Naputol ang titigan namin dahil sa pagdating nina Lola kasama sina Tita at Tito. Full force na dumating ang mga ito.
"Nandito lang pala kayo!" Si Lola ang unang nagsalita pagkaupo ng lahat sa mesa.
"Nakita kasi namin itong si Xenon na kasama si Sandy," sagot naman ni Lola Gio.
Inilibot ko ang tingin sa mga kasama sa mesa. Karamihan ay nakangisi sa amin. Inirapan ko na lang sila nang palihim.
Lumapit si Jace sa akin para kuhanin ang natutulog na anak. Dahan- dahan ko naman iyong ibinigay sa kanya.
Maya- maya pa ay may sari- sarili na silang mundo. Halos nakaalis na kasi ang mga bisita ni Lola, iilan na lang sila. Naging maingay sa mesa namin. Mabuti na rin iyon kaysa sa amin na naman ni Xenon mabaling ang atensyon nila.
Maayos na natapos ang hapon na iyon. Nagkanya- kanya kami ng linis ng mga mesa. At dahil maggagabi na rin ay napagdesisyunang bukas na lang liligpitin ang mga mesa, pati na rin ang paglilinis sa buong bakuran.
"Maggagabi na pala!" Agaw ni Tita Leanna sa atensyon namin. "Uuwi na kami. Babalik na lang kami uli bukas," paalam ni Tita Leanna nang mapansin ang oras.
Nag- ipon kami sa sala matapos ang hapunan at sabay- sabay na nanonood ng movie. Nasa pangalawang movie na kami.
Tumayo na sina Tita mula sa pagkakaupo. Pati sina Auntie Jen at Mama na mukhang ihahatid sila hanggang sa may gate.
"Sasama na ba si Xenon?" Asked Mama.
Napalingon naman ako kay Xenon. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nya.
He should. Marami na kami sa bahay ngayon. Wala na ring kwartong di okyupado. Hindi naman pwedeng matulog sya sa tabi ko no! Tsaka pa, kailangan na nyang magpahinga. He looks tired. Sina Tito nga pati sina Tita, Papa, Jace at Drake ay nasa kani- kaniyang kwarto na. Masyadong napagod kaya natulog na. Kami na lang nina Tito Anton, Auntie Jen, Mama, at Ate Nica ang nandirito pa. Si Lolo nga ay mukhang patulog na rin.
Biglang lumingon si Xenon sa akin. Natyempuhan nya tuloy akong nakatingin sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay kaya kusang kumunot ang noo ko.
Nag- iwas ako ng tingin kaya nalipat sa banda nina Mama ang atensyon ko. Nakatingin ito sa amin, mukhang nag- aabang. Bumalik uli kay Xenon na nakatingin pa rin sa akin ang atensyon ko.
"Ano?" I asked him, almost a whisper.
"I'll go home," mabilis na sagot nito.
Napalunok ako.
"You rest," paalala nya pa.
Seryoso pa ring nakatingin sa akin- diretso sa mata. Muli akong ag- iwas ng tingin sa kanya."Okay," I managed to answer in a small voice.
Marahan itong tumango. Pagkatapos ay tumayo na at lumapit kina Lolo Gio na nagkatayong nag- aabang sa kanya sa may pintuan. Napatayo na rin ako para magpaalam at humalik kina Tita. Pinapanood ko lang sila habang naglalakad palabas. Ni hindi ko na nagawang tumayo para sumama sa paghatid. Natanawan ko pa si Xenon na sumulyap sa may gawi ko bago sila tuluyang pumasok sa may kotse.
Bago pa man makapasok uli sina Mama sa loob ay pumanhik na ako sa taas para makapaghanda sa pagligo at makatulog na rin.
Kinabukasan, pagkagising ko ay kakaunti na lang kaming natira sa bahay. Pumasok si Josh sa school. Sina Drake, Winna at Jace ay maaga ring pumasok sa trabaho nila. Wala rin sina Tita Monica at Tito Gab, inasikaso na nila iyong gaganaping kasal kasama si Thea. Sina Tito Niño naman at Tita Myra ay namasyal. Kaya kami nina Mama, Papa, Auntie Jen, Ate Nica at Lola na lang ang natira sa bahay. Nandito pa rin pala si Faye.
BINABASA MO ANG
Ionic Love
RomanceIonic bond is formed between two ions by the transfer of electron. It is done through a metal, with low ionization energy, which tends to lose electron for a non- metal, with high ionization energy, to gain electron in order for the both of them to...