Chapter 32

3.2K 80 2
                                    


Sofia's Pov

It's monday and guess what? Napilit ko si kuya na wag na ako bigyan ng bodyguard. Ang galing galing ko talaga. Hahaha!

Naglalakad ako ngayon sa corridor, as usual hello school, hello haters and hello last section -.- yung isang linggo kong hindi pagtapak sa eskwelahan na to, I feel like I'm in heaven, pero ngayon naiisip ko pa lang im already back at monsters den.

Samu't saring ingay lang ang naririnig ko bago ako pumasok sa loob ng kwarto, napatingin naman sila sa'kin at ito nanaman tayo sa routine nila lagi. Hindi talaga buo araw nila pag wala silang nagagawang kalokohan sa'kin noh? -.-

Pinagbabato nanaman nila ako ng mga papel, tapos pagdating ng exam weeks magsisi hingian ng papel kasi naubos kakabato nila sa'kin? Mga hype talaga.

"Buhay ka pa pala?" Tanong ng isa kong kaklase at nagtawanan sila. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Mga bwiset!

Umupo na ako sa pwesto ko at sakto naman dumating si kerby at hinatak ang isang upuan para tumabi sa'kin.

"Good morning princess" bati niya. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay sa tawag niya sa'kin.

"G-good morning din" Sabi ko at kinuha na ang binder at ballpen ko.

Nakita kong kinawayan ako ni jedric and he said "good morning" ng walang lumalabas na boses. I do the same thing that he did.

Pagharap ko ay nasa harap ko na si marion at david, anong ginagawa nila dito?

"Patabi kami sofia ha" Sabi ni marion at ngumiti. Napatango na lang ako at nagbukas na lang ng notebook.

"Good morning babe!" Masayang bati ng impakto este gwapo. Pero playboy -.-

Ano ba meron at sa'kin din tumabi to tyrant na to? Pagdidiskitahan nanaman ba nila ako? Well...wala ako sa mood >.<

Maya-maya ay dumating si sir dave, naglanding ang tingin niya sa'kin at nginitian ako, I just smile back at him. Kinikilig ako. Hahaha!

"Kadiri ka! Gusto mo ba si sir?" Tanong ni david. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"O-oy h-hindi ah!" Sabi ko. Bakit parang masyadong defensive sofia?

Nakita kong ngumisi siya sa'kin "Whatever you say thea" Sabi niya sa'kin at parang gusto ko siyang kurutin sa tinawag niya sa'kin.

"Stop calling me in that name!" Pabulong kong sabi. Mahirap na baka mapalabas kami ni sir edi hindi ko nakita gwapo niyang--este kababalik ko lang mapapalabas pa ko.

"Hahaha! Why would i? Ang ganda nga e.....thea" sabi niya at humarap na sa board. Akala mo talaga nakikinig sila, if i no lumulutang ang isip nila

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng may kumatok sa pintuan ng room namin, sir dave walk towards the door at binuksan ito.

I saw allister at the door, anong ginagawa niya dito? Kinausap niya si sir dave at maya-maya lang narinig kong tinawag ako ni sir, si allister ay nakatingin lang sa'kin.

"Yes sir?" Tanong ko habang sinasara ang notebook ko.

"The Student Council President is asking for your presence" Sabi ni sir kaya napatayo ako agad.

'Secretary Duties'

Inayos ko lang ang gamit ko, nagpaalam na ako sa prof ko bago tuluyang mag patangay kay allister.

Naglalakad kami sa hallway at grabe ang tahimik. Hindi ba siya marunong magsalita? Nanatili lang kaming tahimik habang naglalakad papunta sa opisina.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon