Chapter 16

3.7K 103 4
                                    


A/N: Sorry guys if mabagal makapag update si author marami lang talagang ginagawa kahit bakasyon haha! Enjoy this chapter! ^.^

Sofia's Pov

Naghahanda na ako ngayon para pumasok, hindi ako masyadong nakatulog, naalimpungatan kasi ako kagabi at after no'n? Wala na gising na buong magdamag si ako. Bwiset kasi yun carmelo na yun! >.>

(Miss M: nab-bwiset ka nga ba?)

Isa ka pa author shut up ka dyan hindi ko alam kung bakit ginagawa mo to sa'kin! Di ba replacement lang naman ako ni ate! Sumagot ka author ano ba talaga plano mo sa istorya mo na to?

(Miss M: (NoResponse) )

Argh! Bahala kana nga dyan author! Sinimulan ko ng bumaba, nagpulbo lang ako at lipgloss bago lumabas ng kwarto ko, hays papasok nanaman.

"Papasok kana?" Napatingin ako sa nagtanong and it's kuya ford. Papalapit siya sa'kin

"Yes po kuya" sagot ko na ikinatango naman niya.

"Can i talk to you for awhile?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa orasan ko and i still have 2 hours para pagbigyan siya.

Maaga kasi talaga ako papasok ngayon since hindi naman ako makatulog. Iginaya ako ni kuya papunta sa couch. Magkaharap kaming dalawa ngayon.

"How are you sophie?" Tanong ni kuya habang relax na nakaupo sa harap ko.

"I'm good kuya" Sabi ko kahit hindi. This past few days kasi napapaisip ako bakit hindi pa ako kino contact nila mama.

Napatango naman siya sa sinabi ko at parang may gusto pa idugtong but suddenly his phone rings, kinuha naman niya ito at sinagot ang itawag. Business matters.

Pagkatapos makipag usap ni kuya ay tumayo siya at nagpaalam sa'kin, sa ibang araw na lang daw kami mag usap dahil may emergency daw sa company niya, pansin ko nga kay kuya ay laging pagod, dagdag mo pa yung mata niya tinutubuan na ng itim na bilog sa paligid.

Si marie naman ay umalis kahapon papuntang China dahil pinadala siya sandali do'n nila tita , nagkaron daw kasi ng problema sa factory ng isa nilang branch sa china, since hindi makapunta si tita at tito dahil pupunta naman sila sa Belgium para sa bago nilang investors. In short ako lang ang nandito pati mga maid.

Napagpasyahan ko na lang na umalis na sa bahay para pumunta ng school, naglakad na lang ako since alam ko naman ang shortcut papuntang school, tsaka maaga pa naman.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng ingay malapit sa kinatatayuan ko, hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng mga lalaking nagbubugbugan, para silang mga ninja sa mga suot nila, hindi ko sila kilala, pero may isang lalaking nakatawag ng pansin ko, he's wearing our school uniform. Finocus ko ang tingin ko sa kanya at hindi ako nagkamali...

"Abo!" Tawag ko kay kuyang ash gray ang buhok, hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan niya.

Natawag ko ang pansin niya pati ang iba , nakita ko ang gulat sa muka niya pero maya-maya nawala ito at napalitan ng nakakatakot na tingin. Napalunok ako dahil sa tingin niya, para akong pinapatay. Pero sa tingin niyang yun ay may halong pakikiusap?

Pakikiusap na ano? Hindi ko gets? Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya napaharap ako dito agad, hahampasin niya sana ako ng bakal pero inilagan ko ito, shems! Muntik na, papatayin ba ako nito!

Nakailang ilag at suntok din ako bago ko napatumba ang sampu pero hindi biro nakakapagod, tumingin ako kay abo na parang walang kapaguran sa pakikipag laban pero halata ditong hinihingal na siya, may 15 pa na natitira lalapit na sana ako sa kanila ng harangan ako ng lima sa kanila, Ang daya naman ng mga to! >.<

Napatingin ako sandali kay abo ng makita kong nakaluhod na siya, kasabay nito ang paghampas sa kanya ng dos pordos, nakita ko din naglabas ng shuriken yung isang lalaki, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, naghanap ako sa paligid ko ng pwedeng ibato sa lalaking yun pero shit lang! Wala akong makita!

I'm not minding the 5 guys infront of me, mas dehado sa kabila si abo dahil nakaluhod na ito, dagdag mo pa na hinampas pa sa ulo ng dos pordos punyeta talaga! I look at the 5 guys infront of me nang mapansin kong may shuriken at daggers sa mga tagiliran nila. Hays! Bahala na si batman!

Sinuntok ko yung isa sa kanila, naalarma naman ang apat kaya pinalibutan na nila ako, nag cartwheel ako at bumagsak naman ako dun sa isa, hindi na ako nagsayang ng oras. Kinuha ko sa tagiliran niya ng daggers at shuriken, napaigtad ako ng matusok ako ng shuriken sa daliri, deputa! Ang talim! T.T huhuhu!

Ipinunas ko na lang ito sa palda ko at pinatamaan sila isa isa sa binti at tuhod, sinigurado kong hindi na sila makakatayo pa. Dumaing sila sa sobrang sakit, pero hindi ko sila pinansin. Nilapitan ko ang gawi ni abo at nakita kong ang dami na nitong pasa.

"Leave him alone!" Sigaw ko sa mga ito at nilapitan ko si abo na nakahiga na sa sahig.

Hindi ko alam pero naiiyak ako sa nakikita ko. Sino ba namang hindi kung makakakita ka ng taong bugbog sarado na.

Binuhat ko siya at inilagay sa may hita ko sinuportahan ko naman ang ulo niya na nagdudugo na din. Shems! Wala bang tutulong sa amin? Asan na ba mga ungas nitong kaibigan? Argh!

"Abo hey, wake up!" Marahan ko siyang ginigising. Nagmulat naman siya ng mata at nagulat pa.

"B-bakit h-hindi ka pa d-din umaalis?" Nahihirapan niyang tanong.

"Tingin mo ba pababayaan kita dito? Aish! Ano ba naman kasi pumasok sa isip mo at pinatulan mo pa ang mga ito?" Inis kong sabi pero sa totoo lang natatakot na ko.

"Mapapahamak k-ka l-lang! U-umalis ka na!" Sabi niya pero pinitik ko lang ang kamay niyang ginagamit para itulak ako. gago talaga kahit kelan.

"Hindi ako aalis dito abo! Nakakainis ka n-naman e!" And there my voice already broke and i feel my tears are already flowing. Nakakainis naman kasi to e!

"M-mas na-nakakainis ka! H-hindi abo pangalan ko, j-jedric tss!" Kahit nahihirapan na ay nagawa pa niyang mag sungit.

Nakita kong papalapit nanaman itong mga ninja na to, pinigil man ako ni jedric na wag silang labanan ay hindi pwede. Dalawa lang yan sila ang masasaktan o kami ang mamamatay. Syempre yung una na di ba? Hindi pa ko pwede mamatay dahil hindi pa nag papaliwanag sa'kin ang pamilya ko.

Tinapos ko na ang sampu pa natitira mag sisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako napuruhan, madami din akong cut at pasa. Hindi naman kasi ako pro sa ganito, may alam lang ako pero hindi ako dalubhasa sa pakikipag basag ulo.

Binalikan ko si jedric na ngayon ay sinalubong ang tingin ko habang papalapit ako sa kanya, inalalayan ko siyang tumayo, kailangan ko siyang madala sa hospital bago pa siya maubusan ng dugo. Kasi naman e! Bakit ngayon ko pa naisipan na hindi magdala ng kotse.

Hirap man ay kailangan kayanin, nararamdaman ko na din ang panlalambot ng tuhod ko pati ang pagod, nagitla ako ng may humawak sa bewang ko, it's jedric's hand, he's also supporting me. Nahalata niya sigurong nahihirapan na din ako. Napangiwi ako ng konti ng bumaba ang kamay niya sa may bandang tagiliran ko.

"Damn! Sofia you're bleeding!" Natataranta din niyang sabi. Kaya pala parang may makirot sa tagiliran ko. Pero hindi ko siya naramdaman kanina.

Nakuha ko pa tumingin sa relo ko and it's already 9:30AM grabe, ganun tumagal ang pakikipag laban namin? Hays. Wala na absent na kami. -.-

Pagdating namin sa kanto ay may humintong apat na sasakyan sa harap namin isang Aston Martin, lamborghini, bugatti at isang ferrari wow, ang big-time naman ng mga to. Sino kaya nasa loob Nito?

Nasagot lang ang tanong sa isip ko ng lumabas ang president namin sakay sa Aston Martin, sa Ferrari naman ay si rafael at kerby. Sa lamborghini si aldrich at marion. Sa bugatti naman ay si tyrant.

Bago pa man ako mawalan ng malay ay may isang tao ng sumalo sa akin, sana din may sumalo din kay jedric kawawa naman kasi siya baka lumagapak pa sa sahig, kasalanan ko pa dahil nabitawan ko siya.

"Shit Sofia!" Huling narinig ko bago pa ako mawalan ng malay.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon