Chapter 13

99 7 13
                                    

Nagising ako sa pagtunog ng alarm sa cellphone ko. Nakalimutan ko palang alisin iyon!

Mangiyak- ngiyak pa ako ng patayin ang panirang alarm. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa sunod- sunod ang pinanood naming movie nina Josh, damay pa pati si Auntie Jen. Ang maaga lang natulog kagabi ay si Lola. Kaya heto, antok na antok pa ako, lagpas hating gabi na kami nakatulog.

Sinubukan ko pa uling matulog pero gising na gising na ang buong diwa ko.

"Ugh."

Padabog akong tumihaya atsaka tulalang tumitig sa kisame ng kwarto.

Birthday na ni Lola bukas kaya ngayon na ang dating nina Mama. Kailangan ko na ring mamili ng mga sahog para sa mga putaheng lulutuin. Marami- rami ang mga iyon dahil marami ang inimbitahan kaya sisimulan na ang pagluluto ngayon. Ako ang magiging tagaluto. Bukas kasi maaga kaming gigising para sabay- sabay na magsimba. Pagkatapos ay ihahanda na ang bakuran para sa handaan. Tsaka pa pala, hindi pa kami nakakabili ng regalo ni Thea kaya bibili na rin kami mamaya. So in short, mahaba pa ang araw ko ngayon kaya babangon na ako. Hays.

And that is what I did. Lumabas na ako ng kwarto para makaligo. Ang tahimik pa ng bahay, malamang ay tulog pa ang mga iyon. Ang alam ko, maagang nagigising si Auntie para mag- asikaso ng bahay pero mukhang puyat din kaya tulog pa. Mag- aalasais pa lang naman kasi ng umaga. Pagkatapos kong maligo ay ganoon pa rin, tahimik pa rin ang buong kabahayanan.

I dugged in to my closet and choose a black spaghetti strap sleeveless shirt and maong shorts. Nagsuklay ako at hinintay na matuyo ang buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako ng kusina para maghanda ng agahan. Nagsangang ako nang kanin na natira kagabi. Nagprito ako ng tuyo, tocino, at itlog. Nagtoast na rin ako ng tinapay dahil bakasakaling ayaw nilang magrice.

Nagtimpla na muna ako ng kape habang hinihintay silang magising. Kumuha na rin ako ng ballpen at papel para makapagsimula na sa paglilista ng bibilhing mga sahog. Pasimula pa lang ako ng makita si Auntie na pababa.

"O, ang aga mo atang nagising? Hindi ka ba puyat?" Bungad ni Auntie Jen pagkarating sa mesa.

"Puyat nga po, Auntie, eh. Kaso hindi na ako makatulog uli kaya bumangon na ako," paliwanag ko sa kanya.

Lumapit ito sa akin.

"Naku, nakapagluto ka na rin!" Maligayang sabi nito.

"Opo, kain na po kayo," alok ko.

Saktong pagkasabi ko ay bumaba na si Lola na sinundan ni Josh at Thea.

Woah, why is everyone so early today?

"Oh, bat ang aga nyo naman atang nagising?" Tanong rin ni Auntie sa dalawa. Antok silang naupo sa mesa.

Mukhang kakain na kaya itinago ko na muna ang papel at ballpen na hawak.

"Eh, si Lola kasi Ma nanggising," nakabusangot na reklamo ni Josh.

"Minsan lang naman itong sabay- sabay tayong kumain," pagdadahilan ni Lola na nasa kabisera ng lamesa. Sa kanan nito ay si Auntie na katabi si Josh, ako naman ang nasa kaliwa ni Lola at katabi ko si Thea.

"Nga naman. Matulog na lang kayo uli mamaya," si Auntie Jen habang naglalagay ng plato at mga kubyertos para sa amin. "Ang ate Sandy nyo ang nagluto nyan," habol ni Auntie na ikinangiti naman ni Lola.

Nagsimula na kaming tahimik na mag- agahan. Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain ng magsalita si Lola.

"Mamimili ka na ba ngayon ng isasahog sa lulutuin mo, Sandy?" Tanong ni Lola.

Nilunok ko na muna ang kinakain. "Opo. Isasama ko po si Thea."

"Kayong dalawa lang?"

"Opo, kaya naman," sagot ko bago uminom ng tubig.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon