Chapter 14

1K 35 0
                                        

Callie's POV

Ginawa kong abala ang sarili ko sa restaurant dahil ayaw ko maalala ang nakita ko noong araw na iyon. Masakit pala, no! Yung akala ko gusto niya ako pero mukhang nagkagusto na siya sa ibang babae at mukhang kasama pa niya yung babae sa trabaho.

Teka nga. Mukhang nagseselos ako doon ah! Wala naman kami pero bakit ako nagseselos?

"Hindi ako nagseselos." Pailing iling pa ako ng ulo.

"Chef? Nagseselos kayo saan?" Tanong ng isang kasamahan ko.

"Huh? Wala. Magtrabaho na lang tayo dahil maraming customers na umoorder."

Pumunta na ako sa kitchen para magluto ng ibang order.

Dahil maraming ginagawa ang mga waiter at waitress ay lumabas ako ng kitchen para kunin ang order ng ibang customer pero nagulat ako nang makita ko siya. No, customer rin siya katulad ng iba.

"Ano ang order niyo?" Napatingin siya sa akin pero kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"Dito ka nagtatrabaho?"

"Yes, I owned this restaurant." Cold kong sabi sa kanya.

"I see." Nakita kong tumayo na siya. Pumunta siya dito tapos hindi man lang magoorder. Tsk. "Maghahanap na lang ako ng ibang restaurant."

Ano daw?

Bakit ganoon? Nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

"Alex, wait." Hindi ko alam kung bakit pero sinusundan ko siya hanggang sa labas.

"May kailangan ka sa akin?" Tanong nito sa akin. Hindi ko na talaga alam dahil kusang gumagalaw ang katawan ko ngayon. I kissed him.

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Pero nagulat ako noong hinalikan niya rin ako.

"Now, we're quits." Sabi niya at tumalikod na sa akin.

"Nakakahiya man ang nangyari sa atin ngayon dahil nasa publikong lugar tayo." Hinawakan ko ang damit niya sa likod.

"Sana man lang bago mo ko hinalikan sa maraming tao ay sana nagisip ka na muna."

Masakit man ang sinabi niya pero totoo naman iyon.

"Hindi ko alam pero kusang gumagalaw ang katawan ko. Gusto kong sundan ka hanggang dito sa labad." Binitawan ko na ang damit nito at tumalikod na rin ako para bumalik na sa trabaho pero nagulat ako noong makita si Luca. "Luca?!"

Umalis si Luca na hindi man lang nagsalita kung bakit siya nandito.

"Ano problema noon?" Tanong ko sa sarili ko.

"I'm not the right person to tell you this but Luca likes you." Napatingin ako kay Alex. Si Luca may gusto sa akin? Imposible. "Alam ko namang mahal mo siya kaya kung siya ang pinili mo ay ayos lang sa akin. Hindi naman ako nakipagkumpitensya sa kanya."

"Imposible iyang sinasabi mo sa akin." Gulong gulo na tuloy ng isip ko ngayon. Una bigla ko na lang hinalikan si Alex tapos nalaman kong may gusto si Luca sa akin. Mukhang naiintindihan ko na ang sitwasyon ni Aya noong naglalaban sina Aizen at Caleb. Pero ang sitwasyon ko ngayon ay hindi lumalaban ang dalawa.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakatitig lang ako sa phone ko habang nahawak ko iyon. Iniisip ko kasi kung tatawagan ko ba si Alex o hind.

"Kung makapagsalita lang iyang phone mo baka kanina pa niya sasabihin sayo na natutunaw na siya sa kakatitig mo, Callie." Sabi ni Caleb. Pero hindi ko inalabang kausapin siya. "Ano ba problema mo? Mukha kasing may hinihintay kang tawag. Kay Luca ba?"

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon