes na mainis ay natawa pa ako sa reply ng pinsan kaya natagalan pa ako sa pagrereply. Natigil lang ako sa pagtawa nang maalalang natutulog pa si Karen at baka magising ko sya.

To: Thea
Bitter ka lang! :-P

Hindi na ako nakatanggap ng reply galing sa pinsan. Baka nakatulog na iyon. Bukod sa puyat ay paniguradong may hang- over pa sya dahil sa inuman kagabi. Napagdesisyunan ko na lang na bumaba para hanapin si Gwen, na sya palang nawawala.

Maingat akong bumaba ng hagdanan, baka may magising pa ako. Hindi ko pa naman bahay 'to kaya mas nakakahiya kung may magising ako. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan ng makarinig ng mga boses na mahinang nag- uusap.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon