Chapter 21.2

3.3K 81 0
                                    

Dinala ni joaquin si sofia sa clinic pagkatapos ng nangyari dahil nadaplisan pala sa braso si sofia ng bala, nagtataka tuloy si sofia sa sarili niya, ganun ba talaga siya ka manhid para hindi niya maramdaman ang mga nangyayari sa kanya.

Katatapos lang gamutin ni nurse john ang sugat ni sofia kaya iniwan na muna niya ang mga ito at dumiretso sa table niya 5 beds away from them.

Tinitignan lang ni joaquin si sofia na nakatulala at parang malalim ang iniisip. Simula pa lang ng pagtungtong ng dalaga sa eskwelahan na ito ay nakuha na agad ng dalaga ang atensyon niya, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, pero isa lang ang nasisigurado niya sa sarili niya...

This girl is quite special.

"Ehem" he fake a cough para makuha niya ang atensyon ng dalaga.

Hindi naman siya nabigo at napatingin sa kanya ang dalaga. Sa hindi malaman dahilan ay napasilay na lang ang matatamis na ngiti sa labi ng dalaga na ikipagtaka niya.

Why is she smiling?

"Why are you smiling?" Nagtatakang tanong ni joaquin.

"Nothing, im just happy because you we're there earlier, hindi ko ma imagine ang sarili ko na nabaril sa ulo at namatay. Hahaha" Sabi ng dalaga at napatawa. Tila hindi nagustuhan ni joaquin ang sinabi niya pero isinantabi na lang niya ito. 

"Ofcourse! Kahit sino naman gagawin yun kung makita ka nilang nasa ganun sitwasyon" Sabi ng binata at binigyan si sofia ng tipid na ngiti.

Sa isip ng dalaga ay "hindi lahat kayang gawin ang ginawa mo at hindi lahat gagawin yun para sa akin" Pero imbis na sabihin niya ng malakas ay sinuklian na lang din niya ng ngiti ang binata.

Sandaling katahimikan ng magsalita ulit ang binata.

"Sino nga pala yung mga yun at bakit gusto kanilang saktan?" Tanong niya dito.

Doon din napaisip ang dalaga, bakit nga ba? Bakit nga ba parang magsalita kanina ang mga lalaki ay kilala siya at hinahanap? Hindi niya alam maski siya naguguluhan, wala siyang natatandaan na may inagrabyado siyang tao o pinagkaka utangan man lang. Sino nga ba sila? Anong kailangan nila sa'kin? Sa isip-isip ng dalaga.

"H-hindi ko din a-alam, bigla na lang nila akong hinarang" paliwanag ng dalaga na ikinatango ng binata.

Pero hindi pa din mapakali ang lalaki, paano sila nakapasok? Masyadong mahigpit ang security ng eskwelahan, imposibleng basta-bastang may makapasok dito.

"Kailangan ulit siguraduhin ang seguridad ng eskwelahan, Baka mamaya ay may masaktan pa na ibang estudyante. Don't worry sofia, magre request ako ng meeting tomorrow about what happened." Sabi ni Joaquin at hinawakan lang ang kamay niya.

Tanging pagtango lang ang naisagot ng dalaga, nagulat na lang sila ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng clinic.

"Where's the vice president? I heard he's here?" Tanong ng isang babae.

Tinuro naman agad ni nurse john ang pwesto kung nasaan ang dalawa na siyang pinuntahan naman ng babae, hinarap ito ng babae at parang hindi man lang nakita na may kasamang pasyente ang bise presidente nila.

"Ms.Gregory? What brings you here?" Tanong niya sa dalaga.

Hindi ito sumagot pero maya-maya lang ay "Wag mo ko magamitan ng pagiging formal mo ngayon, badtrip ako! Ayoko na talaga maging secretary ng SC! I kennat do this anymore! I kennat! Pagod na pagod na ako sa pagsu sungit at pag uutos ng demonyitong yun! I quit! Bumababa na ako bilang sekretarya niyo Joaquin. Ayaw ko na!" Nagwawala nitong sabi at namumula na din ito bilang tanda na galit at inis ang namumutawi sa sistema niya.

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon