Still Kerby's Pov...Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya pero nakuha pa din niyang ngumiti.
Sh*t! Ano ba ang sinabi mo kerby?!
"It's okay kung yan talaga nasa isip mo, hindi naman kita masisisi but i want you to know that i just wanted to help you that's all. Hindi ko kasi inaasahan na marinig yung mga sinabi mo sa kausap mo kanina. I'm not doing this to caught your attention nor be close to you. I just really wanted to help" Sabi niya at ngumiti ng bahagya pero nakita kong maluha-luha niyang sinasabi ito.
Damn! You're so stupid kerby! >.<
Tinanggal niya ang apron na suot niya at nilagpasan ako pero bago niya ako malagpasan ay nakita kong tumulo ang butil ng luha niya. Argh!
"My mom's getting married" tanging lumabas sa bibig ko at nakita kong napatigil siya.
"Ha?" Tanong niya. hinarap ko naman siya at tama nga ako. Umiiyak siya dahil sa mga nasabi ko.
Huminga ako ng malalim bago siya lapitan at paupuin ulit sa may upuan dito sa may dining. Hindi naman mainit dahil naka AC ang buong kwarto.
Naghatak din ako ng upuan at umupo sa harap niya. "You're asking me earlier kung anong nangyari di ba? There... My mom's getting married." Sabi ko at ngumiti ng mapait. Huminto na naman siya sa pagluha at naka tingin lang sa'kin.
"Then? Bakit ka naglayas? Aren't you happy for your mom?" Tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin sa tanong niya.
"I'm happy, pero sa tuwing naiisip ko na ikakasal ulit siya hindi ko alam. Ayoko lang kasi mawalan siya ng time sa aming magkakapatid." Sabi ko at bahagyang napayuko.
"Bad ba ang mommy mo?" Tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Ofcourse not! She's the most amazing mother that i've ever met. She loves us so much kahit iniwan kami ni dad hindi siya sumuko sa amin, pinalaki niya kaming magkakapatid kahit halata na sa kanyang nahihirapan na siya, pero hindi naging dahilan yun para iwan at pabayaan niya kami, even tho tito sandro is already at her side ganun pa din , mas lalo ko nga naramdaman ang pagmamahal niya sa amin, parang mas lalong nadagdagan ang inspirasyon niya" Sabi ko at hindi ko namalayan na naka ngiti na pala ako habang nagk-kwento.
Nakita ko naman siyang nakatingin lang sa'kin ng seryoso. Bakit?
"Why are you staring at me like that?" Tanong ko sa kanya.
"Do you want your mom to be happy?" Tanong niya.
"Ofcourse!" Mabilis kong sagot.
"Can you take your mom's happiness away?" Tanong niya ulit na nakapagpa kunot na ng noo ko. What's with her questions?
"Syempre hindi" Sabi ko at bahagya siyang napangiti. There's a glimpse of sadness in her eyes. Why?
"Kerby, learn to understand your mom. Your mom needs also a partner who will take care of her, I'm not saying that you and your siblings can't take care of your mom, what im trying to say is different care and love that a real partner can give. Base sa kwento mo wala namang nagbago ng dumating ang fiance ng mama mo sa buhay niyo, mas lalo pa naging masaya ang mama mo at nadagdagan pa ng isang inspirasyon ang mama mo para bumangon sa umaga at ipakita kung gaano niya kayo kamahal. I'm asking you earlier kung kaya mo ba tanggalan ng kasiyahan ang mama mo? Sa ngayon kasi hindi na lang kayo ang nagbibigay saya sa mama mo, para lang yan ibon e, masaya silang lumilipad at naghahabulan sa mga ulap. Paano na lang siya makakalipad ng maayos kung nabalian na siya ng isang pakpak?" She stop right there.
"Be thankful dahil walang nagbago at mahal na mahal kayo ng mama mo, unlike the other kids na hindi man lang nakagisnan ang mga magulang nila, yung iba isinakripisyo na nila ang lahat pero hindi pa din sila tanggap ng pamilya nila. Minsan hindi lang tayong mga anak ang kailangan maging masaya. Kailangan din natin bigyan ng kasiyahan ang mga magulang natin. Don't let yourself decide when you're angry or in somewhat emotions, dahil baka sa huli ay pagsisihan mo ito ng sobra." Dagdag pa niya.
Isa lang ang masasabi ko, tagos lahat ng sinabi niya. Lumayas ako sa amin ng malaman kong magpapakasal sila mommy at tito sandro. Wala akong problema kay tito sandro because he's a nice guy and i can feel the love that he's giving to me pati sa mga kapatid ko. Hindi ko alam kung ano na lang biglang pumasok sa isip ko, siguro dahil natakot lang ako na mabawasan ang pagmamahal ni mommy sa amin. Pero tama si sofia. I shouldn't meddle when it comes to my mom's happiness.
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko na naka patong ang muka sa mga palad niya at halatang inaantok na.
She's really nice. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya sinusungitan ng ganito. Tinulungan niya ako kahit na iba ang pakikitungo ko sa kanya.
Sa totoo lang mayaman kami, kaya lang ako na ata ang lumayas na hindi marunong mag ayos ng gamit, naiwan ko kasi ang dalawang wallet ko at kung pupunta naman ako sa condo ko ay malayo dito. Kotse ko naman ginamit ng kapatid ko dahil nasa talyer pa yung kaniya.
"Sofia" tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Tanging sagot niya lang.
"Sorry nga pala kanina ha. Pati nung mga nakaraan. S-salamat din sa pagtulong mo sa'kin ngayon." Sabi ko. Tinignan naman niya ako at ngumiti. A real and genuine smile. That smile that can melts everyone's heart.
"Wala yun, maliit na bagay lang to." Sabi niya. Napaka humble niya hahaha.
Habang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang nangyari kanina sa classroom, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Sofia. Yung nangyari sa classroom kanina, alam mo ba kung sino ang pwedeng gumawa sayo no'n?" Tanong ko sa kanya at tingin ko nakapagpa gising sa diwa niya.
"H-hindi ko d-din alam" Sabi niya at bahagyang napayuko. Halata sa boses niya ang panginginig at takot.
Dapat pala hindi ko na lang tinanong sa kanya, kung makikita niyo siya ngayon ay bigla na lang siyang namutla.
"May nakaaway ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya pero tanging pag iling lang ang nasagot niya.
Bigla siyang napaigtad ng mag ring ang phone niya, nag iba naman ang itsura niya mabasa kung sino ang tumatawag.
"Hello kuya?...opo pauwi na din...naku hindi mo na ko kailngan sunduin kuya, ako pa ba?...haha! Opo i will" Sabi niya at binaba niya ang tawag.
Nalipat ang tingin niya sa'kin at nginitian ako. Why are you like that sofia? Why are you acting that you're okay even tho you're not?
"Ahm alis na ako kerby, hinahanap na kasi ako nila kuya e. Ito yung susi then pag nagutom ka, kumuha ka na lang diyan" bilin niya at patakbong pumunta sa sala para kunin ang mga gamit niya.
Sinundan ko naman siya at lalabas na sana siya ng pigilan ko siya. " Bakit kerby? May sasabihin ka ba?" Tanong niya sa'kin.
Ilang minuto ko din siyang tinitigan hanggang sa. "Hatid na kita sa baba" Sabi ko at wala naman siyang sinabi kaya bumaba na kami.
Kinuha ng belleboy ang sasakyan niya kaya naiwan kami dito sa tapat ng condominium. "Mag iingat ka ha, wag ka matutulog habang nagd-drive and thank you so much for everything" sabi ko.
"Opo tay! Hahaha. Tsaka wala yun sabi ko naman sayo maliit na bagay lang to" Sabi niya at ngumiti.
Huminto sa harap namin ang kotse niya at inabot na sa kanya ang susi niya. "Sige, goodnight!" Paalam niya. Maglalakad na sana siya papasok sa kotse niya ng hilahin ko siya payakap sa'kin. Alam kong nagulat siya but i don't care. Hindi ko alam sa sarili ko pero kanina ko pa siya gusto yakapin no'ng umiyak pa lang siya dahil sa mga kagaguhang sinabi ko.
"Take care always okay" bulong ko sa tenga niya at marahan naman siyang tumango.
Pinakawalan ko na siya sa pagkakayakap ko at nag wave na lang sa kanya. Bago niya paandarin ang kotse niya ay binaba muna niya ang salamin nito.
"Talk to them okay? Wag mo pataasin pride mo. Ba-bye~" Sabi niya bago paandarin ang kotse niya. Bakit ganun? Bakit parang iba sa pandinig ko ang pagsabi niya ng ba~bye? Bakit parang nagpapaalam talaga siya?
Hindi ko alam pero kinabahan ako. Napatingin ako sa may tawid at nakita kong may isang lalaki do'n na naka cap at face mask, habang nakatingin din sa papalayong sasakyan ni sofia. Bakit mas tumindi ang kaba ko?
Iwinaksi ko na lang ang nararamdaman ko at tinignan ulit ang kotse niyang papalayo.
"Please my angel...take care of yourself" Sabi ko bago pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...