Chapter 24

95 6 10
                                    

"OMG!"

Tili ni Trisha ang bumungad sa akin. Tumakbo ito palapit at yinakap ako ng mahigpit.

"Namiss kita!" Paulit- ulit na sabi nito habang yakap- yakap pa rin ako.

"Namiss ko rin kayo," sabi ko ng pakawalan na nya ako. Sunod kong yinakap si France na nakangiti lang sa akin.

"Akala ko nanakawan na kami," sabi nito sa akin na tinawanan ko na lang.

Ako na kasi ang nagbukas ng café, hindi ko rin naman kasi sila nasabihan na nakabalik na ako ng Manila kahapon pa. Pero ngayon pa lang ako nagpunta sa café. Nagkulong lang ako sa unit kahapon. It's either iiyak or tutulala. Iyon lang ang ginawa ko maghapon at magdamag. Pagkatapos kong mag- iiyak sa roof top, nagdesisyon na akong umuwi. Mabuti na nga lang at kahit noong nagliligpit ako ng gamit sa kwarto, wala roon si Gwen. Hindi ko alam kung saan sya napadpad. Wala na rin naman akong pakialam. Noong umalis ako ay walang nakakaalam. Ni hindi nga ako personal na nagpaalam sa kanila roon, kahit kay Winna man lang. Pati nga kay baby Faye, hindi ako nakapagbabye. Nagtext na lang ako sa kanila na umalis na ako ng Clereste pagkarating ko ng Manila. Sunod- sunod ang mga text at tawag na natanggap ko noon. Lahat sila roon ay nag- aalala sa biglaang pag- alis ko. Humingi ako ng tawad sa di pagpapaalam, pagkatapos ay ipinaliwanag ko na lang na nagkaemergency sa café, at kailangang ako ang maghandle sa problema. Sa lahat ng taong nagtanong, si Xenon lang ang hindi nangumusta. Sa bagay, hindi ko rin naman sya sinabihan na umalis ako. Pero kahit gano'n, umasa akong magtatanong sya; na sya ang unang tatawag dahil nag- aalala sya kung bakit bigla na lang akong bumalik ng Manila. He said he loves me, right? Nasaan na iyon ngayon? Sinabi lang ni Gwen na mahal say nito, nakalimutan na nya agad iyong sinabi nya sa akin noong gabi bago nangyari iyong pagtatapat ni Gwen? Nahalikan lang sya ng iba, limot na agad nya iyong nararamdaman nya para sa akin?

"Oy!" Sabi ni France sabay palakpak sa harapan ko.

Napakurap- kurap ako dahil sa ginawa nya.

"Ano?" Tanong ko.

"Bakit kako biglaan iyong pag- uwi mo? May isang linggo ka pa, ha?" Pag- uulit ni France sa tanong nya kanina. Nakatingin sya sa akin ngayon gamit ang mga mapanuring mata kaya mabilis akong umiwas tsaka bumalik sa may counter. Kahit ayos na ang mga bagay doon ay pilit ko pa ring inaayos.

"Oh, wala lang. Wala na rin namang ginagawa kaya nagdesisyon na akong bumalik. Kailangan ko na ring asikasuhin iyong kay Mrs. Lopes. Actually, pupunta sya rito maya- maya," pag- iiba ko ng topic. Mabilis naman iyong kinagat ni France at nagsimula na muli sa walang katapusang pagsasalita.

Mabilis na lumipas ang oras. Naging abala ako sa café kaya naging okyupado ang isip ko buong araw. Hindi ko alam kung tama ba pag- iwas ko roon o hindi.

Tumunog ang bell ng pinto, sabay- sabay kaming napatingin doon. Hindi ko naiwasang umasa na sana si Xenon ang bagong dating, kahit pa hapon na ngayon at madalas ay umaga sya kung bumisita. I sighed. Nasa Clereste pa kaya sya?

"Good afternoon!" Maligayang bati ni Mrs. Lopes. Tuloy- tuloy ang pagpasok nito sa loob. Dumiretso sya sa table kung saan kami kasalukuyang nakaupo nina Trisha, wala naman kasing masyadong costumer.

Sabay na tumayo sina Trisha. Tinanguan lang ako ni France bago sila sabay na nagpunta sa may counter.

"Naku, samahan nyo na kami rito, France! Pati ikaw Trisha! Mas maganda kung marami ang magpaplano sa design ng cake ko," dagdag pa nito.

Kinamayan ko si Mrs. Lopes. She's very blooming today. Maaliwalas ang mukha at kitang- kita ang kasiyahan, hindi gaya noon na mukha syang strikta kahit na umiinom lang naman sya ng kape dito sa café. Sunod na naagaw ng kasunod nyang lalaki ang pansin ko. Kita pa rin ang kagwapuhan at pagiging matipuno nito noong kabataan nya. He's probably Mrs. Lopes husband? Nginitian ako nito kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon