Author's note: I hope you like and vote for my story guys. Thank you!Sofia's Pov
I'm currently here at the plane papuntang Pilipinas, hanggang ngayon hindi pa din mag sink in ng maayos sa akin lahat ng sinabi ni mom. Naguguluhan din ako kung bakit kailangan nila akong pag panggapin? For what reason?
Naputol ang pag iisip ko ng lumapit sa akin ang isang stewardess at binigay sa akin ang blanket na hiningi ko kanina, I might sleep as well para mapahinga naman ang utak ko kakaisip.
****
Nagising ako ng biglang magsalita yung captain, nandito na pala ako sa pilipinas.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na ng eroplano, dumiretso agad ako sa may departure area para puntahan ang sundo ko.
Pagkarating ko pa lang sa bungad ng pinto ay may napansin akong sign ng pangalan ko at babaeng kumakaway na todo pa ang ngiti.
Napakunot ang noo ko bago siya nilapitan, sorry guys malabo mata e. paglapit ko naman ay dinamba niya ko ng yakap na halos hindi ako maka hinga lintek!
Lumayo siya at nakilala ko naman kung sino siya...kaya naman pala!
Pustahan tayo titili to. In 3...2...1"Kyaaaaaaaaaaaaah! Sophieeeeee" tili niya. Myghaaad! Yung eardrums ko
Napatingin ako sa paligid namin habang tinatakpan ko pa din ang tenga ko, nakakahiya pinagtitinginan na kami. Hindi ako nakapag pigil ay bigla ko siyang pinatalikod habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya yung isa naman ginamit ko para hatakin yung cart na may gamit ko.
Nagpupumiglas siya pero hindi ko siya binitawan. Harsh ba? Sorry kailangan eh. Binitawan ko naman siya pagdating sa may gilid at kung saan walang masyadong tao.
"Bakit mo ginawa yun?" Sabi niya habang naka pout. Hilahin ko kaya bibig nito?
"Tss. Could you please lower down your voice Marie" mahinahon pero may diin kong sabi.
"Hehe. Sorry na namiss lang naman kita!" Sabi nito at ngumiti habang naka peace sign. Napailing na lang ako sa kakulitan niya. She didn't change.
Kinuha na ng driver niya ang mga gamit ko para makauwi na kami.
Pag pasok pa lang nagsalita na siya about sa mga pangyayari sa buhay niya pati kila tita.Anyways guys, I want you to meet Marie Villarama my cousin sa mother side, she's also 19 years old pero mas matanda siya sa akin ng buwan. Business management din ang course niya kaya lang turning 4th year pa lang siya, samantalang ako 4th year na at gra-graduate na sana this school year, I'm accelerated to clear things up but nilipat nga ako.
Nakarating kami sa bahay at daldal pa din siya ng daldal. It's already 3pm here in manila. Nasa sasakyan pa lang ako ay humanga na agad ako sa ganda ng bahay nila tita.
Pag pasok pa lang ng malaking gate napansin ko na sa taas at laki nito imposibleng may makapasok pa na magnanakaw dito, may CCTV cameras din akong nakita sa paligid, may 8 security din na nagbabantay at nagpa patrol sa loob, sobrang imposible talagang manakawan sila tita, hahawak pa lang sa gate nila siguradong todas na agad. Hahaha.
Naagaw ng pansin ko ang malawak nilang hardin malago at maganda ang iba't ibang mga bulaklak na nakatanim dito, halatang alagang alaga sila, sumunod kong nakita ang fountain na nasa gitna nito, an angel with arrow ang naka display dito,
Napatingin ako sa harap ng bahay at hindi ko maiwasang mamangha sa structures nito, 4 storey siya at kulay white with a touch of gold ang kulay nito. Pag pasok naman namin sa loob ay hindi ko na maiwasang mapa ngiti sa lawak at ganda nito.
Expensive vases and jars are everywhere, family pictures, paintings and such are hanging on their wall, chandeliers na hindi nakakasilaw sa paningin.
Hays, what would you expect to a famous architecture and engineering of this house. None other than my auntie and uncle.
You read it guys, bukod sa family business na meron ang family ni marie ay sikat na engineering ang papa niya which is si tito Jiro at sikat naman na architecture si tita Margaret.
Naputol ang pagmumuni muni ko ng bigla kong narinig sila tita na tinawag ako. I smile at lumapit sa kanila ni tito Jiro para yumakap.
"Welcome home iha" Sabi ni tita Marge short for "Margaret" sa akin at humalik sa pisnge ko.
"Tara sa dining para mag meryenda" Aya ni tito habang naka ngiti ng malapad.
Inakyat ng isa sa mga katulong nila ang mga gamit ko kaya dumiretso na ko sa dining. Pag upo ko ay nag umpisa na kaming magka mustahan.
Natapos ang kainan namin kaya nagpaalam na akong magpapahinga na muna, Pag pasok ko sa binigay sa aking kwarto nila tita ay napangiti ako. Alam talaga nila ang gusto ko.
A black and white wallpaper, queen size bed in the middle of the room, gray carpeted floor, two doors for my closet and the other one is bathroom. Nakita ko din may study table at may balcony. Dumiretso ako dito at binuksan yun, pagkakita ko akala ko yung harap lang merong ganito, meron din pala sa likod ng bahay at mas maraming bulaklak dito kesa sa harap. What a wonderful view.
Humiga muna ko sa kama siguro mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. Sobrang antok pa din ako kahit ang haba na ng tinulog ko.
Maya-maya lang din ay unti unti na akong nilamon ng dilim.
Nancy Mcdonie as
Sofia Althea Vergara at the picture...
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
AçãoTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...