Chapter 26

3.2K 84 0
                                    


Kerby's Pov

Napipikon ako sa babaeng to. Sino ba siya para bitbitin ako at utusan ako. Ugh! Nakakainis pa yung sinabi niya kanina. Hindi ko napigilang mamula. Langya to bata na to. Akala mo matanda na at may nalalaman pa heaven.

(Miss_M: Sows! Binigyan mo kasi ng ibang meaning)

Shut up author! Hindi kita kinakausap!

(Miss_M: Whatever Perverted mind)

Aba't! Isa pa to e!

Tahimik lang kami dito sa loob ng kotse, hindi ko alam kung ano bang binabalak nito. Ipapa salvage niya ba ako dahil sa mga ginawa namin sa kanya?

Nakakainis naman kasi siya e! Hindi naman siya allowed pumunta do'n sa quarters namin tapos sinundan pa niya si pres. Tsk! Hindi ko alam kung ganun ba siya ka desperada para makuha ang atensyon naming lahat.

Pero yung nangyari kay jedric hyung, alam ko naman hindi niya plano ang isalag ang katawan niya para kay hyung, but I'm still thankful because she save my hyung.

"Baka matunaw ako niyan ha" Sabi niya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

Lumingon na lang ako sa ibang way at nakita kong huminto kami sa mall? Anong gagawin namin dito?

Nag park siya ng maayos at tinanggal ang seatbelt niya. "Tara baba na tayo" Sabi niya at kinuha ang gamit niya.

"Teka nga! Ano ba kasing ginagawa natin dito? Pinagtri-tripan mo ba ko ha?!" Inis na tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako. Aish! Ayan nanaman yung nga ngiti niya.

"Basta! Halika na kasi mag 6PM na oh" Sabi niya at bumaba na. Wala akong choice kung hindi sundan ang babaeng baliw na yun.

Pag pasok namin ay ang dami ng napatingin sa gawi namin, well wala akong magagawa , gwapo ako e.

Yung mga mata naman ng mga lalaki ay grabe kung maka tingin sa babaeng ito, well i admit she's pretty, nakadagdag pa yung pagiging inosente ng itsura niya. Tss

Tumabi na lang ako sa kanya para makita nilang may kasama na ang babaeng pinagpapantasyahan nila. Mainggit kayo!

May boyfriend na pala pare.

Oo nga! Sayang naman.

Ang ganda niya talaga.

Ang swerte nung lalaki.

Mga bubuyog, ang alam ko mall ang pinuntahan namin at hindi gubat. Mga manyak na to.

Sinundan ko lang siya at pumasok kami sa loob ng grocery store, ano ba ang balak niya? Imbis na naghahanap ako ng matutuluyan ko ngayon kung saan naman ako hinatak ng babaeng ito, feeling close talaga.

Kumuha siya ng malaking cart at dumiretso siya sa may meet section, well i can say marunong siyang mamili ha. Pagkatapos sa meet section ay dumiretso siya sa mga vegetables, then sa may fruits, condiments, at kung saan-saan pa.

Nahihirapan na siyang itulak ang cart dahil punong puno na ito ng pagkain. Tss! Ganito ba siya katakaw? Samantalang hindi naman siya tumataba.

Nilapitan ko siya at inagaw yung cart sa kanya "Ako na nga. Tss!" Sabi ko at nginitian niya lang ako. But i can see the tiredness in her eyes.

Dumiretso na kami sa may counter para magbayad lahat ng pinamili niya, pagkatapos ay nilagay ulit namin sa cart yung mga plastic ng pinamili namin. Inassist kami ng isa sa mga staff.

Pagdating namin sa kotse niya ay tinulungan siya nung lalaki ilagay ang mga pinamili sa likod ng kotse niya. Ako? Nandito na sa loob ng kotse. Bahala nga siya dun. Iniisip ko pa kung saan ako makikitulog ngayong gabi e.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon