Sofia's PovDahil sa sinabi niya ay naitulak ko siya ng malakas.
"What was that for sofia?" Nagtatakang tanong niya habang papalapit ulit sa'kin.
Tinaas ko kamay ko sa harap niya, sign as stop. Hindi pa din mag sink in sa isip ko ang sinabi niya.
Kami? Ikakasal?
"Are you f*cking insane Petterson? What are you saying?" Tanong ko dito.
"Look sofia, I know it's confusing pero in two months we're getting married." Paliwanag niya sa'kin.
"What? But why?!" Sa tono ko ay parang ayoko ikasal sa kanya.
Kumunot ang noo niya at nakita kong nandilim ang aura niya.
"Why? Ayaw mo magpakasal sa'kin? Bakit? Sino ba gusto mo? Si Andrada?!" Napipikon na sabi niya.
Teka! Bakit nadamay dito si kerby? Inaano ba siya ng tao? Ano ba problema ng taong to? Ang pinag uusapan namin yung kasal Na sinasabi niya tapos ibabaling niya kay kerby? G*g* talaga!
"What the heck?! Ang pinaguusapan natin dito ay yung kasal na tinutukoy mo, tapos ngayon ibabaling mo sa ibang tao ang usapan natin? Wag mo ko hintayin mapuno petterson, hindi mo magugustuhan!" Malamig na sabi ko sa kanya.
Nakita kong may dumaan na takot sa mata niya at bahagya pa siyang napaatras. Bwiset na to! Bwiset talaga! >.< Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili bago magsalita.
"It's because of our grandparents" Sabi niya at dahil dun mas lalo akong naguluhan. Ano naman ang kinalaman nila dito?
______
Carmelo's Pov
Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din yung eksena namin sa SC Office, tang*na talaga! Hindi ko naman sinasadya yun nabigla lang ako.
May sakit kasi si mayumi at kahit ayaw kong ako ang tumayong mag aalaga sa kanya, I don't have a choice dahil pinakiusapan ako ng pamilya niya.
Nag migrate kasi sila sa America pero mas gusto manirahan dito ni mayumi, Sabi kasi ng doctor hindi na sigurado kung makakaligtas pa siya sa sakit niya dahil hindi na tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot.
Ito din pala ang dahilan kung bakit iniwan niya ako dati. Kung tatanungin niyo kung mahal ko siya, yes i love her. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pag nasa paligid si sofia, nagbabago ang nararamdaman ko. I'm being confused when she's around. Specially everytime i see her with other man.
Iba ang nararamdaman ko, gusto ko manakit, gusto ko durugin yung buto ng mga lalaki na umaaligid sa kanya.
No'ng nerd pa lang siya may humahanga pa din, pero no'ng nag umpisa siyang mag ayos, p*ta! Mas lalo silang dumami.Hindi lang nila malapitan si sofia dahil madalas nakapaligid sa kanya ang last section at minsan ako.
Pero nagbago ang lahat ng dumating ulit si mayumi, sobrang sising sisi ako ng malaman kong hindi naman pala sinampal ni sofia si mayumi. Mas lalo pa akong na guilty ng buong last section na ang dumepensa kay mayumi kay sofia, at napuno ng sisi si sofia.
Kinabukasan nun hindi pa ko makapaniwala dahil may kasamang lalaki si sofia at pinakilala niya ito bilang asawa niya. Wala sana akong balak maniwala pero ng maipakita niya sa'kin yung sing-sing niya halos murahin ko na lahat ng pwedeng murahin!
Isang araw lang! Isang araw lang ang lumipas tapos malalaman ko kasal na siya? Bakit?!
Sumunod na araw alam kong kagaguhan pero kinompronta ko siya. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Ramdam ko anytime sasabog na ko.
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...