Pagkatapos ng trabaho ko ay umuwi na ako ngayon sa condo ko. Simulang lumipat kami sa states ay wala na kaming bahay dito sa Pilipinas. Kaya ito ako ngayon nakatira sa isang condo. Ang loner ko dahil nasa US ang pamilya ko.
Habang naghahanda ako ng lulutuin ay tumatawag si mama sa akin sa skype.
"Hi, ma." Nagsimula na akong magluto ng kakainin ko.
"How are you, Alex?"
"I'm fine. Naging busy lang po ako kaya hindi ako nakakatawag sa inyo. Kayo po? Si Dave? Pati na rin si papa?"
"Ayos lang kami dito. Huwag mo na kami isipin."
"I can't. Malayo kayo sa akin kaya walang araw na hindi ko kayo iisipin na lahat."
"Bakit kasi hindi ka na lang dito magtrabaho? Kailangan pa sa Pilipinas."
"Ma, maganda dito at miss ko na rin ang Pilipinas."
"Anim na taon ka na rin diyan."
"Kung iniisip niyo po ang kalagayan ko dito. I'm fine. Inaalagaan ko naman ang sarili ko at umiinom rin ako ng gamot ko."
Simulang bata pa lang kasi ako ay may heart problem na ako pero hindi ko sinasabi sa ibang tao lalo na kay Aizen. Even he is my friend hindi ko masabi sa kanya. Alam ko rin bawal ako mapagod kaya kailangan ko magpahinga.
"Okay. Tawagan mo lang kami kung namiss mo kami ah." Ngumiti ako kay mama. Yes, I missed them so much pero ayaw kong sabihin kay mama baka pabalikin ako sa US.
Kinabukasan...
Maaga akong pumasok dahil may interns pa ako tuturuan. Naging busy ako sa pagtuturo sa kanila pero biglang sumakit ang dibdib ko.
"Dr. Alex, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng intern na babae.
"Yes, I'm fine." Umupo na muna ako sa couch habang hawak pa rin ang dibdib ko. Damn it. Bakit ngayon pa?! "Lunch na pala. Kumain na muna kayo at balik mamaya."
Pagkalabas ng mga interns ko ay sinandal ko na muna ang likod ko sa pader. Hindi ko naman nakalimutang uminom ng gamot kanina pero bakit sumakit. Matagal tagal na rin noong huling sumakit ang dibdib ko ng ganito.
"Alex." Tumingin ako doon sa nagsalita pero namilog ang mga mata ko dahil si Aizen. Anong gagawin ko?! "Ano nangyari sayo? Narinig ko sa mga interns mo na may nangyari daw sayo. They look so worried. Ano ba nangyari?"
"Nothing, bro. Pagod lang siguro ako."
"You have to take care of yourself."
"Baka maya-maya ay magiging okay na rin ako. Anyway, bakit ka pala nandito?"
"Kahapon kasi bumisita ako sa puntod ni dad at pagkatapos ay naisipan ko ring bumisita sa parents ni Aya."
"Oh tapos?"
"Shit, hindi ko inaasahan magkikita kaming dalawa at hindi lang iyon... may anak siya. Yung anak niya ay walang kinilalang ama."
"Hindi kaya anak mo yun?"
"I don't know pero may hinala rin akong anak ko rin yung bata. Masyadong magaan ang loob ko sa kanya."
"Bakit hindi mo ipa-DNA test para makasigurado ka?"
"Gusto kong gawin iyon pero ayaw ko naman magalit sa akin si Aya." Napansin kong masaya ang kaibigan ko ngayon. Ano naman kaya ang dahilan? "And guess what..."
"What? Huwag ka ng pabitin."
"Nagapply si Aya dito."
"What? Tinanggap mo yung ex mo?"

BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...