Alex's POV
Mabuti na lang hindi ganoon karami ang interns ko kaya hindi ako mapapagod ngayong araw. Kung nakaramdam na ako ng sakit ng dibdib ay binibilin ko sa ibang doctor na sila muna ang bahala. Lunch break na rin pero ayaw kong kumain sa canteen kahit marami ang nagyaya sa akin.
"Magandang hapon po, dr. Alex." Pagbati sa akin ng kamag ng isang naging pasyente ko noon.
"Magandang hapon rin sayo. Ano ang maitutulong ko?"
"Gusto ko lang po malaman kung nandito po ba kayo bukas? Kasi may appointment si dad para sa x-ray niya."
"I'm not sure. Kung wala ako bukas, kumausap niyo na lang kung sino naka duty bukas."
"Salamat po, dr. Alex."
"Pero titingnan ko kung wala akong gagawin." Ngumiti ako sa kanya. "Sige, kakain na muna ako."
Pumunta na ako ngayon sa coffee shop. As usual puro couples ang makikita dito. Tinalo pa ang Valentine's Day sa dami ng couples ngayon. Pagkaorder ko ng maiinom ko ay umupo na ako sa bakanteng upuan. Napansin kong may bagong pasok sa loob ng cafe, siya yung ex girlfriend ni Aizen dahil siya ang kasama niya umuwi kahapon. Napansin ko rin na naghahanap rin siya nag mauupuan. Wala na kasing bakante.
"Miss.. Miss, dito ka na lang. Wala naman akong kasama." Tinawag ko siya para alokin siya sa upuan sa harapan ko.
"Thank you." Ngumiti siya sa akin bago umupo.
"I'm Alex. Alexander Murry." Pagpakilala ko sa kanya.
"Aya Collins."
"Ikaw yung bagong hire ni Aizen." Hindi ako makapaniwalang maganda ang ex girlfriend ni Aizen pero ang pagkaalam ko ay may anak na siya. Panigurado may asawa na rin.
"Kilala mo si Aizen?"
"Yep. He is my classmate slash roommate during college days. Co-founder ng ospital na ito." Uminom na ako ng kape ko habang siya ay hinihintay ang kanyang order. "Bakit ka pala dito nagtagrabaho? Sa dami pa namang ospital na pwedeng applyan."
"Nirecommend sa akin ito ng best friend ko at pinangarap ko naman magtrabaho talaga sa isang ospital. Noong unang trabaho ko kasi sa isang kumpanya."
"Oh! Bakit ka lumipat?" Tanong ko sa kanya. Saktong dumating na yung inorder niyang kape kaya uminom na rin siya.
"Ang manyak kasi ng dati kong boss para bang hinuhubaran niya ako sa isipian." Kwento niya sa akin kaya natawa ako. Mga wala talaga magawa sa buhay.
"Manyak nga. Dapat sa katulad mo ay yung hindi binabastos. Anyway, may boyfriend ka na?"
Wala akong balak pormahan siya dahil alam ko namang mahal pa rin siya ni Aizen. Curious lang kasi magandang babae si Aya kaya imposible wala naging boyfriend.
"Wala akong boyfriend."
Weh? Baka asawa meron.
"Asawa?"
"Wala rin. Pero may anak na ako."
"I see. A single mother. Alam mo proud talaga ako sa mga single mothers."
"Bakit naman?"
"Kahit wala silang asawa ay gumagawa sila ng paraan para sa mga anak nila."
"Yup. Ginagawa ko naman ito para sa anak ko. Gusto ko bigyan siya ng magandang kinabukasan."
"That's it." Napatingin ako sa wrist watch ko dahil nawala sa isip ko ang oras. "Sorry, I really have to go. May pasyente pa kasi ako ng ala una."
"Sama na ako sayo. Baka kasi hinahanap na ako ni Aizen." Kinuha na niya yung kape bago tumayo.
"Okay."
May naisip tuloy akong kalokohan ngayon. Alam kong mahal pa rin siya ni Aizen pero gusto kong pagselusin ang kaibigan ko.
Pagkapasok namin ni Aya ay ang sama ng tingin sa amin ni Aizen. I smell someone is jealous. Mission accomplished! Walang kahirap-hirap!
"Bakit kayo magkasama na dalawa?"
"Chill, bro. Nagkita lang kami ni Aya sa cafe. Nagkatuwaan na rin habang nagkwentuhan and so on. Huwag mong bigyan ng malisya."
"Fuck off. Lei è mia." Masyadong pikon talaga si Aizen kahit kailan. Nagiging alien pag nagagalit pero joke lang. Italian lang iyan.
"All right, all right. Hindi naman ako interesado." Nakataas na ang dalawa kong kamay bago iniwanan ang dalawang iyon. Habang naglalakad ako ay lumingon ako sa likod, nakita ko kung paano agawin ni Aizen ang kape ni Aya at ngumisi ako. Selos na selos talaga.
Bumalik na ako sa trabaho ko dahil tinuturuan ko pa yung mga natitirang intern.
Pagkatapos ng trabaho ko ay nakita ko sina Aizen at Aya magkasama. Bakit kasi ayaw pang sabihin ni Aizen kay Aya na mahal pa ito. Kung ako siya ay sasabihin ko na sa kanya bago maagaw siya ng ibang lalaki. Sa ganda pa niya kaya imposibleng wala magkakagusto sa kanya.
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay binuksan ko na agad ang laptop ko.
"Hi, ma."
"Musta ka na, Alex?"
Hindi ko naman pwedeng sabihin kay mama na sumasakit minsan ang dibdib ko dahil alam kong papauwiin niya ako sa states at ayaw ko mangyari iyon. Magaaway kasi kaming dalawa.
"I'm fine."
"Huwag mo papagurin ang sarili mo ah. Alam mo naman bawal ka mapagod at sabihin mo sa akin kung sumasakit ang dibdib mo."
"Ma, I'm a doctor that's why I can take care of myself."
"Doctor ka nga pero ayaw mo magpaopera para maayos na ang kalagayan mo. Yung mga bagay na hindi mo magawa noon ay magagawa mo kung papayag kang magpaopera."
"Pinagusapan na po natin ang tungkol diyan. Gastos lang po ang magpaopera at kailangan makapagtapos sa pagaaral si Dave."
"Hindi gastos kung kalusugan mo na ang pinaguusapan dito, Alex."
"Okay po. Pagkagraduate po ni Dave ng college, doon ako magpapaopera."
"Pangako mo iyan sa akin."
"Si mama talaga parang bata. Yes po. You have my word."
"Nagpapasalamat ako dahil nagisip ka na magpaopera."
"Ayaw ko rin po kayo magaalala sa akin."
Malapit na rin grumaduate ng college ang kapatid ko kaya paghahandaan ko siya ang magpaschedule sa operasyon. Sana maging tagumpay dahil ayaw ko iwanan ang pamilya ko. Hindi ko pa nga nakilala ang babaeng papakasalan ko.
"Matulog ka na, Alex. Alam ko naman maaga ka bukas."
Humiga na ako sa kama pero iniisip ko yung pinangako ko kay mama. Bumitaw ako ng isang salita sa kanya kaya kailangan kong tuparin iyon. Kailangan ko na yata ang magpaschedule para sa operasyon. Susubukan kong kausapin si Aizen, sana nga hindi siya busy bukas.
BINABASA MO ANG
Definitely Yours
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung magkagusto ka sa isang lalaki na mukhang hindi seryoso sa isang bagay? Pipilitin mo pa rin ba ang sarili mo para makuha siya? O magagawan mo magmahal sa ibang lalaki na kabaliktaran ng first love mo? Meet Callie Tan a...