Nagbigay daan lahat ng estudyanteng nakaharang sa daanan ng presidente nila. Bawat lakad nito ay ang pagpigil ng paghinga ng mga tao sa buong cafeteria.Napako naman ang tingin ni shay kay carmelo habang hawak pa din ang buhok ng dalaga. Samantalang si sofia naman ay nagulat sa pagdating ng presidente nilang yelo.
Kung titignan si sofia ay maaawa ka na lang sa sinapit nito, nasira ang dalawang butones ng uniform niya kaya nakikita ang maputi niyang dibdib, gulo-gulo ang buhok, may mga pasa, namumula ang magkabilang pisnge at idagdag mo pa na basang-basa ang muka dahil sa luha nito.
Napayukom ang kamao ni carmelo dahil sa nakikita, iniisip niya na ano ba ang karapatan ng mga estudyanteng ito para saktan ang pag aari niya. Tinignan ni carmelo si shay ng wala ka mababakas na emosyon, pero mararamdaman mong sobrang dilim ng aura nito, para bang papatayin ka na.
"Who are you to hurt her?" Malamig na tanong nito kay shay pero hindi nagpatinag si shay at nakatingin lang din ito kay carmelo.
Punong-puno ng galit ang mga mata ng dalaga pero may nararamdaman itong kaba dahil sa nangyayari ngayon.
"S-she stole what is mine!" Nang gagalaiti na sabi ni shay kay carmelo.
Mas lalong dumilim ang itsura ni carmelo kaya napaatras si shay sa kanya habang mas hinigpitan pa ang kapit nito sa buhok ni sofia.
Hindi naman naiwasan mapadaing ni sofia dahil sa ginawa ni shay. "A-aray!" Mababakas mong nasasaktan na talaga si sofia.
Sa sobrang galit ng royalties dahil sa ginawa ng babae ay pumunta na din ito sa harap.
Oh my gosh!
Ang royalties they are here!
Omo!
Dahil sa ingay ng mga ito ay pinalo ni ashanti ang boteng nakita niya sa mesa, dahilan para mabasag ang kalahati nito.
Natahimik naman lahat dahil sa ginawa niya. "Shut the hell up!" Sigaw nito habang nakatutok sa mga ito ang boteng binasag niya.
Napupuyos sa galit ang mga babaeng royalties dahil sa sinapit ng dalaga, para na nilang kapatid kung ituring ito kaya nagagalit sila ngayon sa trinato sa dalaga. Kung tutuusin napakabait nito at napaka hirap saktan pero naglakas loob talaga sila.
"Hand her over bitch!" Sabi ni abby habang nakatingin ng masama kay shay.
Pero imbis na ibigay ay mas lalo niya pa diniinan ang pagkakakapit dito, pinisil ng madiin ng babae ang braso ni sofia na dahilan para may tumulong dugo sa braso nito na ikinagulat nila, matalim ang kuko ni shay para bumaon ito sa braso ng dalaga. Dahil na din sa gigil niya ay ginawa niya ito. Sa sobrang panghihina ni sofia ay hindi na niya nararamdaman ang kahit ano. Tila ba napagod ang katawan niya kakalaban sa may hawak sa kanya.
"Ghad fia!" Sigaw ni nicholas.
Sinalo naman agad ni carmelo si sofia bago ito bumagsak, tinulak niya ng malakas si shay at tumama ito sa pader. Walang pagdadalawang isip binuhat ni carmelo si sofia pero bago pa makalabas si carmelo ay may sinabi ito para magulat ang lahat.
"You dare to touch my girl, just wait for your punishment. I will make sure that you're going to regret what you did to her" naka igting bagang na sabi nito.
Dinala na ni carmelo ang nawalan ng malay na si sofia sa clinic nila.
Nagulat naman si nurse john dahil sa itsura ni sofia, ang daming beses ng na clinic ang dalaga, sa pananatili nito sa eskwelahan sa loob ng isang buwan ay puro kapahamakan na lang ang nararanasan nito. Naawa naman siya sa dalaga dahil sa sinasapit nito.
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...