"Salamat po, manong," sabi ko sa driver ng sinasakyang tricycle. Iniabot ko ang bayad ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
Clereste High School
Pumikit ako ng mariin tsaka ako huminga ng malalim.
Isang taon na lang naman, graduate na ako. Kaya ko na naman sigurong itawid iyon ng matiwasay.
Isang malalim na hinga pa at naglakad na ako papuntang classroom. Halos lahat ng madaanan ko ay masayang nakukwentuhan. Sabik na sabik sila sa bawat isa. Akala mo naman ay hindi nagkakausap noong bakasyon. Hindi man lang naubusan ng kwento.
Naupo kaagad ako sa sulok nang makarating sa classroom. Pinapanood ko lang ang mga kaklase kong nag- uusap tungkol sa mga random na bagay habang ako ay nag- iisa lang sa sulok. Kaunti pa lamang ang mga tao dahil maaga pa naman kaya imbes na magmukmok, kinuha ko na lang mula sa bag ang librong kasalukuyang binabasa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa, nakakunot pa nga ang noo ko sa sobrang kaseryosohan, nang biglang may nagtakip sa mga mata ko.
The familiar smell invaded my nostrils making my heart to start beating fast. Hinawakan ko ang mga kamay na nakatakip sa mga mata ko. The hands were huge. Sa amoy pa lang na sinabayan nang mabilis na pagtibok ng puso ko, alam ko na kaagad na si Xenon ito.
"Xenon!" Madiin kong bigkas sa pangalan nya. Alam kong nakakakuha na kami ng atensyon mula sa mga kaklase ko.
Inalis naman nito ang kamay sa mata ko. Nilingon ko sya sa likuran ko. Nakasukbit pa sa balikat nya ang bag nya. Mukhang kapapasok lang nya at dito pa sya dumiretso.
Bakit naman kaya?
Umupo ito sa upuang katabi ng akin. Amusement is evident on his eyes. I glared at him.
"Ano?" Inis kong tanong.
Inilibot ko muna ang tingin sa loob ng classroom. Patagong tumitingin- tingin dito ang mga kaklase ko. Pinipigilan kong umirap. Nakakainis naman kasi!
May inilabas ito sa bag nya. Lunch box ko!
"Wag ka na daw umuwi mamayang lunch time. Aalis sina Tita," paliwanag nito.
I nod. Akmang kukuhanin ko na yung baonan ko ng itaas nya bigla.
"Sasabay ka sa akin."
"Bakit naman?" Mataray kong tanong. "Kaya kong kumain mag- isa."
Umiling- iling ito. "May sinabi akong hindi mo kaya?"
Tinignan ko na naman sya ng masama.
"Akin na!"
"Sasabay ka sa akin."
Sa halip na iabot sa akin ang baon ko ay nakipagtitigan lang sya.
Ugh.
"Fine! Akin na!" Galit kong sabi.
Alam ko naman na kung ano ang sinabi nya, iyon ang masusunod kaya wala na akong magagawa. Masyado na rin akong nalulunod sa katititig sa mga mata nya kaya inirapan ko sya. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa binabasang libro. Bahala sya sa buhay nya!
Ilang minuto pa syang tahimik na nagmasid lang sa tabi ko. Habang ako naman ay natigil na sa pagbabasa sa iisang paragraph. Walang pumapasok sa utak ko. Okyupado ng presensya nya ang isip ko kaya di ko maintindihan ang binabasa ko.
I heard him sigh.
Saglit nyang sinulyapan ang suot na relong pambisig. Luminga- linga pa sya sa buong classroom na parang may hinahanap. Umayos rin sya ng upo pagkatapos ay kumunot ang noo. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang lahat ng maliliit na ginagawa nya. Masyadong attentive ang utak ko sa lahat ng detalye at impormasyon kapag nasa malapit ko lang sya.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...