Chapter 45

3K 61 1
                                    

Hinatid ng butler nila ang dalawang bata na nasa sasakyan, papasok ito ngayon, kahit sikat ang pamilya nito hindi pa din nila hinayaang ikulong ang dalawang bata lang sa bahay.

Hinayaan nila itong pumasok sa isang private school, masaya ang nakababatang kapatid ni sofia dahil pagkatapos ng ilang linggo ay nakasama niya ulit ang kapatid.

"Ate alam mo sobra sobra sobra kitang namiss! Hindi na tayo nakakapaglaro! Saan ba kayo lagi pumupunta?" malungkot at nagtatampong boses nito.

Napalingon naman ang kapatid niya dito at napangiti, sa katunayan kay serena lang siya ngumi ngiti ng madalas. "I'm sorry baby twin, I'll make it up to you don't worry" Sabi ni sofia at para naman itong musika sa tenga ng kapatid at niyakap ito.

"Talaga ate fia?" Tanong nito at excited na excited ang boses.

Tumango si sofia at niyakap lang ang kapatid niya, hindi lang sa kadahilanan na namimiss niya lang ito. Tila ba parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw.

Napahiwalay siya sa hawak sa kapatid ng biglang gumewang ng malakas ang sasakyan nila, dahil sa takot ay naiyak si serena, hinatak naman ito payakap ni sofia at tinakpan ang tenga.

"What's happening butler sid?" Malamig ng tanong ng dalaga.

"Na flat po yung gulong young lady, stay here inside and I'm going to check it" Sabi nito at bumaba.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ni serena at basang basa na ang muka nito dahil sa luha. Piniga ang puso niya ng makita ang kapatid na nanginginig sa takot. Pinakalma niya ito. "Baby twin, listen to ate. Everything is gonna be alright, okay?" Sabi niya. At tumango ang kapatid.

Naramdaman niyang may mga tao sa paligid. Napamura siya sa isip niya ng malaman na hindi lang basta na flat ang gulong. May mismong nag flat nito.

F*ck! Not now serena is here! Damn them!

Pinagsuot niya ng earphones ang kapatid at tinodo ang volume nito. Pinaalalahanan niya itong wag bababa ng sasakyan at pumikit lang. Hiniga niya si serena at dinukot ang cellphone sa bulsa niya.

She pressed the speed dial, it ring for a minute and after that she just ended the call at iniwan ang cellphone sa loob. Chineck niya ang baril kung full ba ang magazine nito tsaka sinundan ang butler nila sa labas.

Hinanap ng mata niya ito pero wala, may bala na tatama sana sa kanya pero pasimple niya lang itong iniwasan, yumuko siya at kunyari inaayos ang sapatos niya pero pinapakiramdaman niya kung ilang katao ang nasa paligid.

13 men who surrounded me right now. F*ck! Unlucky 13!

Hinugot niya ang baril niya sa ilalim ng palda niya at pinaputukan ang unang lalaking papalapit na sa kanya.

One down, twelve to go.

Pagkatapos ng pang siyam na lalaking binaril niya ay gumulong siya para magtago sa isang puno. Pagsilip niya. Ay pinagsisihan niya ang ginawa niya.

Dala na ng isang lalaki ang kapatid niya at wala na talaga itong malay ngayon, uminit ang pakiramdam niya at ramdam niyang nag aapoy sa galit ang mga mata niya.

Lumabas siya sa pinagtataguan niya at walang salitang pinaputukan niya ng dalawang beses ang binti ng lalaking may hawak sa kapatid niya.

Nabitawan nito si serena at gumulong palayo. Babarilin pa sana siya ng iba ng dumirekta agad ang bala niya sa ulo ng mga natira.

Nang masigurado na niyang wala ng kalaban sa paligid ay nilapitan niya ang kapatid na mahimbing na natutulog. Tinapik niya ito para magising dahil kailangan na nilang umalis at baka mas marami pa ang dumating.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon