Chapter 41

2.9K 73 3
                                    


Gulat ang lahat ng nasa cafeteria at wala ka ibang maririnig kung hindi ang mga samu't saring mga bulungan.

Ginawa niya talaga yun kay mayumi?

Ang kapal ha. Isa sa mga royalties sinaktan niya.

Oo nga isa lang naman siyang hamak na nobody. Kung hindi lang siya ginawa ng SC president na secretary wala pa din siya.

Ano ka ba girl! Hanggang ngayon naman wala pa din siya lalo na nandito na ulit si yumi. Yiieeeh! CaMi shippers is back!

Tumayo ang buong royalties pati na sina kerby at miko, hinarap nila ang mga lalaking ito na pinagsalitaan ng kung ano-ano si sofia.

"Ano nanaman ang ginawa niyo?" Malamig na tanong ni ashanti sa mga ito.

"What? We just tell her the truth" Sabi ni aldrich at ngumisi.

Napailing sila dahil sa mga bintang ng mga ito sa dalaga, hindi sila makapaniwala na gagawin yun ng mga lalaki sa dalaga, well ano nga ba ine expect nila?

Matagal ng prinsesa ng last section si mayumi at umalis lang dahil sa dahilan ng dalaga na family matters.

"Wag niyo sanang pagsisihan ang mga ginagawa niyo sa kanya" Sabi ni miko at halata sa muka nito na disappointed sa ginawa ng mga kaibigan ni sofia.

Tumalikod na ito at umalis sumunod naman ang mga babae habang napapailing na nakatingin sa kanila.
Susunod na din sana si kerby ng magsalita si jedric.

"Where are you going kerby? Mayumi is waiting for you kanina pa." Sabi nito. hinarap ni kerby si jedric at ngumisi.

"I'm going with them, specially to sofia" maikling sabi nito at tumalikod na ulit para maglakad.

"Mas pipiliin mo pa yung b*tch na yun kesa kay mayumi?!" Hindi makapaniwalang tanong ni david.

Napailing na lang si kerby at humarap sa mga ito ng may ngisi sa labi. Hindi nila mabasa kung ano ba ang sinasabi ng emosyon ng binata, pero isa lang nasisiguro nila. Nagpipigil ito ng galit.

"Watch your f*cking words david! You don't even know sofia to call her a bitch! I know for a fact na wala siyang ginawa...buksan niyo yan mga mata niyo. Nabubulag nanaman kayo." Simpleng sabi pero makahulugang turan ni kerby sa mga ito.

Curiosity is linger all over their heads.
'what does he mean?' samantalang sila jedric at rafael ay napailing lang.

Napayukom ang kamao ni kerby habang naglalakad sa kahabaan ng corridor. Matagal na siyang may galit kay mayumi pero bilang isang babae ito hindi niya magawang patulan.

Okay na sana kung hindi niya lang narinig at nasaksihan ang araw na yun. Sa lahat ng estudyante ng last section siya lang ang nakakaalam ng bagay na yun. Hindi pa din niya maiwasang magalit at kamuhian ang babae.

'self centered bitch! Why did she come back?' sa isip ni kerby.



Dumiretso si sofia sa SC office para ituon na lang ang sarili sa mga importanteng papeles, specially for their school festival. Malapit na ito apat na araw na lang at gahol na sila sa oras. Ilang buwan na nga ba siya dito? Two? Three? Hindi na niya maalala.

Pag upo niya ay napansin niyang nakatingin sa kanya si joaquin kaya napakunot ang noo niyang lumingon dito. "Is there a problem vice president?" Tanong niya dito pero nilapit lang nito ang muka niya sa muka ni sofia. 3 inches away from her face to be exact.

Hindi maiwasang hindi mailang ng dalaga dahil sa ginagawa ng binata. "What's with your face sofia? Bakit namumula yan at teka--may cut ka pa sa labi! Napaaway ka ba?" Nakalimutan ni Joaquin na hindi lang sila ang tao sa loob ng opisina kaya narinig ito ng iba.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon