Chapter 22

3.3K 75 2
                                    


Dedicated to: ravenq13

A/N: Here's another chapter guys. Don't forget to vote. Thank you :)

Joaquin's Pov

Maaga akong pumasok para sa meeting na ire-request ko kay dean, mahirap na marami kasing appointment yun at mas busy pa sa presidente ng bansa.

Pagkarating ko sa tapat ng opisina nito ay kumatok ako ng tatlong beses bago ito buksan. Pagpasok ko ay nakita kong nakaharap sa may bintana ang dean kaya pumasok na ko ng diretso.

"Good morning Mr.West" bati ko sa kanya. Pagharap niya ay nagulat ako.

"What can i do for you Mr.Medina?" Seryosong tanong nito sa'kin. Akala ko ba si Mr.West ang nandito ngayon?

Ilang minuto ako hindi nagsalita dahil kumukuha pa ako ng lakas ng loob ng bigla siyang magsalita na ipinagtaka ko.

"Is this about sofia?" Hindi ko alam kung paano niya nalaman na yun ang ipinunta ko dito but how did he know her?

"Yes, Mr.Andaluz. To be honest i came here today to talk with sir west, I want to request a meeting together with the SCM so we can discuss about what happened yesterday" paliwanag ko sa kanya.

"Why? What happened yesterday?" Tanong niya. Akala ko may alam siya? Imbis na magtanong pa ko ay ipinaliwanag ko na lang ang nangyari.

"They're moving" bulong ni Mr.Andaluz

"I'm sorry sir?" Tanong ko na ikinailing niya. Narinig ko naman sa totoo lang pero pinauulit ko lang baka sakaling may alam siya.

Pero sinong they?

Nagulat kami ng may sunod-sunod na katok ang narinig namin sa pinto. Nilapitan ko ang pinto at binuksan ito. Napakunot ang noo ko ng makitang si lindsay ito at parang kinakabahan?

"What happened to you?" Halata sa itsura niya ang pamumutla at kaba.

"V-vice p-president? C-can i t-talk to you?" Tanong niya. Nakita ko si Mr.Andaluz na nakatingin sa'kin.

"Let her in Joaquin" matipid pero ma awtoridad na sabi niya kaya hinatak ko na lang papasok ito.

She's Lindsay Manalo of Class B, she's also the president of their class, she's smart and a bubbly girl. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit ganito ang itsura niya ngayon?

"What is wrong Ms.Manalo?" tanong sa kanya ni sir andaluz.

Nakita ko ang pag aalinlangan at takot sa mga mata niya pero nagsalita din ito pagkatapos ng ilang minuto. "S-sir, V-vice president. M-may mga p-patay po sa may garden" Sabi niya na ikinagulat namin.

"What?!" Gulat na tanong ni sir andaluz. Halata sa kanya ang hindi maipaliwanag na reaksyon.

"O-opo sir. Nagulat din po ako, sa garden ko po kasi naisipan mag lunch, nakaupo ako sa bench no'n ng may mapansin akong I.D malapit sa mga bushes, lumapit ako do'n para tignan kung sino ang nagmamay ari, pag pulot ko po ay I.D po siya ng isa sa mga guard natin, and after awhile may naamoy akong hindi kaaya-aya na amoy, parang amoy patay na daga.
Pagkakita ko po sa malalagong halaman ay n-nandon po ang katawan ng d-dalawang guard natin" mahabang paliwanag niya.

Nagkatinginan kami ni sir andaluz bago magpasalamat kay lindsay at pinabalik na namin siya sa klase niya. Binilinan na din namin siyang wag na lang ipagsabi para hindi na mabahala ang iba pang estudyante.

Pagkalabas niya ay may tinawagan si sir sa telepono, habang ako ay iniisip ko ang nangyari kahapon at pinagtagpi tagpi ito. Kasabay ng pagbaba niya ng telepono ay huminga siya ng malalim. Makikita mong biglang na stress si sir.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon