Chapter 20

3.6K 83 3
                                    


Sofia's Pov

"W-what happened?" Tanong ko dahil sa gulat.

"Surprise! Welcome back sofia!" Sigaw ng buong last section.

Tulala lang ako dahil sa nakikita ko, anong ibig sabihin nito? May party hats, pagkain, confetti, may banner pa na may picture ko at nakalagay na welcome back sofia. Ibig ba sabihin nito, tanggap na ba nila ako?

"Hindi mo ba nagustuhan?" Malungkot na tanong ni kerby. Dahil dun ay napailing ako.

Mas lalong bumagsak ang balikat nila dahil sa pag iling ko, I smile in my thoughts. Akala ba nila ayaw ko? Hahaha Na touch ako sa ginawa nila. Sobra.

"I don't like it guys...because i love it!" Sabi ko habang malapad na naka ngiti.

Nag angat naman ng tingin yung iba at yung iba naman ay nakangiti sa'kin ng malapad. Binati lang nila ako at nakipag usap sandali, pagkatapos ay kumuha na sila ng pagkain nila, ako naman ay umupo muna.

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari ngayon, ibig ba sabihin okay na kaming lahat ngayon? Hindi na nila ako ibu-bully? Napangiti ako habang iniisip yun pero maya-maya ay naudlot ito dahil sa pesteng tao na tinapalan ng icing ang muka ko! Argh akala ko tapos na!

Narinig ko silang nagtawanan lahat habang ako ay nakasimangot na tinignan sila, tinignan ko kung sino yung bwiset na naglagay ng icing sa muka ko, pagtingin ko ay halos mamatay sa kakatawa si aldrich, so siya pala? Hindi pa ako nakakaganti dito umpisa pa lang.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang bote ng whip cream sa ibabaw ng upuan sa tabi ko, I smirked because of that, palihim ko itong kinuha at tumayo. Hindi niya ako napansin na pumunta sa tabi niya dahil busy siya kakatawa. Natahimik ang mga kaklase ko habang ako ay naka ngiti sa harap ni aldrich, tumigil naman siya kakatawa ng mapansin na parang may mali sa paligid niya.

Napunta ang tingin niya sa'kin na nagtataka pa, I smirked infront of him na lalong ikinanuot ng noo niya.

"Hi aldrich" Sabi ko habang hindi pa din natatanggal ang ngisi sa labi ko kasabay nito ang pag spray ko sa muka niya ng whip cream.

Hindi siya nakagalaw no'ng una dahil sa gulat, tinignan niya ako ng masama kasabay ng pagdakot niya ng icing sa cake, Hala! Sayang yung cake! Rest in peace cake walang awa si aldrich! >.<

Tumakbo siya papalapit sa'kin at handa na sanang dagdagan ang icing sa muka ko ng napansin ko sa tabi ko si kerby na lamon ang ginagawa. Sa kasamaang palad dahil sa ayaw ko ng mapahidan ng icing ay agad kong hinablot si kerby at ginawa ko itong pang harang.

Nagulat siya sa nangyari pati si aldrich, hindi niya siguro inaasahan yung ginawa ko. Hahaha!

"What the hell hyung!" Sigaw ni kerby at dumakot din ng icing sa cake at kinalat sa muka ni aldrich.

Hanggang sa huli nagkaron ng food war sa loob ng classroom, hindi ko alam kung ilang minuto tinagal, ang alam ko na lang ay biglang dumating ang SC President at Vice President sa loob ng classroom. Patay!

"What's the fuck is going on here?!" Malamig at walang reaksyon tanong niya. Nakita ko naman napalunok ang mga kaklase ko.

Nakita kong parang may hinahanap ang mata ni carmelo at nagulat ako ng mag landing ang mga malalamig niyang mata sa'kin at nag tiim bagang. Ano nanaman ba ginagawa ko  sa kanya?

"Clean this mess, when i get back i want this room clean, try to disobey me and you'll receive your punishment. Arasso?" Ma awtoridad niyang sabi. Nagtanguan naman kami at nagsimula na.

Kukunin ko na sana ang mga nagkalat na paper plates ng bigla akong tinawag ni president.

"Vergara, follow me" napatingin naman ako sa kanya, aapila pa sana ako pero nanlambot agad ako ng tignan niya ako gamit ang malalamig niyang tingin.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon