Halos lumabas na ang bituka ni sofia kakasuka, kahit wala na siyang maisuka ay nandun pa din yung urge na may gustong lumabas mula sa tiyan niya.
Walang pasabi namang pumasok si joaquin sa loob ng lady's restroom at ni lock ito. Hinanap niya kung saan ang cubicle na kinaroroonan ng dalaga.
Pagkakita niya dito ay halos maawa siya sa itsura ni sofia, she's pale at magulo ang buhok. Halata din dito na hinang-hina siya.
"Sophie" tawag niya dito at inalalayan papatayo. Dinala niya ito sa harap ng sink at ito na din mismo ang naghilamos ng muka ng dalaga.
Habang pinupunasan ni joaquin ang muka ni sofia ay nagtataka siya. Di ba dapat pag pinunasan yung basa dapat tuyo na? Sa lagay kasi nilang dalawa ay parang mas lalo pa nababasa ang muka ni sofia. Except na lang kung...
"Hey, sophie why are you crying? May masakit ba sayo? Tell me?" Marahan na tanong nito sa dalaga.
Inabot sila ng ilang minuto bago magsalita si sofia.
"Bakit ganun? Hindi na ba talaga niya ako mahal joax? Bakit parang ang bilis naman niyang tinapon yung mga pinagsamahan namin. Kahit sandali lang yun sobrang mahalaga na sa'kin yun! L*che siya! Ako pa aakusahan niya ng malandi, e siya naman ang original! Ang tanga tanga niya! Argh! Nabi-bwiset ako sa kanya! Ang landi niya kung makipag harutan siya kay mayumi parang wala lang! F*ck them!" Nakailang swear si sofia patungkol kay mayumi at carmelo.
Nang tumigil ito ay humarap ito sa salamin para mag ayos ng sarili, maski naman si joaquin ay kinagagalitan si carmelo dahil sa mga nangyayari kay sofia, pero minsan hindi niya mapigilang hindi maawa sa dalawang ito. Ayaw naman niyang makialam dahil yun ang hiling ni sofia. Hayaan daw nila na siya magsabi mismo dito.
"Joaquin?" Napatingin siya ngayon sa dalaga na iniipitan ang mahaba nitong buhok. Hindi niya mapigilang hindi mapatingin dito dahil sa angking kagandahan niya.
"B-bakit?" Masyadong seryoso ang itsura ni sofia kaya hindi niya mapigilang mag stutter.
"Ang panget ko na, ang taba ko na din. Feeling ko nadagdagan na yung weight ko." Malungkot na sabi ni sofia. His mouth parted in half because of what sofia said.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Kung alam niya lang kung gaano kalaki ang ginanda niya at kina sexy. Halos lahat nga ng lalaki dito sa school ay nahihirapan siyang itaboy ang mata kay sofia pag dumadaan tapos ganun siya mag isip?--- Pero bigla din siyang napaisip. Buntis nga pala ito.
"Seriously sophie? You're not ugly. Yes you gain weight but you're not ugly. Mas lalo ka nga gumanda e." Pag amin ni joaquin. He saw how sofia blush. I think nagustuhan niya ang compliment ko. Yes! Hindi kami magwa war dahil dito! Sa isip ni joaquin
Madalas kasi siyang tanungin ni sofia kung bakit ang panget na daw niya. Ang taba niya. Bakit bilog ang mundo, bakit green ang puregold, bakit nasa earth daw ang mercury drug, bakit black and white ang kulay ng panda. Etc. At kahit sagutin niya ng maayos ang isa sa mga yan ay nagkakaron ng away sa pagitan nila.
Pinipigilan niyang makipag sagutan sa dalaga minsan pero napipikon din siya. Hindi niya nga alam kung pinagtri-tripan lang siya nito o talagang mood swings na ito ng mga buntis. Ang mambwiset!
Punyeta ka petterson! Grabe mood swings ni sofia sana ikaw nakakaramdam ng pamb-bwiset niya! Napahinga ng malalim si joaquin at inalalayan na si sofia palabas ng restroom.
Good thing at walang nakakita sa kanila, dahil paniguradong papasabugin na ni sofia ang buong University pag may lumabas pa na issues about sa kanya.
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...