Sofia's PovIt's been 1 week simula no'ng mangyari ang insidenteng yo'n. I'm also thankful dahil nasa business trip ang mga tao sa bahay, buti nga nakalusot ako kay kuya ford no'ng tumawag sa'kin at tinatanong kung nasaan ako. Excuse din ako sa school at sinabi nilang may emergency kaya hindi muna ako makakapasok.
Flashback...
Matapos gamutin ang sugat ko ay nanatili naman tahimik ang kwarto namin, si carmelo ay lumabas muna para bumili ng pagkain. The class is on going ng tumawag pala sa kanya si jedric para magpatulong.
Si rafael daw dapat kaya lang naalala daw niyang nasa Guam ito para sa business trip. Hindi naman daw niya tinawagan yung natirang apat dahil alam niyang mang gugulo lang ang mga ito imbis na makatulong.
Kasalukuyan akong nakatagilid at nakaharap sa side ni jedric ng bigla niyang binuksan ang kurtinang tumatabing sa pagitan namin. Muntik ko ng mahagis sa kanya yung estante ng dextrose ko dahil sa gulat.
"Pisting yawa! Wag ka nga nang gugulat!" Singhal ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Tapos ngayon tinatawanan mo ko, di ba masungit ka?!" Tanong ko sa kanya.
His forehead creased because of what i've said parang napaka imposible ng sinabi ko sa kanya dahilan para kumunot ang noo niya ng ganyan.
"Who told you that?" Nagtataka niyang tanong. Ay tanga!
"Walang nagsabi ano ba, halatang halata kaya sa pakikitungo mo sa'kin una pa lang" Sabi ko. Napatango naman siya at napa isip.
Rinig na rinig ko kung paano siya huminga ng malalim. Nakatingin lang ako sa kanya habang naka tingin naman siya sa ceiling ng kwartong ito, parang ang lalim ng iniisip.
Akala ko no'ng una kung nasaan kami dahil hindi mo aakalain na nasa ospital kami, malaking kwarto, may maliit na dining table at upuan, may flat screen tv, may ref at idagdag mo pa na kulay asul ang kulay ng kwarto imbis na puti. Tapos malalaman ko V.I.P room pala ito sa ospital ni rafael. Daebak!
"Ayoko lang talagang may napupuntang babae sa section namin" Sabi niya kaya natuon nanaman ang atensyon ko sa kanya.
"Why?" Walang ibang lumabas sa bibig ko kung hindi ang tatlong letrang yan.
This time ay tinignan na niya ako, parang may kung ano sa uri ng pagtingin niya , hindi ko maintindihan.
"Isa na ang dahilan na ito kung bakit ayokong may napupuntang babae sa section namin, ayoko lang magaya ka sa kanya" Sabi nito at nag iwas ng tingin.
"Sino? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang taong ko. Sino ba tinutukoy niya?
"Don't mind what i say, ngayon mukang wala ka talagang balak umalis sa last section but I'm telling you, you have to. Baka hindi lang ito ang maranasan mo" Sabi niya at tumalikod na sa'kin.
Naguguluhan man ay hindi ko na siya tinanong pa dahil mukang wala na siyang balak sagutin ang itatanong ko kung sakali man. Pero anong sinasabi niyang magaya sa kanya? Sino siya? May ibang babae ba na napadpad sa last section bago ako? May mas malala pa ba akong mararanasan bukod dito?
"I'm sorry for my attitude towards you" pahabol niyang sabi kaya napangiti naman ako.
Magsasalita pa sana ako ng marinig kong nagriring ang cellphone ko kaya sinikap kong abutin ang bag ko sa side table ng kama ko. Pagtingin ko sa cellphone ay parang gusto kong i off ito o itapon sa gitna ng bermuda triangle.
Kuya Ford Calling...
Accept | DeclineNakatingin lang ako sa cellphone ko at nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi. Lagot ako kay kuya, hindi ako umuwi kahapon, anong sasabihin ko sa kanya?
Kuya nandito ako sa hospital ngayon kasi nasaksak ako? Ganern? Aish! Naman e!
"Hindi mo ba sasagutin yan? Kanina pa nagriring, sino ba yan?" Tanong ni jedric na nakapagpa balik sa'kin sa earth.
"Ha?" Tanong ko ulit. Napakunot naman ang noo niya.
"Sabi ko sino ba ang tumatawag bakit hindi mo sinasagot?" Tanong niya ulit.
"Kuya ko, hindi ko alam ang sasabihin ko e." Sabi ko at wala na din akong choice kung hindi sagutin ang tawag ni kuya ford.
"Hello k-kuya?" Medyo nagstutter ako dahil sa kaba, wag naman sana niyang mahalata yun.
(Where are you young lady?!)
Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Huhuhu T.T patay talaga ako nito.
"A-ah k-kuya nandito ako ngayon sa bahay ng kaklase ko with my groupmates kasi may project kaming ginagawa e. K-kailangan kasi ito dahil deadline nanamin sa makalawa" pagsisinungaling ko. Jusmiyo! Tatanggapin pa kaya ako sa langit nito? Ang dami ko ng nagawang pagsisinungaling?
(Okay, but be sure na once you already done doing that project go home, nagalala kami akala namin kung ano ng nangyari sayo, tinawagan ako ni mama at tinanong kung okay lang ako ganun din ginawa niya kay marie dahil daw bigla na lang siyang kinabahan kahapon, tinatawagan ka niya but you're not answering your phone, so i decided that I'm the one who's gonna check and call you)
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, wala ba siya sa bahay? Kasabay nito ang pagbukas ng pinto at pumasok si president, magsasalita na sana siya ng nag sign ako na manahimik siya.
"Sorry kung nagalala kayo nila tita, promise i will tell you next time and kuya? Wala ka ba sa bahay?" Tanong ko.
(Yes bunso, I have an out of town trip with my investors to check the new building here in Rome, isang linggo akong mawawala so please behave)
Hindi ko alam kung umaayon ba sa'kin ang tadhana dahil sa nangyari but I'm thankful na wala dito si kuya dahil pag nagkataon baka pabalikin ako nun sa France.
"Okay kuya, just take care and pasalubong ko ha!" Sabi ko na lang at natawa na lang siya sa inasal ko.
Nag kwentuhan lang kami ng konti at konting paalala bago niya binaba ang tawag. Pagtingin ko sa gilid ko ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni president, Ang lamig ng mga tingin niya. Inaano ko nanaman ba siya?
"Who are you talking to?" Tanong niya habang naka cross arms at legs. Tsk
"My cousin" Sabi ko lang at lumambot naman ang itsura niya bago ako bigyan ng mansanas na binalatan niya kanina.
Haist president, naguguluhan talaga ako sa ugali mo. Sala sa init, More on sa lamig...alam kong corny balakayojan!
End of flashback...
So ayun nga ang nangyari after 3 days ng pagi stay sa hospital ay nakalabas na din ako pero hindi pa ganun kagaling ang sugat ko, lucky me at advance technology na tayo ngayon at hindi nagiwan ng peklat ang ibang sugat at pasa ko. Naunang lumabas si jedric sa'kin pero dinadalaw naman nila ako kasama yung iba.
Huminto ako sa tapat ng pintuan namin at kanina pa ako nagtataka dahil ang tahimik ng building, hanggang pagdating ko dito. Dati kasi nasa labas pa lang ako ng building ay naririnig ko na ang ingay nila pero ngayon? Bakit ang tahimik?
Pinihit ko ang doorknob para buksan ang pinto at nagulat ako sa nakita ko, I didn't expect this.
"W-what happened?" Tanong ko habang tulala sa mga nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...