Chapter 21

95 6 6
                                    

Sa di malamang dahilan, saktong pagkasabi ni Thea sa pangalan nya ay lumingon si Gwen sa banda namin dahilan para magkatinginan kami. Kitang- kita sa mukha nya ang gulat na makita ako roon.

Bumukas ang bibig nya na para bang may sasabihin pero hinila na sya ng mga kasama para kumain. Sa kabila no'n ay naiwan pa rin sa akin ang tingin nya.

Thea tugged my arm, making me look at her.

Pinanlakihan nya ako ng mata, halatang naintriga na. Hinihintay nya akong magsalita para sa kompirmasyon.

Tumango ako kahit pa gulat pa rin ako sa nangyari.

Lumipas ang oras na halos tulala lang ako, pasulyap- sulyap sa banda nina Gwen. Abala sya sa pakikipag- usap sa mga kasama pero ramdam ko pa rin na wala roon ang buong atensyon nya. Mukhang hindi rin sya makapaniwala na nandito ako ngayon. Hindi rin naman ako makapaniwala na nasa iisang lugar kami! Ni hindi ko man lang napag- isipan ang posibilidad na magkita kami, na baka di sya umalis ng Clereste. Ang huling pagkikita kasi namin ay noong naggraduate kami, pagkatapos no'n ay nawalan na kami ng communication sa isa't- isa. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Ang akala ko pa nga ay aalis sya ng Clereste. Ako pa na walang planong umalis ng probinsya noon ang nagsettle sa Manila.

Natigil ako sa pag- iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatapong lang sa table. Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si Matti iyon.

"Hello."

"Hey," sagot ni Matti, wala pa sa tawag ang buong atensyon.

"Yes?" nagsalita akong muli.

"Uh, I think malapit na ako sa bahay nina Jace," sabi nito. Agad ko namang nakuha ang ibig nyang sabihin.

"Ah! Yeah! Sige, lalabas na ako," mabilis kong sabi tsaka na pinatay ang tawag.

Tumayo na ako at kinuha ko ang dalang shoulder bag tsaka ipinasok doon ang cellphone. Nagpaalam muna ako saglit kay Thea na syang kasama ko sa table na aabangan ko lang sa labas si Matti. Hindi naman ako naghintay ng matagal sa labas dahil paglipas ng ilang minuto ay nandon na sya.

"Pasok ka," sabi ko pagkalabas nya ng kotse.

Inilagay nito ang kamay sa bulsa. I linked my hands on his arms. Iginagya ko sya papunta sa loob.

"Actually, hindi ako magtatagal. May shooting ako. Ibibigay ko lang sana kay Faye yung regalo ko," sabi nito.

I licked my lower lip. Sinulyapan ko ang kotse nya tapos ay sya. May lakad nga ba sya or is he just avoiding me?

"Matti, ano, I'm really sorry," sabi ko sa kanya tsaka ako yumuko.

Saglit nya akong tinitigan bago sya tumawa.

"Ayos nga lang," natatawang sabi nito. Ginulo pa nito ang buhok ko kaya tinignan ko sya ng masama. Lalo lang naman syang tumawa. "Nasakto lang talaga na may shooting ako today kaya ayon. We're good, don't worry."

"Sorry talaga," pagpipilit ko pa.

Exaggerated itong huminga ng malalim. "Sige ka, kapag pinilit mo pa 'yan, magbabago isip ko," pananakot nya. I rolled my eyes tsaka ako sumimangot.

Nang wala nang nagsalita ay may kinuha ito sa kotse nya. It's a cute pink paper bag.

"Gift ko kay Faye," sabi nito bago iniabot sa akin ang paper bag.

I nod. "Sige, thank you."

Nagkatitigan lang kami pagkatapos non, walang alam na iba pang sasabihin. It seems like everything got awkward simula noong nagtapat sya sa akin.

I sighed.

"Ayaw mo talagang pumasok saglit? Kahit magpakita lang kina Lola or kahit ikaw na lang ang personal na magbigay nito kay Faye," suhestyon ko sabay taas sa regalo nya. I tried to make my voice sounds cheerful.

Ionic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon