Chapter 11

98 7 8
                                    

Time passed by like a blur. It's already February.

Hindi ko gaanong naenjoy ang pasko kasi wala sina Xenon sa taunang selebrasyon namin na magkakasama ang pamilya namin. Well, nandoon naman pala sila kahit papaano kaso saglit lang. Sabay naming hinihintay mag- alas dose ng gabi pero kinaumagahan ay umalis sila para magbonding na magpapamilya. Ang akala ko kasi ay hapon sila aalis kaya hindi ko na muna iniabot ang regalo ko. Tulog pa ako kinaumagahan nang umalis sila. Mabuti pa si Gwen ay naibigay yung regalo nya. Pagkatapos kasi ng christmas party, iniabot nya na iyon kay Xenon. Kung sana ay sa akin nya iyon pinaabot at hindi nya iyon binigay ng personal baka nasa akin pa rin ang regalo nya.

Tapos naging busy rin ang buwan ng Enero para sa kanilang graduating na senior highschool students. Actually, itong buong fourth quarter ay abala sila. Hindi ko na sya halos nakakasabay tuwing lunch kasi may ginagawa sya kahit sa mga oras na iyon. Kaya ang kasabay ko ay kundi si Gwen, si Matti.

Si Gwen kasi, napabarkada na rin kina Celine. Mukhang sumama sa samahan ng mga may gusto may Xenon. Hindi naman sa nagtatampo, kasi dahil doon hindi na ako tinitignan ng masama ng grupo nina Celine. Kahit papaano ay kakilala na rin ni Xenon si Gwen kaya nakakainteract nya ito kahit na wala ang presensya ko. Tsaka mas madalas pa rin naman akong kasama ni Gwen kaya ayos lang. Nandyan na rin naman si Matti na handa akong samahan.

Naging close kami ni Matti dahil madalas kaming magkita tuwing may libreng oras kami pareho para maturuan nya akong maggitara. Magaling syang magturo pero sadyang mabagal lang talaga akong matuto kaya inabot kami ng halos dalawang buwan. Tsaka hindi naman constant, madalas ay twice a week lang nya ako maharap. Pareho rin kaming busy sa kani- kaniyang buhay. Makakalimutin pa ako kaya ayon plus di ko napapraktis ang mga tinuturo nya sa bahay kasi nga wala akong gitara.

"Anong nangyari sa daliri mo?" Asked Xenon. Nadatnan nya akong nakatingin sa mamula- mula kong mga daliri.

Lunch time ngayon. Biglang sumulpot sa classroom si Xenon at nagsabing sabay daw kaming maglalunch. Dapat ang kasama ko ay si Matti kasi sumabay kina Celine si Gwen.

"Nagpapaturo ako kung paano maggitara," sagot ko naman.

Inilapag nya ang biniling pagkain namin. Nalibre na naman ako ngayong lunch pati inumin ay nakabili na sya.

Nangunot ang noo nya.

"Kanino?"

"Kay Matti."

Kinuha ko na yung plato ko. Nilagang baboy ang ulam na binili sa akin ni Xenon habang pinritong tilapia naman ang kaniya.

"Gusto mo?" Alok ni Xen nang makitang nakatingin ako sa ulam nya.

Umiling lang ako.

"Sino 'yong Matti?"

Nginuyo ko pa ang pagkaing sinubo ko nang sumagot ako.

"Classmate ko."

Muntik pa akong mabulunan. Agad akong inabutan ni Xen nang inumin. Nagpasalamat ako.

Kakain na dapat uli kami nang maalala ko yung tungkol sa regalo ko sa kanya.

"Yung regalo mo!"

"What about it?"

"Nakalimutan ko sa bahay. Hindi ko rin naman dinadala iyon kasi di naman ako nag- expect na sabay tayo uling maglunch. Busy ka na eh," paliwanag ko.

"It's okay."

Tumango na lang ako.

Napatitig ako sa kanya. Mukhang abala talaga sya sa kung ano mang ginagawa nila dahil mukha syang puyat. Pero kahit na ganon, gwapo pa rin naman sya.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon