Chapter 6

113 8 4
                                    

Nagising ako sa pagriring ng telepono ko. Nakapikit pa ako ng sinagot iyon.

"Oy babae! Nasaan ka na? Papasok ka pa ba?" Pambungad ni Trisha sa akin pagkasagot ko sa tawag nya.

"Hmmm?"

"Sandy!"

"Y-yes. Sandali lang. Malalate lang ako," mabagal kong sagot.

"Kagigigising mo lang?" She asked.

Tumango ako kahit na di nya pa nakikita.

"Mag- aalas otso na, miss," sabi nya pa kaya napabangon na ako. Eight na?!

"Aww," reklamo ko naman pagkatayo. Sumakit yung ulo ko.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

"Yeah. Sige na. I'll prepare na," sabi ko at nagpaalam na.

Dumiretso kaagad ako sa banyo. Naghilamos muna ako para mahimasmasan kahit papaano.

Kumikirot pa rin ang ulo ko kaya napagdesiyunan ko ng maligo na kaagad.

Nalaglag ang panga ko ng makita ang suot ko ngayon.

It's an oversized white shirt! As in super oversized! Wala akong maalalang ganitong damit ko!

Paano–

Omg!

Kay Xenon ito!

Inamoy ko yung suot ko ngayon. It smells just like him!

Pinalo ko ang noo ko ng maalala ang ginawa ko kagabi. Nawala ng bigla ang sakit ng ulo ko.

"You change your clothes now," utos nya. Sabay abot sa akin ng isang shirt at pajama.

"Ayaw ko nyan!" Padabog kong pagtanggi. Nakaupo na ako sa kama ko dito sa kwarto.

Ibinalik nya sa closet ko yung una nyang kinuha. Kumuha naman sya ng isa pang night dress at inabot nya sa akin.

"Ayaw ko rin nyan!"

Itinapon ko sa kanya yung inabot nyang night dress.

Huminga ito ng malalim.

Mahinahon nyang ibinalik uli yung dress sa closet ko. Lumapit sya sa akin habang nasa baywang ang mga kamay.

"What do you want then?"

Tinignan ko sya ng masama.

Itinuro ko yung suot nyang polo shirt. Kunot noo nya itong sinundan ng tingin.

"You'll wear this?"

Tumango ako. Sinamahan ko pa iyon ng pout.

"You can't have this. Suot ko nga diba?" Mahinahon nya pa ring sabi.

"But I want your shirt!" Maarte kong sabi. Parang isang batang nagtatantrums. I pouted more.

Tinititigan nya ako kaya nakipagtitigan rin ako sa kanya. May ngiti syang pinipigilang kumawala.

"Alright. Wait here. Kukuhanin ko yung tshirt na nasa kotse ko," naiiling nyang sabi bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Pinalo ko uli ang noo ko.

Damn, Sandy! Ginawa ko ba talaga iyon?!

Naiinis kong hinubad yung damit ni Xenon at tuluyan ng binuksan ang shower. Baka sakaling agusin na rin no'n ang hiyang nararamdaman ko. Hindi na talaga ako magpapakalasing sa susunod!

Alas nuebe na ng matapos ako sa paghahanda. Bago tuluyang pumasok sa kotse ko, na kakaayos lang, ay tinignan ko muna kung kumpleto na lahat ng dapat kong dalhin. Nang masigurong ayos na lahat sumakay na ako sa kotse ko at binuhay na ang engine. Naging mabilis ang byahe ko papunta roon.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon