Masama ang tingin ko sa may banda ng kwarto ko sa itaas. Hindi pa rin lumalabas ng kwarto ko si Xenon. Ano pa kaya ang ginagawa no'n sa loob? Hmp! Kinurot ko ang yakap na unan sa inis.
Sumandal ako sa kinauupuan. Nag- aabang ako sa kung alin ang unang mababakanteng banyo para makaligo na ako. Saktong dumaan sa harap ko si Winna na bagong paligo na at nakaayos. Susunduin ata nila si baby Faye ngayon doon sa bahay ng nanay ni Jace na syang nag- aalaga rito.
Tinignan ko ang banyo sa taas, wala nang tao! Tumakbo na ako roon para wala nang makauna pa sa akin. Nakipag- unahan pa ako sa paggamit ng banyo.
Maaga kaming nagsipagkainan para agad nang makaligo at makapaghanda.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kwarto. Sinimangutan ko pa si Thea na syang kasunod ko. Mahina akong kumatok, baka kasi nandoon pa si Xen. Nang walang narinig na sagot ay binuksan ko na ang pinto, sa maliit na uwang ay sumilip ako. Wala na sya! Nagmamadali ang pumasok sa loob. Pagpasok ng kwarto ay sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ni Xenon. Wala pa mang isang buong araw syang namalagi sa kwarto ko pero ito at naiwan na ang amoy nya sa loob.
Agad na akong nagpalit ng damit, isang baby pink na spaghetti strap dress na hanggang tuhod ang haba ng skirt. I tied my hair into a half ponytail. Naglagay na rin ako ng light makeup.
Saglit muna akong sumilip sa may verenda para makita kung anong nangyayari. May kapaparada lang na van sa labas, sinalubong naman iyon kaagad nina Tita. Wala pa sa labas si Lola, mukhang di pa tapos sina Tita Myra sa pag- aayos. Nagtext na rin muna ako kina France para mangumusta sa café bago tuluyang lumabas.
Pagkababa ay dumaan na muna ako sa kusina para makainom ng malamig na tubig. Nadatnan ko si Auntie Jen na nandoon.
"Kumain ka na?" Tanong nito.
"Opo, kayo po?" Sagot ko pagkatapos uminom.
Tumango lang ito kaya nagpaalam na ako na lalabas para makatulong kina Tita sa pag- aasikaso sa mga bagong dating na bisita.
Nasa may bandang sala na ako nang napahinto ako ng wala sa oras. Nandoon kasi si Xenon, nakaupo sa may sofa habang abala sa pagpipindot- pindot sa cellphone nya. Napakunot ang noo ko. Mukhang may katext sya, ah! He doesn't look like a guy who do textmates. Kaya sino naman kaya ang katext nyang iyon?
Abala ako sa pagtitig sa cellphone nya, sinusubukang masilip kung sino ang posibleng katext nya, kaya hindi ko napansin na nakatingin na pala sya sa akin. Napatuwid ako ng tayo nang magtama ang tingin namin. Hindi ko napigilan ang pamumula ang pisngi ko lalo na nang tumayo ito at naglakad palapit sa akin.
My heart started beating erratically.
Natataranta kong inayos ang suot na dress pati na ang buhok para maibaling sa iba ang atensyon ko.
"I'm leaving," sabi nito nang nasa may harap ko na.
Napakurap- kurap ako.
"Ha?"
Walang kahiya- hiya nya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
And then, he sighed.
"Aalis na muna ako. Pakisabi na lang din kina Lola," paglilinaw nya matapos akong suriin.
Kumunot muli ang noo ko.
"Bakit? Saan ka pupunta? Papasimula na nyan yung party. Baka hanapin ka ni Lola pati nina Auntie. Anong sasabihin ko sa kanila? Sinong bang pupuntahan mo, ha?" Sunod- sunod kong tanong.
He smirked.
Hindi ko namalayan na nasa baywang na pala ang dalawang kamay ko kaya mabilis ko iyong inalis.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...