Chapter 12

3.7K 88 0
                                    


A/N: Hi guys please vote for my story and thank you sa mga nagbabasa please guys wag kayo maging silent readers hahaha! Thankyou mwaaahhh! Enjoy this chapter.

Sofia's Pov

Papasok na ulit ako ngayon sa university, I'm currently driving ng maalala ko ang mga nangyari kahapon. Hindi ko akalain na yung lalaking suplado na yun ang SC President dagdag mo pa na siya din ang presidente ng last section.

If I'm not mistaken base sa kwento ni marie sa katauhan niya, hindi kaya siya yung tinutukoy ni sir de silva na kahit ganyan ay topnatcher pa din ng university nila?

Nakarating naman agad ako sa school at nag park na ko, bawat daan ko ay may naririnig akong mga bagay na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba.

Girl, di ba siya yung buhat ni president kahapon?

Saan? Ay oo nga! Ang sweet nila tignan kahapon.

Bagay sila hahaha.

Ang landi!

Bago pa lang sa university agaw eksena pa.

She's a bitch!

I don't like her!

Lahat ata ng nasa last section nilalandi niya.

Inaano ko ba ang mga ito? Pero teka? Buhat? Napaisip naman ako, baka yun yung time na nawalan ako ng malay, argh! Swear hinding hindi na talaga ko magpapalipas ng gutom! Ang daming nangyayari e.

Nasa first floor pa lang ako rinig na rinig ko na ang ingay ng mga classmates ko, sino pa ba mag iingay sa building na ito? Kung no'ng una may mga nagka klase pa dito na ibang section? Ngayon wala na, ang sabi sinubukan daw nila makihalubilo sa building ng last section pero malaking X daw ang naging desisyon nila.

Bukod sa sobrang ingay na nakakabulahaw sa mga ibang section, mahilig pa nilang pag tripan ang mga ito, in short solo na namin ang isang buong building. Ang special nila di ba? Mga special child bwiset >.<

Nasa pinto na ako at tinitignan na sila sa loob, wala pa din pagbabago sayang lang talaga yung ginawa kong linis nung nakaraan peste talaga mga to. Pumasok na lang ako sa loob ng room habang naglalakad ako ay hindi ko akalain makikipag lips to lips pala ako sa sahig.

Narinig ko silang tumawa ng malakas punyeta! Sino namatid sa'kin?!

Did you see her face? Hahahaha

Gusto mo pala makipag lips to lips sa sahig hindi mo kami sinabihan para matulungan ka pa namin! Hahaha

Sayang babe! Dapat ako na lang kiniss mo!

Waaah! Wag tyrant baby ako na lang kiss mo ko Dali!

Tangna! Bumabanat ka nanaman ha sasapakin kita lumayo ka!

Hindi ko alam kung tatawa ako dahil sa ginagawa nila o magwawala ako dahil masakit ang tuhod at kamay ko, naipit ko ata ang kanang kamay ko pagbagsak ko. Lintek naman o! Kagagaling ko lang ng clinic kahapon mukang mapapabalik ako ha!

"Are you really planning to stay there? You're blocking the way" dinig kong sabi ng isang malamig na boses sa likod ko. Kahit hindi ko na lingunin kilala ko na siya. Siya lang naman ang taong yelo dito e.

Dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko, tinignan ko ng masama ang buong klase pero tinawanan lang nila ako. Wala pa akong isang linggo pero mukang mamamatay na ata ako sa mga ginagawa nila. Puro sakit ng katawan dude!

"Tsk! Get out of the way!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Nakakatakot siya.

Gumilid na lang ako at napayuko, naramdaman kong parang nagtutubig ang mata ko, sabihin niyo ng oa ako pero hindi kasi ako sanay masigawan lalo na kung wala naman akong ginawa.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon