Chapter 30

3.4K 75 4
                                    


Sofia's Pov

Nararamdaman ko ang sakit ng buong katawan ko at panunuyo ng lalamunan ko. Ano ba ang nangyari?

Nagmulat ako ng tingin at puro puti ang nakikita ko. Teka? Puti? Hindi ko napigilan ang biglaang pagbangon na pinagsisihan ko din naman sa huli.

The heck! Ang sakit na ng ulo ko pati buong katawan ko sumakit din! Argh! What's with you sofia?! >.<

Puro puti sa paligid ko, may dextrose ako sa kamay, naka suot ako ng lab gown? Halata namang nasa hospital ako, but i dont know why? Ilang beses ko pa inisip ang mga nangyari at kung bakit ba ako nandito ng biglang mag sink in lahat sa'kin ang nangyari... Is this really true? I'm-i'm a-alive?

"Sofia! Why did you do that?!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sa gilid ko at nag aalalang lumapit sa'kin. Eh?

Inadjust ko muna ang paningin ko dahil medyo blurred pa din siya, when i already adjusted my sight, I gasp because of shock. What is he doing here? Iniwan ko to sa condo ha? Tsaka paano niya nalaman na nandito ko?

"What are you doing here kerby?" Tanong ko sa kanya at iginala ang paningin ko. Wala sila tita? Hindi ba nila ako pinuntahan? Pero alam ko narinig ko no'n ang boses ni marie e.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay lumabas siya ng walang paalam, wow -.- hindi ba ako nag e-exist sa kanya? Tinatanong ko siya di ba? Yung iba sumasagot ng kahit patanong din pero itong isang to ibang klase, tinalikuran ako at umalis -.-

Napahiya naman ako ng bigla siyang pumasok kasama ang mga nurse at si sir dave na naka doctor's suit, doctor pala siya. Ay! Wait--ano? Doctor? Tinignan ko ulit ng pangalawang beses si sir dave ng bigla siyang ngumiti sa'kin.

"We have the same reaction sofia, when i knew that he's your doctor" Sabi nito at may inayos lang na kung ano sa mesa. Kahit kelan talaga walang galang to. Tss!

"How's your feeling sofia?" Naka ngiti niyang tanong sa'kin. Bakit ang gwapo ni sir, lalo na sa suot niya?ang hawt--ay! Ano nanaman bang kahalayan yan sofia?!

Naaksidente na't lahat ganyan pa din utak mo, parang mas lalo atang lumala sa pagkakauntog ko sa manibela. Patay! Masama to! >.<
Yumuko na lang ako ng bahagya ng maramdaman kong nag iinit ang pisnge ko.

"O-okay na po ako s-sir este doc. Hindi naman na ganun kasakit ang katawan ko" Sabi ko at nakita ko ang bahagya niyang pagtango.

May sinulat naman yung nurse na kasama niya sa hawak nitong papel sa braso niya. Maybe yung report yun about sa conditions ko.

"That's good, not bad after 4 days of sleeping i think you already gained your energy, humuhupa na din ang mga sugat mo. That's a good start" Sabi ni sir dave habang naka ngiti sa'kin na ikinatango ko lang.

"Oo nga po e, 4 days---WHAT?! 4 DAYS?!" Gulat na tanong ko sa kanila, nakita ko pa napatalon sila sa gulat dahil sa sigaw na ginawa ko.

Nakita kong pinulot ni kerby sa sahig yung nahulog niyang mansanas mula sa pagkakahawak niya. "Aish sofia! Stop shouting!" Iritang sabi ni kerby at bumalik sa ginagawa niya.

"HOW WOULD I STOP IF I FOUND OUT THAT IM ACTUALLY SLEEPING FOR 4 DAYS?! TAKE NOTE! FOR F*CKING---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang ako busalan ni kerby ng mansanas sa bibig.

Tinignan ko siya ng masama at ganun din siya. "I told you stop shouting but you didn't listen" Sabi niya pa at ngumisi. Bwiset! >.<

Narinig ko naman tumawa ng mahina si sir dave pati yung nurse na kasama niya. nakalimutan kong nandito pa pala sila. Nakakahiya ka sofia! >.>

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon