Dedicated to: Lyssajoy23
A/N: Thank you for voting and enjoy this Chappy :)Sofia's Pov
Nakatingin lang kami sa kanya at wala ni isa sa aming tatlo ang sumasagot sa tanong niya, nakakagulat naman kasi siya. Hindi ba uso sa kanya kumatok? Paano ba naging role model to ng eskwelahan na ito?
"Hindi ba kayo sasagot?" Malamig niyang tanong.
Ano ba sasabihin namin? Nagkatinginan kaming tatlo, ganun na lang ang gulat ko ng takbuhan kami ng dalawa habang tumatawa pa. Argh! David! Marion!
Susunod na din sana ako palabas ng room na to ng bigla niyang isara ang pinto at unti unting lumapit sa'kin, nakatingin lang siya ng diretso sa'kin at wala akong mabasa na kahit anong reaksyon sa mata niya, it's just...plain.
Ang hirap talagang basahin ng lalaking to, para siyang si ate hindi ko mabasa kung ano ang iniisip, hindi kaya kapatid namin to? O siya kaya ang kapatid talaga ni ate? Aish! Sofia ang tanga ha! Naalog na ba talaga yan utak mo dahil sa pinag gagagawa nila sayo? Kamukang kamuka ko si ate tapos sasabihin kong ito tunay niyang kapatid?
Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na napasandal na pala ako sa pader at na corner na niya ako.
Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa gulat, ano ba ang ginagawa niya? Aware ba siya na sobrang lapit niya sa'kin?
"What d-do you think you're doing? President?" Tanong ko sa mababang boses.
This time ay napayuko na ko feeling ko pag tinitigan ko pa siya lalo ay matutunaw na ko. Sabayan pa ng sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, yung puso ko parang isang tulak na lang ay lalabas na. Natatakot ba ko?
"I should be the one asking you that question vergara, what do you think you're doing? Hmm" Sabi niya in a low cold voice.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin pero bakit kahit surname ko lang ang tinawag niya ay nagwawala ang puso ko sa kaba at tuwa?
"W-wala naman kaming ginagawa ah? We're just talking and laughing at the same time when you c-came" Sabi ko at nakita ko ang pag ngisi niya.
Natutuwa pa talaga siya sa ginagawa niya hinayupak na to, mas lalo siyang lumapit at ang masasabi ko lang? Shutanginadis! 2 inches na lang ang lapit niya sa muka ko, hindi na ko makagalaw pero siya ay nakatitig pa din sa'kin, sabihin na lang niya kung may dumi ako sa muka hindi yung pinapakilig niya ako ng ganito--argh! Ano ba naman yan sofia umayos ka nga!
Binaling ko ang tingin ko sa kanan ko dahil naiilang na talaga ko, hindi ko alam kung bakit ginagawa niya to dahil hindi ko talaga maintindihan ang trip ng presidente naming to. Siya lang ata ang presidente na ganito umasta yung lalapit pa siya ng sobra sayo para lang itanong kung anong ginawa mo.
Wait!
Bigla akong natigilan, ginagawa nga niya ba to sa iba? Yung lalapit pa ng ganito para lang magtanong? Aba! Kung ganun ang swerte naman nila, nilapitan sila ng isang lalaking ubod ng gwapo at talino--yelo nga lang at bastos! Tsk
Nagulat ako ng bigla niyang siniksik ang muka niya sa leeg ko! What the @hsjsjekdlfje! Feeling ko kamatis na ko ngayon na tinubuan ng katawan dahil sa ginawa niya! Tingin ko biglang uminit kahit naka aircon ang room! Argh!
"You smell like vanilla" Sabi niya at naramdaman kong inaamoy niya ang leeg ko. The fudge! Dapat tinutulak ko na siya ngayon pero bakit hindi umaayon sa'kin ang katawan ko? So far parang ..... Gusto ko din ang ginagawa niya?
Naramdaman ko ang isang kamay niya na pumulupot sa bewang ko, ganun na lang ang gulat ko sa ginawa niya, nakayakap na siya sa'kin ngayon habang nasa leeg ko pa din ang muka niya. Wooooooh! Ang ineeeet! >.<
"A-ano bang g-ginagawa m-mo president?" Tanong ko, hindi ko mapigilan kabahan dahil sa sobrang lapit niya feeling ko wala ng hangin na dumadaloy sa pagitan naming dalawa idagdag mo pa na baka marinig niya ang puso ko na ang lakas ng tibok.
"What did you do to me sofia?" Tanong niya at tinignan na ako diretso sa mata, napalunok na lang ako. Hindi ko na kaya tagalan ang eksenang to pero bakit ayaw makiayon ng katawan ko? Bakit sinasabi na hayaan ko lang si carmelo?
"A-anong sinasabi mo?" Nagtataka din ako sa sinabi niya. Inaano ko nga ba siya?
Napatawa siya ng mahina, sandali lang yun pero para itong naging musika sa tenga ko, dagdag mo pa na ang gwapo niya lalo pag tumatawa.
Nagseryoso nanaman ang muka niya at tinitigan ako, hindi ko alam kung ilang segundo o minuto bago siya magsalita ulit.
"I don't want to see you laughing with other guys , you don't know what i felt when i saw you earlier while laughing with david and marion." Sabi niya.
"Ha? Bakit pati pagtawa ko? Wala naman masama do'n ha!" Reklamo ko pero sana hindi ko na lang pala ginawa.
Lalong tumalim ang tingin niya sa'kin at lalong lumapit, ang dilim ng aura niya at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya, kahit man lang ang facial expressions niya wala din.
Napapikit na lang ako dahil nakakatakot pala siya magalit, hindi pa nagsasalita pero kitang kita na sa itsura niya.
Naramdaman kong may dumampi sa noo ko , awtomatiko akong napadilat at tinignan siya. He kiss me...at my forehead. I think I'm gonna die.
Naramdaman kong nanlalambot ang tuhod ko pero agad niya akong nahawakan sa bewang ko. Ano bang sa tingin niya ang ginagawa niya? Nahihibang na ba siya?
"Just follow what i've said, dahil hindi ka matutuwa sa gagawin ko pag sumuway ka, lalo na at utos pa ng presidente." Sabi niya at ngumisi.
Nagulantang ako sa sinabi niya so ngayon dinadamay niya pagka presidente niya para sundin ko siya? Nakita kong tinatahak na pala namin ang daan papuntang parking lot.
Huminto kami sa tapat ng kotse ko at pinapasok na niya ako, kahit naguguluhan ako sa mga pinakita niya ay sinawalang bahala ko na lang dahil gusto ko na din umuwi sa pagod.
Kinatok niya ang bintana ko at binaba ko naman ito.
"Take care and please don't think too much about me baka hindi ako makatulog" Sabi niya habang naka ngisi at sumakay sa kotse niya na katabi ko lang pala. And just wow isang black na Aston Martin pala ang pagmamay ari niya.
Bumusina muna siya bago pinatakbo ang sasakyan niya, hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa ginawa niya. Pinatakbo ko na din ang sasakyan ko pauwi.
Pagdating ko sa bahay ay hindi na ako nag abalang magpalit, humiga agad ako sa kama ko at pumikit.
Isa lang ang naiintindihan ko ngayon mag mula ng mag usap kami kanina yun ay ang nararamdaman ko.
I think i have a crush on him...
BINABASA MO ANG
Last Section ✔️
ActionTHIS IS A SIGNED STORY UNDER DREAME ©Action Pretending to be other person is not that easy. But Sofia Althea Vergara is willing to accept the offer of her parents for the sake of her beloved sister. What will going to happen if she enter the unive...