A/N: I need your votes guys and comments please!Sofia's Pov
Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay yung nurse, wala ang doctor dahil naka leave daw parehas kaya yung dalawang nurse lang ang nandito. Nagulat nga sila sa'kin dahil nakita nilang may dugo ang uniform ko pati ang ulo ko.
Ginamot naman agad nila at buti na lang daw hindi napuruhan yung bungo ko , tanginis kasi mga yun e. Nabugbog ko din tuloy. Kumuha ng pain killer si kuya john which is yung lalaking nurse.
(A/N: yun din yung nag inject sa kanya ng gamot nung nahimatay siya)
"Umalis ka na, sinabi ko naman sayo hindi ako tatakas e. Susunod na ko hinihintay ko lang yung gamot ko" Sabi ko at napanguso ako ng naramdaman ko yung hapdi nung gumalaw ako.
"Tss" rinig kong sabi niya at lumapit sa'kin.
"Hey! W-what are you doing? Wag ka lalapit" Sabi ko at hinarang ang kamay ko sa kanya.
Napadaing naman ako ng ginawa ko yun, tinignan ko yung kaliwa kong kamay, great namamaga din siya, naalala ko nga palang pinansalag ko to kanina. Hays. Buhay pa kaya ako sa mga susunod na araw? Kahit hindi ako buhay basta buo ako.
Napangiwi ako ng makita kong hawak ni carmelo ang kamay ko at nilalagyan ng benda ito, napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya.
"What are you doing?" Tanong ko. Nakayuko pa din siya at focus lang sa ginagawa niya.
"Are you stupid? Or are you blind?" Tanong niya sa'kin na nakapagpa inis lang sa sistema ko.
"I'm not stupid and I'm not blind. What i actually mean is why are you doing this? You don't care right? Because if you do care, from the very beginning you will stop them, but you choose to sit on your throne and watch us killing each other" Sabi ko at napahinto naman siya sa sinabi ko.
Balak niya ata magsalita dahil nakikita kong bubuka ang bibig niya tapos isasara niya ulit. Hindi na kami nagpansinan, tapos na din niyang gawin yung nasa kamay ko.
Maya-maya lang ay dumating na si nurse john at binigay sa'kin yung gamot. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Binigyan niya ako ng uniform kaya napatingin ako sa kanya.
"You should change first, you look like a messed" Sabi niya at nginitian ako.
Napatango naman ako at tinuro niya sa'kin yung cr ng clinic kaya dumiretso ako do'n, medyo nahirapan ako magtanggal ng damit dahil bawat galaw ko ay kumikirot ang ulo ko, dagdag mo pa yung kaliwang kamay ko na ngayon ko lang naramdaman yung sakit.
Pagkatapos kong magpalit ay tinapon ko na ang uniform ko na yun, baka pag inuwi ko pa yun ay mag freak out sila tita. Pero napaisip din ako paano ko itatago to sa kamay ko? Aish! Naman e!
Lumabas na ko ng cr at nakita ko si nurse john, I smile at him. Nagpasalamat na din ako, paglabas ko ay nagulat ako dahil nakasandal sa pader si carmelo, hindi pa din siya umaalis? Ganun na lang ba talaga pagdududa niya sa'kin? Napailing na lang ako.
Naglakad na ako, dala ko din yung ice bag dahil pinahiram muna sa'kin ni kuya john. Alam ko naman kung nasaan ang detention, ramdam kong nakasunod lang siya sa'kin. Bwiset na ice monster to! Kumukulo talaga dugo ko sa kanya pag naaalala ko yung ginawa niya kaninang pagtunganga.
Pagbukas ko ng pinto ng detention room ay may dalawa pa lalaki na nasa loob, nagulat naman ako ng tumingin sila sa direksyon ko, tsk! Sila pala.
"2 hours detention for the three of you, I don't wanna hear that you brawl for a second time around, kung hindi malilintikan kayo sa'kin" Sabi niya at sinarado ang pinto. Bwiset! Nagmake face lang ako at umupo sa dulo ng kwartong to.
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...