I didn't remember sleeping so peacefully, and so I wake up with a smile automatically plastered on my face. Ramdam ko ang lamig na nanatili sa kwarto na hinahaluan ng bahagyang init mula sa sinag ng araw na sumisilip sa iilang siwang sa kurtina ng bintana.
Tumagilid ako ng higa, hoping to feel that familiar body on my side, pero wala akong nakapa. Biglaang nawala ang kasiyahang naramdaman pagkagising ko.
What if everything is just a dream?
Mabilis kong idinilat ang mga mata. I'm inside an unfamiliar room. Itim, puti at kayumanggi. Umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga. The smell of the bed is familiar, though. It's Xenon. I'm really on his house, particularly on his room.
It's still early. Maaga pa para bumangon.
But where is he?
This is the first time that we slept on the same bed together. Isn't he supposed to stay with me until I wake up?
Tumayo na lang ako para hanapin sya. Bago tuluyang lumabas sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo ng kwarto nya para saglit na mag- ayos. I did my morning ritual. It's just that I can not take a bath. Wala akong dalang extra clothes. Malay ko ba kasing mauuwi ako sa pagtulog sa dito bahay ni Xenon, kaya naghilamos na lang ako.
Pagkatapos kong italing muli ang buhok ay lumabas na ako ng kwarto. Dahan- dahan ang ginawa kong pagbaba, sa bawat nadadaanang kwarto ay sumisilip ako, nagbabakasakaling makita na ang hinahanap. Pagkarating sa sala ay wala pa rin akong nakitang Xenon. Babalik na sana akong muli sa kwarto nya para kuhanin ang cellphone atsaka itext na lang sya. Pero nakarinig ako ng ingay sa may kusina. Kumunot ang noo ko roon.
Is he cooking?
Sa malalaking hakbang ay tinungo ko ang kusina para kumpirmahin ang hinala. And yes, he's really cooking. He is already wearing a new set of clothes. Bahagyang basa pa ang buhok kaya halatang katatapos lang nyang maligo. May apron pa syang suot. His back is on me but still, I think he looks good on an apron.
Marahan akong naupo sa upuan sa mesa na nakaharap sa kanya. Although I'm the chef between us, I think I will enjoy watching him cook more than helping him do the task. Napangiti na lang ako sa naisip.
Patuloy lang sya sa pagluluto ng agahan at hindi nya pa rin ako napansin. He is good at cooking. Sobrang komportable nya sa ginagawa, na parang propesyunal. I wonder what is it like if he's really a chef. Although being a businessman is already something, napaisip lang talaga ako kung paano nga kung pareho kami ng propesyon. Gwapo na nga sya, masarap pang magluto. I'm sure girls will offer themselves to him, kung hindi pa iyon nangyayari sa kanya ngayon.
"Morning," kalmadong bati nya, ni hindi man lang nakangiti. Taliwas iyon na naisip kong pagkabigla na makita akong nandon, nanonood sa kanya. Is he really that confident in the kitchen?
"Good morning!" Masiglang bati ko tsaka sya nginitian.
Inilagay na nya sa harap ko ang nalutong agahan. May itlog, hotdog tsaka bacon. Napangisi ako sa mga pagkaing nakahain. I don't think he put so much effort regarding the food's presentation, but still it looks good.
Binalik ko ang tingin sa likuran nya. Kasalukuyang isinasangag nya pa iyong kanin. I really can't believe that he can cook! Ano pa kayang mga bagay ang hindi ko inakalang kaya nyang gawin? Don't tell me he's good at everything?
Napailing ako tsaka na tumayo para tulungan sya. Kumuha ako ng dalawang plato at mga kutsara tsaka tinidor. I started fixing the table. Pagkatapos kong maiayos ay ginawan ko naman sya ng kape. Malinis pa ang lababo nya at wala pa akong nakikitang gamit na mug kaya naisipan kong di pa nagkakape kaya tinimplahan ko na. Good thing at may gatas sya. Iyon naman ang akin since I'm not that fond with coffees.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...