Chapter 22

1K 32 2
                                    

Callie's POV

Pagkagising na pagkagising ko ay bumaba na ako pero nakita ko si Alex kausap ang ama niya. Talagang close siya sa pamilya niya. Ako kasi kay Caleb lang ako close dahil palagi wala sa bahay ang mga magulang namin. Yung mga maliliit pa kami ni Caleb ay palagi kami sa bahay ng kamag anak namin para alagaan kami at noong pagkalaki na namin ay umalis na kami ni Caleb sa bahay ng kamag anak namin dahil nahihiya na rin kami. Bumalik na kami sa dating bahay namin pero sanay na rin kami wala yung mga magulang namin kaya pinangako namin sa sarili pag nakapagtapos kami sa pagaaral ay tutulungan na namin sila para makauwi na sa Pilipinas pero nagkamali kami dahil ayaw nila umuwi. Para bang ayaw nilang uwian ang sarili nilang anak.

"Gising ka na pala, babe. Kain ka na muna ng agahan tapos may pupuntahan tayo. Si Dave ang tour guide natin."

"Bakit ako ang tour guide?"

"Hindi na ako familiar sa mga lugar dito. Alam mo naman matagal tagal na rin ang huling libot ko dito."

"Saan tayo pupunta, Alex?"

"Secret. Kaya kumain ka na muna."

Maging tour guide nga namin si Dave ang kapatid ni Alex pero huminto yung sasakyan sa isang malaking bahay.

"Kaninong bahay ito?" Sana hindi tama ang hinala ko. Binili ba ito ni Alex?

"You have to find out."

Bumaba na kaming tatlo sa kotse at nagdoorbell na rin si Alex. May isang babaeng may edad na, sa tingin ko nasa late 50's na siya.

"Yes, sir? Do you need something from my boss?" Tanong nito kay Alex.

"Helen, who's that?" May isang babae ang lumabas pero napatakip ako ng bibig. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko ngayon. Nasa harapan ko siya ngayon.

"I don't know, ma'am."

Nagulat siya sa akin pagkakita niya. Hindi niya inaasahan nandito ako ngayon.

"Let them in." Sabi ni mama sa taong nasa harap namin. Yes, it's my mother. Pinasok na rin kami noong babae kanina.

"Paano mo nalaman na gusto kong nakausap ang parents ko, Alex?" Tanong ko habang may luha na kanina pang gusto pumatak.

"Shh... Don't cry. Bago tayo pumunta dito. Remember, you mention about your parents? Tinanong ko pa si papa noong araw nakarating tayo dito kung may kilala siyang Tan at hindi niya ako nagkamali na tanungin ko si papa."

"I can't thank you enough."

"You don't have to thank me, Cal. I'm doing this because I want to make you smile.

"I love you." Hinalikan ko si Alex sa labi pero nay tumikhim. Humiwalay na ako sa kanya.

"Papasok po ba tayo o hindi?" Tanong ni Dave. Nawala sa isip ko kasama pala namin siya

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay tumingin ako sa paligid. Inaasahan ko rin na makita si papa ngayon because I really missed them.

"Have a seat." Pag alok ni mama sa amin. Umupo naman kaming tatlo sa isang mabahang sofa, si mama naman umupo sa harap namin. "Helen, bring us a juice."

"Good day, ma'am. My name is Alexander Murry and this is my brother, Dave."

"Hello po."

Dumating na si manang Helen at nilapag sa center table yung juice na tinimpla niya.

"Nice to meet you both. Ano ang kailangan niyo sa akin?"

"Naparito po kami hindi dahil kukumbinsihin namin kayo ng asawa niyo na umuwi ng Pilipinas para sa mga anak niyo." Napatingin ako kay Alex. Gagawin ba niya iyon? "As the boyfriend of your daughter ay gagawin ko po lahat para mapasaya siya."

"Ma, ito lang po ang gusto namin ni Caleb na umuwi kayo ni papa. Tapos na rin po kami kaya hindi niyo na kailangan magtrabaho ba dito."

"Hindi namin pwede iwan ang trabaho namin dito ng papa niyo, Callie."

"Mas mahalaga pa po ba sa inyo ang trabaho kaysa sa mga anak niyo?" Nakakuyom ang mga kamao ko. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang salitang iyon kay mama.

"Hindi namin pinili ang trabaho. Ginawa namin ito ng papa niyo para sa inyo."

"You don't need to do this. Successful naman po si Caleb sa pagiging lawyer niya at ganoon rin ako sa restaurant ko."

"I thought you're not here to convince us?"

"Tsk. Bahala na kayo! Kakalimutan ko na lang na mga magulang namin kayo!" Tumayo na ako at lumabas ng bahay. Sindandal ko ang likuran ko sa sementong pader. Bakit ganoon sila? Hindi man lang nila iniisip na may naghihintay sa kanila sa Pilipinas. Ilang taon na rin sila hindi nagparamdam sa amin Caleb. Ni isang beses hindi sila dumalo sa birthday namin. They keep saying they will come on our birthday pero napako lang ang lahat na iyon. Umaasa si Caleb na pupunta sila pero ako matagal na akong sumuko sa kanila.

"Callie." Nilingon ko siya bago niyakap. "I know you're hurt, babe. Ang gusto mo lang naman na umuwi na sila."

"Bakit ganoon, Alex? Ni isang beses nga hindi sila dumalo sa birthday namin ni Caleb kaya yung kakambal ko ay umaasa sa wala pero ako matagal na akong sumuko sa kanya."

"You can't give up on them. I'm here to give you strength." Pinunasan na ni Alex ang luhang kanina pang pumapatak sa aking mga mata. "They are still your parents."

"Maswerte ka dahil nandiyan ang pamilya mo."

"Nope. Malayo ako sa pamilya ko, Cal. Nagtrabaho ako sa Pilipinas dahil sa plano namin ni Aizen. Natupad na namin dahil nagkaroon na nga kami ng sariling ospital at ginagawa ko rin ito para sa kanila kahit homesick na ako dahil wala sila sa tabi ko."

"Ginagawa rin namin ito ni Caleb para umuwi na sila. Simple lang naman ang gusto namin, ang makasama sila."

"Sumakay ka na sa kotse at kakausapin ko lang ang mama mo."

"Huwag na, Alex. Nagaaksaya ka lang ng oras sa mga taong ayaw naman umuwi para sa anak nila." Bumalik na ako sa loob ng sasakyan pero pumasok naman sa loob ng bahay si Alex. Ang kulit talaga.

"Talagang mahal ka ni kuya, ate Callie dahil gagawin niya ang lahat para maging masaya ka." Sabi ni Dave nang makapasok na siya sa kotse.

"Ganoon ba talaga ang kuya Alex mo?"

"Hindi ko po alam. Ngayon lang kasi nagkaroon ng girlfriend si kuya kaya ngayon ko lang nakitang ganito siya. Sayo lang."

Talagang mahal ako ni Alex. Ang swerte ko dahil nakilala ko siya at hindi ako nagsisi doon. Mabait naman talaga siya at lalo ko siyang nakilala. Gagawin niya ang lahat sa taong mahal niya para maging masaya lang ito.

Gusto ko bumawi sa kanya. Pero paano?

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon