Author's note: here's the continuation guys. Enjoy! :)Third Person's Pov
Halos lahat ng tao sa cafeteria ay pinagbubulungan na sila. Hindi na mapakali si Sofia samantalang si Tyrant ay tuloy lang sa ginagawa niya.
Walanghiya! Sa isip isip ni Sofia. Pero mukang natutuwa pa ang ibang nakakakita, yung iba naiirita at yung iba wala lang.
Saktong pag lingon ni Sofia sa may pinto ng cafeteria ay ang pag pasok ng nagmamadaling si Marie.
Nakita niyang nakipagsiksikan pa ito sa crowd at tinitignan siya na parang sinasabing what-is-this-look at do-you-even-know-him-look nagkibit balikat lang si Sofia para iparating kay Marie na hindi niya alam kung anong nangyayari.
Magkaklase si Tyrant at Sofia, alam yun ni Tyrant dahil pag pasok pa lang nito sa classroom nila ay nakuha na kaagad ni Sofia ang atensyon ni Tyrant, Pero si Sofia ay walang kaalam-alam.
Tyrant Villaverde, he's 19 years old gwapo, matalino, hindi ganun katangkaran tama lang, PERO babaero, araw-araw papalit palit siya ng babae, hindi siya nagseseryoso sa pakikipag relasyon at kung bakit? Wala lang DAW. Isa si Tyrant sa mga notorious at maraming records sa last section, yes he's a playboy para sa kanya wala lang ang mga babae pero iba siya magalit pag
malapit na tao sa kanya ang kinanti mo."Cut it out Mr. Whoever you are it's not funny anymore!" Gigil na sabi ni Sofia konti na lang ay sasabog na siya sa hiya at inis.
Magsa salita pa lang sana si Tyrant ng biglang pumasok ang dahilan kung bakit ginagawa niya ito, wala siyang choice dahil kung hindi si Sofia ang kinuha niyang babae ay baka mas lalo siyang hindi makawala. Ganyan siya kabilib sa gwapo niyang muka.
"Babe please" Sabi ni Tyrant at parang nakikiusap ang mata niya kay Sofia.
Hindi na nagsalita si Sofia at iniisip kung ano ba tamang i-react sa mga sinasabi ng lalaki sa harap niya.
"Tyrant honey what is this?" Sabi ng isang babae na gulong gulo sa mga nangyayari sa harap niya.
Napatingin sila parehas sa babae at gusto na sanang umalis ni Sofia pero hindi siya binitawan ni Tyrant.
Tinignan ni Sofia ang babae mula ulo mukang paa--hanggang paa pala sorry. Hahaha! Masasabi niyang sobrang arte at ang kapal ng muka este make up niya sa muka.
"Trish--"Sabi ni Tyrant
"It's Shay" Sabi nung babae sa inis na way.
Napangiwi si Sofia dahil pangalan na lang nagkakamali pa itong lalaki sa harap niya.
"Shay look, my love here is already back and I love her so much. I can't lose her, so Shay I'm sorry, but I'm breaking up with you" Sabi ni Tyrant at sinamahan pa niya ng pagyuko para mukang kapanipaniwala.
"What?! No way! You're mine Tyrant and this bitch over here hindi ako naniniwala na gugustuhin mo ang ganyan klaseng babae" Sabi ni Shay at nginisihan pa si Sofia.
Halos nagpanting naman ang tenga ni Sofia sa narinig at nagulat naman ang mga tao sa paligid nila. Handa na sana niyang sigawan ang babae ng sumingit si Tyrant.
"What made you think that I'm not able to like her?" Seryosong tanong ni Tyrant sa kanya.
"Look at her she's not even beautiful, she's a nerd, boring and a bitch" Sabi ni Shay habang taas noo niya pa sinasabi ang mga ito.
Naiinis na si Sofia at hindi na niya kayang pigilan ang sarili niya ng biglang magsalita nanaman si Tyrant.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin pero hindi siya nito pinansin."Don't you dare insult her infront of me, she's beautiful inside and I don't care if she's a nerd and lastly she's not boring, she can make me smile effortless. Atleast she's simple and true to herself, unlike you" Seryosong sabi ni Tyrant at hinila na si Sofia para lumabas ng cafeteria.
Napasinghap ang lahat at hindi makapaniwala sa nakikita at naririnig nila kay Tyrant, alam nilang mabulaklak talaga ito mag salita pero iba itong nakikita nila ngayon.
Pero bago sila tuluyang makalabas ay binelatan ni Sofia si Shay na mas ikinainis niya.
gulat ang lahat except sa grupo ng last section na naka ngisi at napapailing.
****
Sofia's Pov
Pagkabitaw kaagad kanina ng lalaking ito ng kamay ko ay sinikmuraan ko na agad siya dahil sa ginawa at pinagsasabi niya.
"What was that for?!" Namimilipit na sabi niya.
"Huh! What was that for? Are you nuts?! For christsake! What did you do back there you womanizer?! Gagawa ka na lang ng kalokohan dinamay mo pa ko, e pwede naman ibang babae na lang!" Halos maputol na ang litid ko kakasigaw sa kanya.
Halata naman na natakot siya sa pagsigaw ko dahil napaatras siya at biglang namutla. Kainis!
"W-wait, relax. Mag e-explain ako" Sabi niya at umayos ng tayo pero nakahawak pa din siya sa tiyan niya.
Hinitay ko siyang mag explain na ginawa naman niya. His name is Tyrant Villaverde And I'm right womanizer nga 'tong mokong na 'to at yung Shay kanina ay ang flavor of the day niya kahapon kaya nakikipag hiwalay na siya kanina pa umaga, pero dahil nga head over heels sa kanya ang babae ay ayaw pumayag. Kaya pinalabas niyang ako ang matagal na niyang hinihintay na babae at mahal niya para magtigil na si Shay. Ako lang daw kasi ang babaeng alam niyang hindi niya magugustuhan, ang kapal noh? Akala mo kung sinong gwapo.
Grabe pa siya dun sa line niya kanina na "she's beautiful inside" hindi ko malaman kung compliment ba yun o parang ininsulto din niya ako e.
"Nalusutan mo nga problema mo sa baliw na yun pero ako naman dudumugin ng chismis! Inis talaga!" Sabi ko habang tinatapunan siya ng sapak at matatalim na tingin.
"A-araaaay! Aray! Wait!--hey! Edi kung gusto--aray! mo totohanin natin kahit dalawang araw lang payag na ko, ikaw pa pinakamatagal ko" Sabi niya at tinaas baba pa ang kilay.
I suddenly stop mid air dahil sa sinabi niya pero after no'n lalong naginit ang ulo ko, I punch him straight to his face at tinalikuran siya para umalis.
Pero bago yun humarap ako sa kanya na namimilipit pa din sa sakit at nginisihan siya.
"Quits na tayo" Sabi ko at iniwan siya do'n sumisigaw sa sakit.
G*g* ka kasi!
Park Jimin as
Tyrant Villaverde at the picture...
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...